CHAPTER 11

108 5 0
                                    

Chapter 11

Days left: 22...

Ethan's POV

Nagising ako sa kalabog ng pintuan.

*BLAAG! BLAAAG!*

Hindi ko ito pinansin at natulog ako. Pero kumalabog na naman. Argh! Natutulog yung tao eh. Shete naman eh.

Binuksan ko yung pintuan kahit antok na antok pa ako.

"The he---" naputol yung sasabihin ko ng nakita ko kung sino yung nasa pintuan.

"Hi Ethan!!" Masiglang bati ni Eli.

"Ano bang kailangan mo? Inaantok pa ako! Wala namang pasok eh. Leave me alone!" Tapos sinubsob ko yung mukha ko sa unan ko.

"Eeeeh~ Ethan naman eeeh~ Nakalimutan mo kung ano ngayon." Sabi niya na parang bata.

"Ano ba ngayon? Birthday mo ba?" Sabi ko at humikab.

"Hindeee." Sabi niya ulit.

"Edi ano?" Tapo pumikit ulit ako. Pero biglang may tumalon sa kama.

"ETHAN! SUNDAY NGAYON! TARAAA! SIMBA TAYOO!!" Talon lang siya ng talon.

"Ano baaa. Elii. Ikaw na lang. Inaantok pa ako." Seriously inaantok pa nga ako.

"Ethaaaaaan!" Sigaw niya. Pero talon pa rin siya ng talon.

Ah! Ayaw no tumigil ah!

"Ethaaan! Tayo ka na---KYAAAAAH!" Hingit ko siya sa bewang at pinahiga sa tabi ko.

"Yaaah! Ethan! Gumising ka na diyaaaaan!" Sigaw niya.

"Sshh." Sabi ko at niyakap siya. Inaantok pa ako.

"Ethaa---" pinutol ko yung sasabihin niya.

"Ssh! Wag ka maingay! May naglalaba!" Tapos tumigil naman siya. Yes. Papikit na sana ako ng may malakas na enerhiya na tumama sa braso ko.

"Aaww!" Singhap ko.

"Gumising ka na diyan! Idadamay mo pa ako! Dalii! Tayo na. Kundi kakaladkarin kita! Sige! Ano?!" Pananakot niya. Tumayo naman siya.

"Sige ngaaa. Gawin mo. Sows. Ang payat payat mo eh." Sabi ko habang naka higa pa rin sa kama.

"Ah! Ayaw mo talaga ah!" Tapos naramdaman kong may tumusok ng tagiliran ko kaya napagalaw ako.

"Yah! Eli! Wag diyan!" Sigaw ko pabalik.

"May kiliti ka diyan no? Ayyiieeeh!" Pang-aasar na naman niya kaya sinundot niya ulit yung tagiliran ko. Napa-urong naman ako.

"ELI! ANO BA--- AHAHA" Kinikiliti kasi ko ang putek. Kinikiliti niya ako ng kinikiliti ng mahawakan ko ang kamay niya at napa upo.

"KYAAAAH!" Sigaw niya ng hilahin ko siya na maging dahilan ng paggulong namin sa sahig. Hindi ko namalayang nasa dulo na ako ng kama. Kaya nahulog kami sa sahig.

Napaibabaw siya sakin. Nagulat ito. At pinitik ang ilong ko.

"Ikaw talaga Ethan! Para kang bata! Maligo ka na nga!" Tapos hinampas niya yung braso ko bago tumayo at lumabas ng kwarto.

Psh. Gusto ko pa matulog eh. No choice ako nligo na ako at bumaba.

"Buti naman at tapos ka na. Antagal mo." Reklamo niya.

"Sus. Wala pa ngang 30 mins eh." Pagdadahilan ko.

"Di bale. Tara na. Male-late tayo sa misa sige ka!" Tapos hinila niya ako. Ako yung pinagdrive niya tapos pumunta kami sa pinakamalapit na simbahan.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon