CHAPTER 20

104 3 0
                                    

Ethan's POV

1 month na ang nakalipas simula nang malaman ko ang lahat. Tinanggap ko si Eli kung sino siya, at hanggang ngayon lumalaban kami. Araw araw pahina ng pahina si Eli. Sabi kasi ng doktor ay hindi na daw ito maagapan. Pero hindi ako papayag, gagaling si Eli. Pinapangako ko yan.

"Ethan! Huyy. Ang lalim na naman ng iniisip mo." Sabi ni Eli habang naka-cross arms at nakanguso. Napangiti na lang ako.

"Hindi ah!" Pagtatanggi ko.

"Weh? Edi ano palang iniisip mo?" Tanong niya. Nandidito kami ngayon sa kwarto ko, nakaupo ako malapit sa bintana at siya naman ay naka-upo sa kama.

"Ikaw." Bulong ko. Agad naman siyang namula dahil dun.

"Ethan!" Suway niya. Natawa na lang ako.

"Bakit? Pfft." Sabi ko at nagpigil ng tawa.

"Heh. Ewan ko sayo." Sabi niya at humiga sa kama. Sinundan ko siya, humiga din ako pero nakatalikod siya sakin.

"Eli.." paglalambing ko dito. Hindi siya sumagot.

"Hey. Eli.." malambing na tawag ko ulit. Hindi naman siya sumagot kaya tinignan ko yung mukha niya. Nakapikit siya pero halata mong gising pa ito.

Sinundot ko ang tagiliran niya. Agad naman siyang gumalaw.

"Ethan!" Sigaw niya.

Humarap na siya sakin. Muli ko na namang nasilayan ang maganda at inosente niyang mukha. Medyo malalim na ang mata niya at namamayat na siya. Halata mong may sakit siya, pero she still try her best to smile infront of me.

"Eli.." tawag ko sa kanya habang hinahaplos ang mukha niya.

"May gusto akong puntahan." Sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

"Ano yun?" Tanong ko. Umupo siya at tumayo sa kama.

"Gusto ko pumunta sa Amusement park!" She cheerfully said.

Natawa na naman ako sa ginagawa niya.

"Sure. Sure. Pupunta tayo. But, for now maligo ka muna! Ang baho mo na!" Pang-aasar ko sa kanya. Sinimangutan niya na naman ako.

"Talaga? Mabaho ako?" Tapos inamoy niya yung sarili niya pati kili kili niya.

This girl.. really.. I really love her so much..

Lumapit ako sa kanya habang umiiling iling at humahagikhik.

"Mabaho ka man o hindi, mamahalin pa din kita." I said at nilagay ang mga kamay ko sa pisngi niya.

"Ethan talaga!" Sabi niya at namula. Tumawa na naman ako at pinisil ang pisngi niya.

"Sige na, maligo ka na!" Sabi ko at lumabas na siya sa kwarto ko.

After kong maligo ay bumaba na agad ako para antayin si Eli. Hindi rin naman nagtagal ay bumaba na siya. Naka longsleeve siya na violet at naka pantalon at suot suot niya ang sapatos na binili ko sa kanya noon. At may dala dala talaga siyang sling bag na palagi niyang dala kahit saan kami magpunta.

"Shall we?" I said while offering her a hand. She smiled and took it.

Lumabas kami ng bahay, pinatunog ko ang kotse ko at pinagbuksan ng pintuan si Eli. Pumasok naman siya agad. Umikot ako sa kabilang side at pumasok sa kotse at umupo sa driver's seat.

"Saang amusement park, Eli?" Tanong ko habang iniistart yung kotse ko.

"Hmm, kahit saan." She said at binuksan ang radyo ng kotse.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon