CHAPTER 12

103 3 0
                                    

Chapter 12

Days left 20...

Ethan's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng classroom. Sobrang boring. Walang magawa. Psh. Nagdadaldal lang kasi yung prof namin. Pake ko ba sa buhay neto? Tss.

*RING DING DONG* (Charr lang to. Wala eh. Shawol si Author eh. Sorry for the poor sfx. Yan lang afford ko. XD)

After magring nung bell suppossed to be next subject na. Pero hindi pa kami dinidismiss. Ano ba to. Gusto ko ng umuwi eh.

"Another announcement! Cut ang classes today due to some meetings. Kaya ang mga wala ng gagawin better go home. Alright?" Pagkasabi na pagkasabi ng prof namin nun ay nauna na ako sa pintuan.

Yes! Minsan lang kaya magcut ang classes dito. Kapag kailangan lang talaga. Maaga pa naman eh. Pero uuwi na ako. Igagala ko na lang ulit si Eli.

Pagpasok ko ng kotse biglang nagvibrate yung phone ko.

From: Eli

Ayo! Ethan. Nandito ako kila Nicolo. Hehe. Punta ka dali!

Hindi na ako nagreply at pumunta na lang diretso. Pero bumili muna ako ng pagkain dahil for sure, gutom si Eli. Matakaw pa naman yun.

Nagpark na ako sa tapat at pinindot ang car key then pumasok diretso sa loob.

"ETHAAAN! Buti dumating ka kaagad. Nagcutting ka?" Bungad ni Jun.

"Nayswan! Balik sa dating gawi!" Sigaw ni Sett.

"Hindi na ako nagka-cutting." Sabi ko.

"TALAGA?!" OA na reaction ni Yael.

"Tss. Oo nga. Makulet?" -ako.

"Bakit ang aga mo?" Takang tanong ni Nicolo.

"Bakit bawal ba?" Pilosopong tanong ko.

"Tss. Ayan ka na naman." Nakangusong sabi ni Nicolo.

"Nasaan si Eli? Si Justin din?" Sunod sunod na tanong ko.

"AYYYIIEEEHH. HINAHANAP NIYA SI ELI. AYYIIEEEHH. TANLI~~" parang tangang sigaw ni Yael.

"Nasaan si Eli?" Mariin kong pagkakasabi.

"Chill. Nasa kusina kasama si Justin." Sabi ni Set. Kaya agad akong dumiretso sa Kusina.

"Woah. Justin! Ang galing naman!" Malayo pa lang ako rinig ko na ang bunganga ng babaeng yun.

"Waah! Ansarap pa! Grabee. Ikaw na Jus!"

Pagpasok ko ng kusina nakita ko si Eli na nakupo sa isa sa mga stool sa counter tapos nagluluto naman si Justin.

"Hindi naman. Mas masarap pa rin magluto si Ethan." Pa-humble na sabi ni Justin. Sus.

"Hmm. Siguro nga. Pero okay lang. Lahat ng masarap na pagkain magkakalasa. Kasi masarap nga. AHAHAHA." Ayan na naman siya sa mongoloid niyang tawa. Even though it sounds so weird in my ears, still I don't know why I really love to listen to it.

Na-abno na naman ako. And I hate this. -.-

"ETHAN TAN! ANDYAN KA NA PALA! ANG BILIS MO NAMAN DUMATING!" Hyper na sabi ni Eli. Kahit kailan ang ingay talaga neto!

"Wag lang sumigaw. Nandito lang ako. Tss. Maaga na-cut yung klase." Sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Ahh. Okay. Gusto mo?" Yaya niya sakin sabay tapat ng pancake sa bibig ko.

Kumagat naman ako. Masarap pala magluto si Justin no?

"Hala! Ang laki naman ng kagat mo! Ethan!" Reklamo ni Eli.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon