CHAPTER 7

114 4 0
                                    

Ethan's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Pinatay ko ito at tumayo. Chineck ko yung phone ko. Wala naman kaming gala ni Bel. Kasi sila ng kapatid ko may gagawin daw sila. Well, as usual business matters. Nalala ko si Eli. Nag-away pala kami kagabi. Wait.. NAG-AWAY KAMI! HALA! NASAN NA YUN?! SHT.

Dali-dali akong pumunta sa kabilang kwarto. Binuksan ko ang pintuan total hindi naman naka-lock. Wala naman siya sa loob. Saan ba nagpunta yun?! Argh.

Bumaba ako ng hagdan na nagmamadali pa rin. Kumakalabog ang paa ko sa hagdan. Ng dahilan para magulat ang mga kasama ko sa bahay.

"Manang! Si Eli?" Tanong ko pagbaba ko.

"Ah. Si Ma'am Eli ho? Maaga siyang umalis eh. Wala naman siyang sinabi kung saan siya pupunta. Basta lumabas na lang siya eh." Sabi ni Manang.

"Kumain na po ba siya?" Tanong ko umiling naman siya at nagpatuloy sa paglilinis. Argh! I forgot to say sorry.

Saan na ba nagpunta yun? Hindi to nakakatuwa. Nag-aalala ako sa kanya. Biglang nag-vibrate yung phone ko. Sinagot ko naman ito.

"What?" Medyo rude kong sagot.

"Wag mo akong ma-what what diyan Ethan! Sabi ng profs mo hindi ka na naman pumapasok! My god Ethan! Umayos ka nga. Baka bumalik ako diyan kaagad at hindi ka matutuwa sa gagawin ko. I'm warning you Ethan." Tapos binabaan na niya agad ako.

Sht. Updated si Dad. Ano ba yan! Kailangan ko pang pumasok. Umakyat ako at naligo. Papasok muna ako.

*Sa University*

As usual pinagtitinginan na naman ako at pinagbubulungan pero do I look like I care? Tss. Dire-diretso lang ako sa room ko. At ang first subject ko ay babae ang prof.

Kala niyo matandang hukluban no? Mali. Mabait na babaeng prof. Ultimate crush ng mga classmate kong lalake pero hindi ko sila close. Naririnig ko lang ang chismisan nila.

"Good morning Class! Oh. Nandito pala si Mr. Santiago. Mr. Santiago, hindi ka pumapasok this past few days. Why? May problema ka ba? We can talk about it." Sabi niya sakin. Umiling lang ako.

"Okay. Bibigayan ka na lang namin ng kopya ng notes. Okay? Okay. Let's continue our discussion about..."

Hinayaan ko lang magdaldal si Ms. Crisostomo.

Antagal matapos. Hahanapin ko pa si Eli eh.

*************

Finally tapos na! Ang tagal kaming dinismiss ng mga profs eh. Nyeta.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko. Pinandar ko to agad. Ng biglang mag-vibrate ang phone ko. Hindi ko tiningnan ang ID caller. Pinatay ko na lang ito agad. Mamaya na. Kung sino man siya. Hinahanap ko pa si Eli. Baka kung anong mangyari sa kanya.

Dumaan muna ako sa J.Co para bumili ng pagkain. Alam kong kasama nun sila Nicolo ngayon. After kong bumili ay dumiretso ako sa hide out.

Kinalabog ko yung pintuan kasi naka lock.

"Sht! Si Ethan na yan!"

"Tago! Tago!"

"Wait. Sino magbubukas?"

"Ako na lang!"

"Sige. Eli. Anong gagawin mo?"

"Magtatago ako sa kwarto! Ayy!"

Kinalabog ko ulit yung pintuan. Leche. Antagal buksan sabi na nga ba nandito si Eli eh.

"Hoy! Buksan niyo to! Alam kong nandiyan si Eli! Mga gago! Papasukin niyo ako! Pucha! Sisirain ko to! Isa! Dala---"

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon