CHAPTER 2

181 3 2
                                    

Chapter 2

3rd Person's POV

Kasalukuyang nakikipagdaldalan si Eli kasama ng mga kaibigan niya.

"Eli~" tawag sa kanya ng boses ng lalake.

"Uyy. Eli! Tawag ka ni San Pedro!" Sabi ng kaibigan niya.

"Oo eto na." Sabi nito at tumayo.

Lumapit ang Anghel kay San Pedro.

"Bakit po?" Tanong nito.

"Pinapatawag kita dahil may kailangan kang gawin na mission." Sabi ni San Pedro.

"Mission?" Takang tanong ng Anghel.

"Oo. Mission. Tutulungan mo si Ethan. " Tanong ni San Pedro.

"Ethan?" Tanong ni Eli sa sarili niya. Parang pamilyar kasi sa kanya.

Biglang nag-flash ang isang picture ng binata. Oo. Nag-flash talaga. Techi na sa Heaven eh. XD

(A/N: Kathang isip lang ho. Hindi po ito totoo. Pramis. XD So bear with me. Kahit mais.)

Tiningnan ni Eli ng mabuti ang picture. Napakunot ang noo niya. Pamilyar ang binata pero hindi niya ito matandaan.

"Anong gagawin ko?" Tanong ni Eli kay San Pedro.

"Kailangan mo siyang pabalikin sa dati niyang ugali. Kailangan mo rin siyang turuan ng mga bagay-bagay. May ibibigay kaming notebook sayo. Doon nakalagay ang lahat ng gagawin mo. Meron kang 100 days para gawin ang mission mo. Kapag hindi mo ito nagawa sa loob ng 100 na araw ay may katumbas na parusa. At higit sa lahat. Bawal mahulog ang Anghel sa tao." Mahabang sabi ni San Pedro.

"Ahh. Pababalikin lang pala sa sarili eh. Sus. Madali lang yan." Sabi ni Eli sa isip niya.

Tumango-tango naman ang dalaga.

"Handa ka na ba Eli?"

"Wait! Papaalam lang po ako sa mga kaibigan ko." Sabi ni Eli.

Napatawa ng marahan ang santo. At pinayagan si Eli. Minadalian ni Eli ang paglalakad niya pabalik sa mga kaibigan niya.

"Oy! Eli! Ano na?" Tanong ni Yna.

"May mission ako sa mundong ibabaw." Sabi ni Eli at nag pout. Taray. Pout.

"Ha? Eh diba matagal mo ng nilisan ang mundong ibabaw?" Sabi ni Sienna.

"Oo nga. Ano namang gagawin mo dun?" Tanong ni Mikaela.

"May tutulangan ako dun." Sagot naman ni Eli.

"Taray. Oh. Good Luck sayo~" pag-cheer ni Tianna.

"Oo nga! Good Luck~" masayang sabi ni Hannah.

"Ingat ka ah. Try mong magdala ng pagkain galing doon. Tingnan lang natin. TITINGNAN LANG AH. HINDI NATIN KAKAININ." sabi naman ni Summer.

Napatawa na lang sila sa inasal ni Summer.

"Oy, hinahanap ka na ni San Pedro." Cold na sabi ni Jess.

"Atat ka? Wala pa ngang group hug eh." Sabi ni Steph.

"GROUP HUG~!" Sigaw ni Tianna at nagyakapan silang magkakaibigan.

"Sige~ ingat din kayo! Ma-mimiss ko kayoo~ Love y'all~~" sabi ni Eli at lumakad paalis habang kumakaway.

Nakadating na siya sa harapan ni San Pedro.

"Ready na po ako!" Determinadong sagot ni Eli.

"Okay. Sige. Ipikit mo ang iyong mata." Utos ni San Pedro. Ipinikit naman ito ni Eli.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon