CHAPTER 4

105 4 1
                                    

Chapter 4

3rd Person's POV 
SETTING: 14 years ago, At Santiago's Residence.

"Mama~ Mama~ Eto na po----"

*BANG!* *BOOGSH*

"MAMA!"

Sigaw ng batang si Ethan. Kitang kita sa mata ng bata kung paano patayin ang kaisa-isa niyang Ina. Sa harap niya pa mismo. Unti unting nanlumo ang bata habang nakatingin sa bangkay ng kanyang pinakamamahal na Ina.

Napatingin ang bata sa lalaking naka-itim na may hawak na baril. Naka balot ang mukha nito. At dali-daling lumabas ng bintana.

Tumakbo si Ethan papunta sa kanyang Ina.

"Mama! Mama! Gising! Ma!" Sabi niya habang niyugyog ang katawan ng kanyang Ina.

"Ma! Mama! Mama.." wika niya sabay pagtulo ng luha niya.

"Ma. Dala ko po yung card ko. Mama! Top 1 po ulit ako. Nasaan na po yung gift kong Car? Mama. Gising na po kayo." Patuloy ang pagngawa ng bata.

Sinuri ng bata ang katawan ng kanyang Ina. At inangat ang kanyang kamay. Napupuno ito ng dugo.

"MAMA! MAMA! MAY DUGO! M-MAMA. D-DUGO!" Hysterical na sabi ng bata.

"Ethan! Anong sinisigaw sigaw mo diyan?" Nakarinig ng yabag na paa ang bata.

"E--ETHAN! MA'AM LOISA!" Sigaw ng matandang babae.

"Manang. Si Mama. Si Mama. Tulungan niyo po. Parang awa niyo na po. Si Mama." Sabi nito at umiyak.

"Dadalhin natin siya sa Ospital." Sabi ng matanda at tumawag ng ambulansiya.

**********

Nakaupo si Ethan sa labas ng ER. Habang nakatingin sa kanyang mga munting kamay na may dugo.

Lumabas ang Doctor galing sa loob ng ER.

"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Sabi nito at tinanggal ang mask at gloves nito.

"Ako po! Mama ko po siya! Buhay po si Mama diba?" Sabi ni Ethan ng punong puno ng pag-asa.

Napabuntong hininga ang doctor.

"Bata. Sorry. Pero, kasama na ni Lord ang Mama mo." Sabi ng doktor dito.

"Kasama ni Lord? Sa Langit po? Bakit po? Sabi po ni Mama hindi niya ako iiwan." Sabi nito habang naluluha.

"Pasensiya na. Pero wala na talaga yong magagawa."

"Hindi po ba, Doctor kayo? Inililigtas niyo lahat ng buhay? Pwes. Iligtas niyo po si Mama! Hindi siya pwedeng mamamatay! Hindi!" Sabi ni Ethan na galit na galit.

Napatungo lang ang doktor at umalis.

"Hoy! Doktor! Bumalik ka! Ibalik mo si Mama! Doktor! D-dok... tor.." and he burst into tears.

"Ethan. Shh.." pagpapakalma ng kanyang Yaya.

***********

Walang nagawa si Ethan. Wala na ang kanyang pinakamamahal na Ina. Kasabay naman ang pag-alis ng kanyang Yaya. Kailangan na nitong mag-hanap ng ibang amo. Gusto pa sana ng matanda na alagaan si Ethan. Sadyang may pangangailangan ito.

Naiwan si Ethan sa isang Orphanage. Isang bahay ampunan. Kung saan inaalagaan sila ng mga Madre.

Kasalukuyang nasa ilalim ng puno si Ethan at nagbabasa ng libro. Wala siyang kasamang bata. Bago palang kasi siya sa lugar at wala siyang planong makipag-usap sa iba pang mga bata.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon