CHAPTER 19

88 3 0
                                    

Eli's POV

"It's because I chose you Ethan..." sabi ko.

Halata naman ang pagkalito sa kanyang mga mata. He was confused. Napahinga ako ng malalim.

"Hindi ko alam kung natatandaan mo siya." Sabi ko at pinipigilan ko ang mga luha ko.

"Siya? Sinong siya?" Takang tanong niya pa din.

"I'm your guardian Angel right?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Siyempre, ang mga Angel, they were once persons too. Naging tao din ako Ethan. But that was ages ago.. bata pa ako nung simula akong nakatapak sa mundong ibabaw bata pa ako nun."

*Flashback* 3rd Person's POV

May batang iniwan sa tapat ng isang ampunan nun. Umuulan pa ng malakas. Isang babae ang nag-iwan sa bata. Babaeng maganda, peri mukha itong may malubhang sakit. Agad namang kumatok ang babae at mabilis na umalis.

May nagbukas naman ng pintuan na isang madre. Nakita niya ang isang sangol. Natutulog ng mahimbing. Lumingon-lingon muna ang madre nagbabakasakaling may tao sa paligid. Pero lumakas lang lalo ang ulan. Agad niyang binuhat ang natutulog na sangol at dinala sa loob.

Pinangalanang Lily ang bata. Lumako itong masiyahin, palangiti, batang parang walang problema. Sobrang hyper. Hanggang sa may nakilala itong lalake. Si Ethan. Ang naging bestfriend niya sa lahat. Pansin din ng mga madre ang sobrang closeness ng dalawa. Magna-nine years old si Lily ng may malaman siya tungkol sa sarili niya.

Naglalaro sila ni Ethan, nagtatakbuhan, basta. Lahat na ata ng laron nalaro na nila eh. Sa sobrang kasiyahan nila hindi napansin ni Lily ang sakit na nararamdaman niya. Simula pala lang kasi nanakit na ang ulo niya ay medyo lumalabo ang paningin niya.

Umakyat sila ng puno ni Ethan.

"Waahh~ ang ganda dito." Sabi ni Lily. Pero sa totoo lang, hindi niya makita ng ayos.

"Oo nga." Tipid na sabi ni Ethan. Baba na sana si Lily ng bigla siyang madulas buti naman ay nahawakan siya agad ni Ethan.

"Ano ba! Lily! Mag-iingat ka nga!" Sabi ni Ethan.

"Sorry na." Sabi ni Lily at bumaba. Pero sa di inaasahan, pagtungtong ng paa ni Lily sa damuhan ay agad suyang nahimatay. Nataranta naman si Ethan kaya agad agad siyang bumaba at binuhat si Lily.

"Sister! Sister!" Pang bubulabog ni Ethan sa mga madreng busy sa paghanda ng meryenda ng mga bata.

"Oh! Ethan! Anong nangyari kay Lily?!" Tarantang sabi ng isang madre.

"Nawalan po siya ng malay habang naglalaro kami!" Natataranta din si Ethan. Natatakot siya sa lahat ng pwedeng mangyari.

Sinugod sa ospital si Lily. Dapat nga ay hindi isasama ng mga madre si Ethan kaso masyado siyang mapilit. Nasa labas lang sila ng ER.

Pagkalabas ng doktor ay agad na kinausap ito ng madre. Kaso, hindi ito marinig ni Ethan. Nagtataka siya kung bakit hindi nila siya inisama sa usapan. Kaibigan naman niya si Lily, nagtataka siya. Lumapit ang madre sa kanya at nagsalita.

"Ethan, papasok lang ako sa loob ha? Kakamustahin ko lang ang kalagayan ni Lily. Huwag kang magalala. Papasukin din kita." Sabi ng madre at pumasok sa loob ng kwarto ni Lily.

Pagpasok ng madre ay nakita niyang may malay na ang batang babae.

"Sister!" Masiglang bati ni Lily dito. Ngumiti na lang ng malungkot ang madre.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon