CHAPTER 15

153 4 0
                                    

Days left: 10 days...

Ethan's POV

One week had passed. Naging successful ang operation ni Dad. Then now, busy na naman ang buong bahay dahil masigla na ulit si Dad at magpaparty pa siya. Walang kapaguran tong tatay ko no?

"Manang! Yung mga bilin kong gawin niyo, okay na ba?" Tanong ni Dad.

"Yes, sir!"

"Hijo! Dito yan! Yung.. yan! Yan! Doon.." utos niya sa mga lalaking nagbubuhat at naglalagay ng mga tables and chairs.

Alam niyo na? Sabi ko sa inyo eh. Ang simula ng party ay 7:00. Pero 5:00 pa lang. *sigh*

Nakakatamad. Wala akong magawa. Kaya umakyat na lang ako. Papasok sana ako sa kwarto ko, pero nadaanan kong bukas ang pintuan ng kwarto ni Eli. Kaya pumasok ako. Nakita ko siyang tulog.

Nakatagilid siya at yakap yakap ang unan.

Payapa siyang natutulog. She was really cute. And at the same time, beautiful. Ewan ko ba. Lately, napupuno ng puri ang utak ko kapag kaharap ko siya. Para bang nagiging automatic compliment machine ang utak ko kapag nandiyan siya.

Maya-maya, biglang kumunot ang noo niya. At unti-unting gunalaw. Bigla naman akong nagpanic sa di malamang dahilan. Bago pa ako makaalis sa kwarto, tinawag na niya ang pangalan ko.

"Ethan?" Tanong niya.

Lumingon agad ako sa kaniya at nakita kong nagkukusot siya ng mata niya.

"E-E-Eli! Hehe. Gising ka na pala." Sabi ko at napakamot ng batok.

Tumango lang siya.

"Uhh. Eli, yung party nga pala. Magsisimula na mamaya. Nandiyan na sa paper bag ang susuotin mo. Nandiyan na lahat ang kailangan mo. Sige." Pagdadahilan ko kahit maaga pa talaga.

"Ethan.. wait lang.." sabi niya.

"Hmm?" Tanong ko at nginitian niya ako.

"Wala. Wala. Sige na." Sabi niya. Ano daw? Gulo ha? Lumabas na ako ng kwarto niya. Ewan ko ba. Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ko. Dumapa ako sa kama ko at sinubsob ang mukha ko.

Ewan ko ba. Parang ang bilis ng tibok ng puso ko. Lahat ng dapat nararamdaman ko kanina ngayon lang lumabas. Naramdaman ko din ang pamumula ng mukha ko. Nung naalala ko yung ngiti niya.

Ugh! Sht. Ano ba to?! Bakit ang lakas ng effect niya sakin. Buset. Ako ba to? Ugh. Para malibang ako, nagcomputer muna ako.

Halos mga isang oras din ako dito. Then, pagpatak ng 6:15 nagready na ako. Nagbihis na din ako ng susuotin ko sa party. Ano ba tong si Dad. Andaming pautot. Tss. Kailangan ba talaga ako dito?

Lumabas ako ng kwarto ko. Nakabihis na ako, okay na din yung buhok ko.

Paglabas ko ng kwarto ko, nakasalubong ko si Dad.

"Ethan. Anak." Tawag niya sakin.

"Ano yun?" Sabi ko.

"Follow me." Sabi niya.

Sinundan ko naman siya. Napunta kami sa kwarto niya. Well, ano naman kayang sasabihin niya?

"Have a sit." Sabi niya. Sumunod naman ako at umupo sa isa sa mga sofa sa kwarto niya.

"Well, I don't know how to start this but--"

Pinutol ko ang sasabihin niya.

"About my biological father?" Tanong ko. At nanlaki ang mga mata niya. Nagulat siya. Malamang. Pero hindi ako mind reader. It's just that. /sigh/

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon