EPILOUGE

142 3 1
                                    

Now playing: Love, That One Word by SNSD's Taeyeon.
Kindly, play the vid at the MM side.

3rd Person's POV

Nakatulala si Ethan sa kwarto na kung saan naka-confine si Eli. Nakatulala siya sa babaeng nakapikit at payapang namamahinga sa kama. Kabadong kabado si Ethan sa mga susunod na mangyayare. Hindi niya gugustuhing mawala ulit si Eli sa tabi niya. Sa tingin niya ay hindi niya ito kakayanin.

Nilapitan niya lalo si Eli. Pinagmasdan niya ang mga mata nitong nakapikit. Ang mahahaba nitong pilik mata. Ang matangos nitong ilong. Ang mapupula nitong labi. Medyo namumutla na rin ang kulay niya.
Napangiti na lang si Ethan nang maalala niya ang mga pangyayari na kasama niya si Eli. Ang una nilang pagkikita, naaalala niya pa kung gaano niya ito sungitan.

Pero agad namang nangilid ang mga luha sa mata niya ng maalala ang sabi ng doktor.

***
"I'm so sorry Mr. Santiago. Pero... delikado na ang lagay niya. Kung ooperahan natin ang pasyente, baka hindi niya ito kayanin." Malungkot na sabi ng doktor sa kanya.

"Doc. May solusyon pa ba? Please doc. Magbabayad ako ng malaki pagalingin niyo lang po siya! Nagmamakaawa po ako! Doc." Hindi na pigilan ni Ethan ang mga luha niya.

"I'm so sorry, Mr. Santiago. Excuse me." At tuluyan ng nakaalis ang doktor sa harapan niya.
*****

Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ni Ethan. Agad niya itong pinunasan. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Eli..." paninimula niya habang nakangiti ng malungkot.

"Mahal na mahal kita.. alam mo ba yun? Siyempre naman. For life tayo, diba? Eli.." kahit anong pagpupunas ang gawin ni Ethan ay patuloy lang ang pag-agos nito.

Hinaplos niya ang buhok ni Eli.

"Kaya mo pa bang lumaban, Eli? Kasi ako willing akong lumaban kahit umabot man ng magpakailanman. Kahit isuko ko lahat para lang wag ka mawala. Gagawin ko lahat lahat para lang wag kang mawala... ulit.. Eli.. please.. nagmamakaawa ako. Eli.. mahal na mahal kita. Lumaban ka, please?" He said and closed his eyes. Nilapit niya ang mukha niya kay Eli.

"I'm begging.. please.." pagkasabi nun ni Ethan patuloy lang ang pagtulo ng kanyang luha. Nanginginig niyang hinalikan ang noo ni Eli.

Tinapat niya ang noo niya sa noo ni Eli. At pumikit ng mariin. Wishing everything like it was a bad dream. He's cherishing every moment he has. At paulit-ulit siyang nagdadasal.

Nagulat si Ethan ng marinig niya ang tunog ng life support machine ni Eli. Agad siyang napatingin sa makina. Nanlalaki ang mata niya. Eli's heartbeat is dropping down. Hinawakan niya ang kamay ni Eli ng mahigpit.

"Eli! Please! Lumaban ka Eli! Nagmamakaawa ako. Eli.." hindi napigilan ni Ethan ang paghagulgol niya.

Biglang may pumasok na nurse sa room.

"O-- Doc! Doc!" Agad na lumabas ang nurse para tumawag ng doctor.

"Eli.. please.. Mahal na mahal na mahal na mahal kita. Wag kang bibitaw Eli!" He shouted at biglang nagdiretso ang linya sa makina.

"ELI!" Ethan shouted.

********
Napadpad na naman si Eli sa isang pamilyar na lugar. Kung saan siya namulat... ang langit.

Pero nagulat siya ng may magsalita.

"Eli.." malalim ang boses. Natandaan niya ang boses nito. Nangagaling ito sa itaas.

"Panginoon.." bigkas niya.

"Sigurado ka na bang babalik ka ulit dito?" He asked. Napayuko naman si Eli.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon