CHAPTER 5

118 5 0
                                    

*10 years ago.* /At **** Cemetery/

3rd Person's POV

Kadadating lang ng magbestfriend sa sementeryo kasama ni Sister Amy. Isa sa mga pinaka-batang madre sa ampunan.

Agad namang umupo ang dalawa sa tapat ng puntod ng Ina ni Ethan.

"Ma! Kamusta na po kayo?" Bati ni Ethan.

Napabuntong hininga si Ethan.

"Ma, 11th birthday ko na po. Namimiss ko na po kayo. Andami pa ho nating hindi napapag-usapan." Sabi ni Ethan. Halata mo sa kanyang mga mata ang pagkalungkot. Nagsalita naman si Lily.

"Hello po Tita! Alam ko pong okay lang kayo kasi kasama niyo si Lord. Atsaka ang bait at talino po neto ni Tan tan. Grabe. Hindi ko ho keri. Masyado pong matalino. Palagi akong natatalo sa away namin. Saan niyo po ba ito pinaglihi?" Dire-diretsong sabi ni Lily.

Napa-iling na lang si Ethan sa asal ni Lily.

"Hoy! Lileng. Kung makapagsalita ka ikaw anak? Ikaw anak? Mas mahaba pa yung speech mo sa speech ko eh." Sabi ni Ethan.

"Eto naman si Tan tan. Gusto ko lang kausapin si Tita. Tsaka perstaym ko to. Diba Tita? Sabi ko sa inyo eh. Talo pa niyan si Jimmy Neutron." Sabi ni Lily.

"Tigilan mo ko Lily ha. Tara na nga kumain na tayo." Tapos tinawag nila si Sister Amy para maghain. Bago sila kumain ay nag-pray muna sila.

Then after nilang kumain. Naglabas si Lily ng cupcake at nilagyan ng kandila. Pinasindihan niya ito kay Ethan dahil natatakot siyang magbukas ng posporo.

"Yan! Ethan. HAPPY BIRTHDAY TO YOUUU~ HAPPY BIRTHDAY TO YOUUU~ HAPPY BIRTHDAY. HAPPY BIRTHDAY~ HAPPY BIRTHDDAAAYY TO YOUUU~ BLOW YOUR CANDLE NAA~" Masiglang sabi ni Lily.

Hinipan ito ni Ethan. At pumalakpak si Lily. At nagsimula silang maglaro. Oo. Kakain lang nito nila laro agad. Wala eh. Gusto nila magpakasaya eh. Sila lang naman tao sa Sementeryo eh.

Takbuhan ito sila ng takbuhan ng lumabas ng gate ng Cemetery si Lily.

"HOY! LILY! WAG KA DIYAN SA LABAS! DELIKADO DIYAN!" Sigaw ni Ethan sa batang babae.

Kasalukuyang nasa gitna ng kalsada si Lily at tiningnan si Ethan. Kinawayan niya pa ito.

"LILY! BALIK!" Sigaw ulit ni Ethan. Pero umiling lang si Lily.

Hanggang sa..

*BEEEEP* *BEEEP* *SCREEEECH*

"LILY!!!!" Habol ni Ethan sa batang babae.

Kasalukuyang nakahiga sa malamig na semento si Lily. Dali-daling lumapit si Ethan kay Lily.

"Lily! Lily! Sabi ko na sayo eh. Wag kang lalabas. Pinababalik kita eh. Lily! Gising! Lily..." lumuluha na si Ethan. Hindi niya alam kung paanong nagyari. Parang isang iglap lang ay bigla na lang nangyari ang lahat.

Biglang nag-flashback sa utak niya lahat lahat ng pinagsamahan nila ni Lily. Simula nung nahing magkaibigan sila nung mga 5 years old siya. Hanggang ngayon. Hindi niya mapigilang umiyak dahil natatakot siyang mawala ito sa kanya.

Na una na ang kanyang Ina. Hindi niya na talaga alam kung pati si Lily na kaisa-isa niyang kaibigan, kapatid, lahat. Para kay Ethan, hindi lang kapatid turing niya dito. Pero alam niyang bata pa. Alam niya kung gaano kahalaga ito sa kanya.

"Lily.. pati.. pati.. p-pati ba naman i-i-ikaw? Iiwan mo din ako? Lily. Please lang.." sabi ni Ethan. Pero hindi talaga sumasagot si Lily.

"Lily..." napapikit at napahigpit ang hawak noua sa nakakababata. Inakap niya rin ito.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon