CHAPTER 16

109 3 0
                                    

Days left: 10-9...

Eli's POV

Bigla-bigla na lang kumulog at kumidlat. Napapikit tuloy ako. Akala ko kukunin na ako ni Papa God. Yun pala umulan lang ng malakas.

Nandito pa din ako nakatayo. Hindi ko alam. After nung narinig ko sa kanya yun.

"ELI! MAHAL KITA.."

Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko at idagdag mo pa ang pag-init ng mukha ko. Hindi normal ang pakiramdam ko na ganto.

Hindi siya normal para sa isang anghel. Hindi ko to alam.

Dahan dahan akong naglalakad pabalik sa bahay nila Ethan. Pero hindi ko na talaga kaya. Ang sakit na ng paa ko. Siopao naman. Nanghihina na ako. Isama mo na din ang malakas na ulan.

Kung dati'y hindi ako nakakaramdam ng init o lamig ngayon, sobra pa kamo sa definition ng lamig. Grabe. Ang ginaw. Halos manginig na ako.

Tuwing pumipikit ako, naalala ko na naman si Ethan tsaka yung sinabi niya. Para bang hindi ako makahinga? Nahihirapan akong mag inhale exhale? Ganun.

Pero, wala akong sakit ha? Sadyang na-abnormal na ako.

"SIOMAAAI! GUSTO KO NG SIOOOMAAAI!" Sigaw ko. Feeling ko kasi mawawala yung sakit. Pero, hindi pala.

Hindi ko na talaga kaya. Nanghihina na talaga ako.

Bigla na lang nanlambot ang tuhod ko dahilan para mapaluhod ako sa damuhan at nakarinig ako ng yabag ng paa. Pero bumigat ang mga talukap ng mata ko at nanghihina na ang pandinig ko.

At nawalan na ako ng malay..

****

May ilaw na nakakasilaw ang nakatapat sa mukha ko. Ano ba yun? Ang init.

Kaya naman napadilat ako kasabay nun ang pag-upo ko. Nasa kama ko na pala ako. Iba na din ang damit kong suot. Mas komportable. Imbis na tumayo ako ay humiga ulit ako.

Masyado akong napagod. Grabe. Dumapa ako sa kama at binalot ang sarili ko ng kumot. Hindi masama ang pakiramdam ko. Feel ko lang magkumot. At pumikit. Inaantok pa ako.

Maya maya nakarinig ako ng mahinang tunog galing sa pintuan. Siguro may pumasok.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Eli..." rinig kong sabi.

"Eli. Gising ka na ba?" Tanong naman niya.

Naku. Naku. Si Ethan to.

"Eli. Sorry kagabi ha? Nagulat ata kita. Sorry ulit. Hindi naman kita pine-preasure. Kasi.."

Napatigil naman siya. Antagal niyang nanahimik bago nagsalita.

"Kasi.. kasi.. ugh. Sht. Ayy. Sorry. Kasi naman eh. Tsk. Tsk. Ang hirap naman neto." Sabi niya ulit.

Natatawa ako sa kanya. Pfft.

"Hoy. Eli. Sincere ako sa sinabi ko ha? Mahal kita. Seryoso ako dun. Swear. Mamatay man ako ngayon. Sana naman maniwala ka. Hindi ako nagsisisnungaling. Kahit hindi mo naman ako nireject kagabi, feeling ko ayaw mo sakin. May kulang ba? Sabihin mo lang magbaba---" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Ya. Ethan. Wala naman akong sinabing hindi ako maniniwala sayo diba? Pero. Kasi..." natagalan ako sa pagsasalita. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko.

Pero siya, nanlalaki pa din ang mga mata.

"E-E-E-Eli.. So, all this time gising ka pala?!" Sabi niya. Napatango naman ako.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon