CHAPTER 1

273 9 4
                                    

Chapter 1

Ethan's POV

"Tabi! Nandiyan na si Ethan!"

"Hala. Tabi! Dali! Baka mapaano ako niyan."

"Sayang talaga si Ethan no?"

"Oo nga. Ang gwapo pa naman tapos ganyan no?"

"Bakit hindi kaya niya tularan ang Step brother niyang si Cedric?"

Kasalukuyan akong naglalakad sa hall way ng University. As usual pinagbubulungan nila ako. Maybe because I came from a school full of Gangsters. Yeah. Galing ako sa school kung saan maraming gangster, pasabolero, magugulo, basta lahat ng masama nandoon. It's the worst University. Ever. Pero para sakin, mas masaya dun kaysa dito.

Doon? They'll accept you who you are. Dito? Psh. Pagbubulongan ka at magkakalat ng kung ano anong chismis na hindi naman totoo. Doon, no comparing happens. Dito? Kulang na lang I-compare sakin ang tatay ko. Palagi kasi akong nakokompara sa Step Brother ko. Pake ba nila sa kapatid ko? Wala namang ginawa kundi magpasikat.

Bawat galaw na gagawin ko, Big deal dito. Doon? Psh. Kahit tumalon ka pa sa rooftop ng building, I-cheer ka pa nila. Nakakainis lang. Di naman kasi dapat ako mapupunta dito eh. Kung hindi sa kapatid kong magaling.

Akala niya na puro katarantaduhan ang ginagawa ko doon. What would you expect? Puro tarantado nga nandoon eh. Pati tropa ko. Pero it doesn't mean na pati ako kasama sa kalokohan nila. Then my dad transferred me here. At their University. Oo. Sa kanila to. Wala naman akong share dito. Anhin ko ba to?

Umupo ako sa isa sa mga bench dito malapit sa field ng school. Watching people pass by. Halos lahat tumitingin sakin. At palagi nilang sinasabi.

"Si Ethan Santiago oh!"
"Diba anak yan ng may-ari ng University?"
"Oo nga. Edi siya yung kapatid ni Cedric?"
"Di lang kapatid. Step Brother kamo."
"Ayy. Ganun? Okay lang. Bet ko naman siya. Ang wafuu oh."
"Psh. Mas gwapo si Cedric. Matino pa. Balita ko, galing sa pinaka worst na University yan! Ibig sabihin bad boy yan."
"Okay na yun no. Parang wattpad lang."

Ang ingay ng mga tao. Puro bulungan ng bulungan. Psh. Naririnig ko naman. Binubulong pa.

Sinuot ko na lang yung headphones ko. Para wala akong marining.

Di ko napansin, naka tulog pala ako. Kaya niligpit ko na yung earphones ko at nilagay sa bag ko. Tumayo na ako at naglakad papunta sa susunod kong subject. Ng may bumangga sakin na lalake. Naka salamin ito na makapal at mukhang takot na takot.

Umangat ang tingin niya. Lumaki ang mata nito at lalong nanginig sa takot. Tiningnan ko lang ito ng diretso.

"S-s-sorry.. E-e-ethan.. Ano--" naputol yung sasabihin niya ng may sumigaw na isa pang lalake.

"Hoy! Di pa tayo tapos bansot!" Sabi nito pero tumigil din ito sa paglalakad.

"E-e-ethan.. a-ano.." nauutal na sabi nito.

Yung Nerd naman eh tumakbo kaso napigilan kaagad nung lalakeng bully at hinila ang kwelyo nito.

"Hoy! Saan ka pupunta. Di pa nga tayo tapos diba??" Sabi niya at tinuhod ang tiyan ng Nerd.

Napapikit ako sa nakita ako.

Napadilat din ako agad.

Nakita kong hawak-hawak ng bully ang kwelyo ng Nerd at bigla itong sinuntok.

"Ano ha?! Tatakbo ka pa?!" Sigaw nito at suntok ulit. Napatingin sakin ang Nerd. Binigyan niya ako ng tingin na humihingi ng tulong.

Napansin ito ng bully kaya nagsalita ito ulit.

Fall In Love With My AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon