(Harry Lim on the side... Jungkook of BTS as Harry Lim)
Fionna's POV
*Riiiiiiiiiing*
Hays.. ano ba yan.. inaantok pa ako ee.. kainis kasi si Harry... nakipagkwentuhan ng hanggang 12:00 sino kaya hindi mapupuyat diba?..
Nag-ayus na ako .. malate pa ako.. humanda yang Harry na yan... speaking of Harry .. siya daw maghahatid saakin sa school..
Paglabas ko sa gate nakita ko siyang nakatayo at nakasandal sa car niya.. ang gwapo niya ah..
"Ang tagal mo naman girlfriend.. sumasakit na paa ko dito sa tagal mo." wow.. nagreklamo pa...
"sino ba naman ang baliw na hindi pumasok sa loob ng bahay kaysa nakatayo dyan at sinisi pa ako dahil sa pananakit ng paa niya." sabi ko sakanya..baliw naman kasi talaga siya
"Mag-aaway ba tayo o sasakay ka na para maihatid na kita at hindi ka malate?" hay kung hindi ko lang to mahal kanina ko pa siya binatukan.. "oo na sasakay na" at sumakay naman na ako .. pinagbuksan pa niya ako ng pinto
Wag niyong isiping boyfriend ko to.. well boyfriend ko na pero hindi yong boyfriend na iniisip niyo.. boyfriend as in lalakeng friend.. tawagan kasi namin boyfriend at girlfriend.. baliw kasi yan .. Pero may girlfriend yan si Gail.. Ok naman siya sa tawagan namin kasi alam naman niyang bestfriend lang talaga kami nito..
"Andito na tayo.." Sabi niya saakin.. ay ang bilis naman naming nakarating sa school.. well malapit lang naman kasi..
"Thanks sa paghatid.. ingat ka.." Paalam ko sakanya.. ngumiti lang siya..
"Kailan pala pupunta dito Gail?" Tanong ko sakanya... "soon..hintay hintay lang girlfriend" at umalis na siya
Pagdating ko sa room wala pang teacher kaya nakipagkwentuhan muna ako kila Lex.. naikwento ko na rin sakanila na andito si Harry
"Go back to your proper seat class." sabi ng teacher ko..
Tumayo muna ako at pumuntang CR...pagbalik ko.. 0_____o
"Boyfriend? anong ginagawa mo dito?" sabi ko sakanya... Napa 0_____o naman ang mga kaklase ko... omg baka iba ang isipin nila... yaan mo na... pakialam ba nila?
"Girlfriend..dito na ako mag aaral" sabi niya saakin.. Bat hindi niya sinabi saakin na dito na siya mag aaral..
"Mamaya na ang lambingan mr. Lim at Ms. Park.." sabi nangteacher ko... Ay teacher pala namin..
"So.? tabi pala tayo girl friend" sabi niya saakin... hindi ko siya pinansin.. nagtatampo ako sakanya... Di niya talaga sinabi saakin ha.. bahala siya
"Girlfriend sorry na" sabi niya.. hay pasalamat siya hindi ko siya matiis kung hindi ay ewan ko nalang ..
"Oo na.. pasalamat ka mahal kita boyfriend" napangiti naman siya
"-$:!.@-!:?:" may sinasabi ba si seatmate?
"May sinasabi ka?" tanong ko sakanya.. mula nong umiyak ako hindi na niya ako inaasar.. ngayon naman nagiging masungit siya saakin.. ano ba talaga??
"Sabi ko ang ingay niyo." sabi niya.. nabaliktad na ata. dati ako nagtataray sakanya ngayon siya naman..
~~~
Darren's POV
Nakakainis.. sino ba kasi tong lalaking ito? boyfriend niya? hindi naman sila bagay.. mas bagay kaya kami ni Bridey.. ang pangit pa ng tawagan nila... boyfriend?girlfriend? Mas maganda pa ang groomy at bridey..
"Selos ka bro?" Tanong ni Hyung saakin..
"Tss.. ako selos? hindi aa. mas gwapo kaya ako sakanya"sabi ko sakanya. totoo naman kasi ee
"Talaga lang ha?" sabi niya nakangiti pa.. tss
Nasa canteen kami ngayon nakatingin kila Fionna.. kasama nila yong Harry na yon.. kainis sana kami kasama nila eh..
Tss... buti pa siya .. masaya si Foinna kung kasama siya.. ee ako? maiinis lang yon saakin..
Sana ako nalang siya.. kahit mas gwapo ako sakanya..
Aanhin ko ang gwapo ko kung hindi ko kasama si Fionna.?
---
Harry's POV
May lalakeng kanina pa tingin ng tingin saakin or kay Fionna lang.. gusto kaya niya si Girlfriend??
Akala siguro niya girlfriend ko talaga tong payat na ito..
Pagselosin ko kaya para umamin na kay Girlfriend..hahaha
Try nga muna natin
"GIRLFRIEND!! I LOVE YOU!!" sigaw ko sa canteen at alam kung nakatingin lahat ng tao dito sa canteen saamin...
Ngumiti lang si Fionna... hahaha... alam niya kasing trip lang
"I LOVE YOU TOO BOYFRIEND!!!" sigaw rin niya..
Pagkatapos sabihin ni Fionna yon biglang umalis 'yong lalakeng kanina pa nakatingin sakanya...
Sabi na nga ba ee.. may gusto siya sa bestfriend ko... makwento nga ito kay Gail mamaya..
--
BINABASA MO ANG
Don't go (completed)
Teen FictionPaano kung nalaman mong mahal ng kaibigan mo ang taong nagbibigay sau ng saya.. Magpaparaya ka ba para sa kaibigan o ipaglalaban mo ang pag mamahalan niyo ?