Fionna's POV
1 week ko na siyang iniiwasan. 1 week ko ng hindi inoopen ang phone ko. 1 week na rin pala patay ang puso ko..
Oo .. nakapagdesisyon na akong ipaubaya siya kay Lex pero yong makita silang magkahalikan sa harap ko? ang sakit eh. ang sakit sakit lang parang pinipiga yong puso ko..
"Fionna?"
Pinunasan ko naman ang mga luha ko at nagtulogtulogan .. ayaw ko kasing makita nila akong ganito..
"Fionna? Alm ko nagtulog tulogan ka lang" rinig kong sabi ni Kenberly unnie
"Sabihin mo saakin please. alam kong nasasaktan ka pero ano bang dahilan? si Darren ba?"
Nong narinig ko yong pangalan niya , naaalala ko yong mga nangyari..
"1 week ka ng ganyan.. bukas na ang birthday mo pero hindi ka lumalabas ng kwarto mo. Lalabas ka lang pag kakain ka na pero di ka naman namin makausap" sabi niya
Palabas na siya nong tawagin ko siya..
"Unnie pwedeng patawag si .. Si Gail at Harry?" Tanong ko.
"Yan ba ang gusto mo?" Nagnod lang ako sakanya
"Ok then. papatawag ko sila" lumabas na siya ng kwarto ko
Wala pang ilang minute ng pumasok si Gail sa kwarto ko..
Niyakap ko naman siya at halata mong gulat na gulat siya..
Umiyak lang ako habang yakap siya.
"Fionna ok ka lang? " tanong niya.. halata mo sa boses niyang nag aalala siya
"Ayaw ko na" sabi ko at umupo sa lapag
"Fionna..." pilit naman niya akong pinapatayo pero ayaw ko.. nanghihina ako. Hindi ako makagalaw. "Ano ba talagang nangyari?"
"Si..si lex.. nakita ko sila" nanginginig ang boses ko habang sinasabi ko yon
"Nakita mo silang ano?" hindi ko siya sinagot. Umiyak lang ako. "Pano ko malalaman kung di mo sasabihin?!"
"Nakita ko silang magkahalikan!!" Sigaw ko ..
"Anong sabi mo?!" sabay kaming napatingin ni Gail sa nasa pinto
"Harry?!" hindi makapaniwalang tanong ko..
"Anong sinabi mo?!" parang kuya ko na si Harry kaya alam ko kung bakit siya ganyan magreact
"Ano Fionna?! hindi ka magsasalita?!" sigaw ni Harry saakin
"Harry !" awat sakanya ni Gail
"Anong ginawa mo nong nakita mo silang naghalikan? " tanong niya na medyo mahinahon na
"Sinampal ko si Lex pero hindi ko sinasadya gusto ko magsorry sakanya"
"Hindi mo sinasadya?! baliw ka na ba Fio? Ikaw ang sinaktan pero sampal lang? Tapos ngayon gusto mo pang magsorry? nahihibang ka na ba?!" si Gail naman ngayon ang nagagalit..
kaya ayaw ko sabihin sakanilang lahat.. kung ganito na makareact tong dalawa pano pa kung yong pamilya ko?
"May sakit siya!" sigaw ko naman sakanila
"Ano ngayon kung may sakit siya? bakit ngaun ba hindi ka nasasaktan sa ginagawa nila?"
"Mas gusto ko pang mamatay kaysa sa nakikita ko silang masasaktan"
Sinampal naman ako ni Gail dahil sa sinabi ko
"Nahihibang ka na!! tumayo ka dyan. May pupuntahan tayo" hinla ako ni gail palabas ng room ko.. sumunod naman si harry saakin
BINABASA MO ANG
Don't go (completed)
Teen FictionPaano kung nalaman mong mahal ng kaibigan mo ang taong nagbibigay sau ng saya.. Magpaparaya ka ba para sa kaibigan o ipaglalaban mo ang pag mamahalan niyo ?