Fionna's POV
"FIONNAAAAA!" sigaw ni Gail
Dinaanan ko lang siya.. Haha.. Pambawi lang sa ginawa nila ni Harry saakin na pag iwan sa Korea
"Fionna!" Sigaw ulit niya pero hindi ko parin siya pinapansin.
"Fionna!!" sigaw nila mommy kaya lumapit ako at niyakap sila..
"I miss you mom" sabi ko
"Umma" napatingin naman ako don sa tumawag saakin ni yen
"Hello baby" bati ko sakanya at binuhat siya
"Hoy babae..! bakit hindi mo ako pinapansin don kanina?" galit na tanong ni Gail
"Andon ka pala kanina..akala ko wala. sorry" sabi ko at naglakad na..
Silang tatlo lang ang sumundo saakin.. busy daw kasi ung iba..
Pinatulog ko Yen..alam ko naman kasing pagod siya eh.. nong nakatulog ko na siya, kinalabit naman ako ni Gail na katabi ko.. natatingin naman ako sakanya
"Bat umuwi ka?" Tanong niya
"Pinauwi ako ni lolo. wala daw kasi akong kasama sa korea.." Sagot ko naman
"Handa ka na bang makita sila?" tanong niya
"Oo naman.. handa na. hindi nila alam na darating ako kaya punta nalang tayo sa bahay nila." sabi ko sakanya
"Handa ka na bang makita siya?" tanong niya ulit
Handa na ba talaga ako? Hindi ko alam..
"Andito na tayo." sabi ni mommy kaya bumaba na kami..
Pagkapasok namin sa loob ang daming pagkain..
Kumain lang kami.. Kamustahan.. Kwentuhan..
Niyaya ko naman si Gail na lumabas. pupuntahan ko kasi sila Mariel
---
Darren's POV
"What?!" inis kong tanong ko kay Jacob
Pinuntahan ako sa office ko.. Nakakainis.. ang dami dami kong ginagawa
"Bat ba ang sungit mo?" tanong niya
"Marami lang akong ginagawa" sagot ko
"Feeling ko pagsinabi ko sayo to tatayo ka agad diyan" sabi niya
"Depende" sagot ko nalang
"TSk. pagpapasama lang naman sana ako kila Mariel kasi...."
"Kasi miss mo na siya" sabi ko
Ngumiti lang siya kaya alam ko na ang sagot niya
"Alis na . Dami kong ginagawa" sabi ko
"Ah sige alis na ako. Sabagay, miss ko na kasi talaga si Fionna at gusto ko na siyang makita bye" sabi niya at lalabas na
Fionna? andito siya? pero bakit?
"Sandali!!" sigaw ko kay Jacob "Sama ako" sabi ko at nakisabay sa paglalakad.
---
Nakarating kami kila Mariel
"Oh.." gulat na sabi ni Mariel
"Asan siya?" tanong ko
"Kaalis lang" sagot ni Lex
Nakakainis...
Naglakad na ako papunta sa sasakyan ko..
"San naman ako pupunta?" tanong ko sa sarili ko
----
Third Person Pov
Hindi alam ni Darren kung saan siya pupunta kaya nag drive nalang siya kung saan man siya dalhin nito..
Habang si Fionna ay nakaupo sa isang park..Pag katapos kasi niya pumunta kila Mariel ay nagpasya siyang pumunta sa isang park..
Park kung saan sila pumupunta ni Darren pag may problema siya.
"Musta na kaya siya?" Tanong niya sa sarili niya
Bigla nalang siyang naiyak..
Naalala kasi niya lahat ng masasaya nilang araw ni Darren..
Nagulat naman siya ng may magbigay ng Ice cream sakanya
"Mas magandang kumain nalang ng ice cream kaysa umiyak diyan" sabi nito
Inabot naman ni Fionna ang ice cream.. Nong naubos na niya ito biglang nagsalita yong lalaki
"Bakit ka ba umiiyak?" tanong nito kay Fionna
"Dahil sa isang lalaki.... lalaking ang tagal tagal ng nawala sa buhay ko siya pa rin ang hinahanap ko.. siya parin ang mahal ko.. siya parin laman ng puso ko....natatakot ako na baka may mahal na siyang iba"
Nagulat naman si darren sa mga sinabi ni Fionna
"Ikaw bakit ka nandito?" Tanong ni Fionna
"Bigla nalang ako napunta dito. Tapos nakita kita.. alam na alam talaga ng puso ko kung asan ka" natatawang sabi ni Darren.. " At gusto ko lang malaman mo na walang ibang minahal ang taong mahal mo.. kasi hinihintay ka niya.." sabi ni Darren
Bigla nalang niyakap ni Fionna si Darren at hinalikan ito
"Too late.. uuwi rin akong korea" sabi ni Fionna
"Pero bakit?"
"Marami akong kailangang gawin don.. sorry" sabi ni Fionna at naglakad na pauwi
Sinundan lang naman siya ni Darren..
Nong nakarating si Fionna sa bahay nila at bigla itong nagsalita
"I know sinusundan mo ako" sabi niya kaya nagpakita na si Darren
"Bye" sabi ni Fionna
Bigla naman siyang hinila ni Darren at niyakap
"Ang tagal kong naghintay.. ang tanga ko lang kasi hindi kita napigilan non.. pero ngaun.. ngaung alam kong mahal mo pa ako.. gagawin ko lahat wag ka lang umalis sa tabi ko.. Fionna please dont go again.." sabi nito
"Yan lang naman ang hinihintay kong sabihin mo eh." sabi ni Fionna
----
Fionna's POV
hindi na ako umuwi ng korea.. Alam na ni lolo at pumayag naman siya.. magtratrabaho nalang ako sa company nila mommy...
Si Darren? kami na.. ulit.. hinding hindi ko na siya iiwan pa ulit..
Masaya na kami sa buhay naman.
Malapit na rin kaming ikasal
---
A/N... Sawakas natapos rin.. thank you sa mga nagbasa.. sorry rin kung pangit ang last niya.. sorry kung late na naman ang ud ko..
Thank you guys :)
BINABASA MO ANG
Don't go (completed)
Teen FictionPaano kung nalaman mong mahal ng kaibigan mo ang taong nagbibigay sau ng saya.. Magpaparaya ka ba para sa kaibigan o ipaglalaban mo ang pag mamahalan niyo ?
