Chapter20-hugs

116 5 0
                                        

Fionna's POV

Nakakatamad pumasok... wag nalang ata ako papasok ngayon... intrams lang naman namin eh..oo tama hindi nalang ako papasok.. wala namang gagawin eh

matutulog na sana ulit ako ng...

"FIIIOOONNNAA!!!" ang ingay naman niya

"ANO BA UNNIE?! NAGPAPAHINGA PA AKO...ANO BANG KAILANGAN MO?!" Tanong ko sakanya...

Sigaw yan ha... inis naman kasi siya

"Ay sorry princess.. may naghahanap kasi sayo sa baba..." sabi niya saakin pagkapasok niya ng room ko

"Kung sino man yon aya.." d ko na natapos ang sasabihin ko... may bigla kasing pumasok

"Ayaw mo akong kasabay? sige alis nalang ako"

"Huh?! ah ... Darren.. Wait lang.. sasabay na ako" sabi ko sakanya ..

Sinabi ko bang hindi ako papasok? hmm.. binabawi ko na.. papasok na pala ako sayang yong araw..

"Wait nalang kita sa baba" sabi naman niya

"Ok"

--

"Darren mag basketball ka raw sabi ni sir" sabi Nong classmate namin

Kararating pa nga lang namin yan na agad sinabi?

"Ok lang ba?" tanong niya

"Sige ok lang" sabi ko naman

"Mamaya pa daw laban natin pero dapat andon na tayo ngayon" sabi ulit ni Rence .. 'yong classmate namin..

tumingin lang naman saakin Darren ...

"Ok lang ako" sabi ko sakanya ..

"Sige Fionna alis na kami" sabi ni Rence

"Wag ka titingin sa iba" sabi niya

"Baliw... oo na d ako titingin sa iba... sayo lang" sabi ko pero mahina 'yong last na sinabi ko..

"Manood ka mamaya huh? text kita pag game na namin"

Ngumiti nalang ako sakanya bilang sagot..

Pagkaalis nilang dalawa.. Naupo muna ako...

"Fionna?" bigla akong napatingin sa nagtawag ng pangalan ko..

"Melissa?" tanong ko... nag iba kasi siya..siya ba talaga yan?

"Yup.. its me..musta kana?" tanong niya saakin

"Im fine.. ikaw? "

"Ok lang naman... sinong kasama mo?"

"Huh? si Darren...ikaw?"

"Boyfriend mo? Ahh.. Sila Lara at Stephen..." sabi niya..

"Huh? baliw hindi ko un boyfriend .. kayo parin pala ni Stephen? tagal niyo na huh?...." Sabi ko

biglang may nag back hug saakin

"Namiss kita agad" sabi niya..

Tinignan ko naman si Melissa.. aba kinikilig pa..

"Baliw.. Anong ginagawa mo dito? kala ko dapat andon na kayo? at akala ko magtetext ka nalang pag game niyo na?.."

bumitaw naman siya..

"Ayaw mo akong nandito? umalis ako don kasi tapos naman na ako magpalista.. tatawagin nalang daw nila ako pag game na at gusto ko sabay tayong pumunta don"

"Hmm.. Melissa si Darren ... Darren ito si Melissa." pakilala ko sakanila...

"Melissa!!" tawag sakanya ng lalaki.. Si Stephen na ba yon?

Matangkad si Stephen.. maputi.. pwede na rin..

Huwag kayo mas gwapo parin si Darren KO!!

"Oh.. san ka pumunta?" tanong niya kay stephen

"Hello Fionna .. miss mo naman na ako agad?" sabi niya..

"Hello" yan lang sinabi ko.. hindi kami close

Niyakap nalang siya ni Mel.

"Fio.. kainggit naman sila.." sabi ni Darren

"Aba aba... nag back hug ka na nga lang.. mas sweet kaya yon.." sabi ko naman.. Mahina lang yong last na sentence

"Ano?."

"Wala" sabi ko

"Ah Fio alis na kami ha.. hahanapin pa kasi namin si Lara at Mark" paalam saakin ni Mel

"Sino si Mark?" tanong ko

"Boyfriend ni Lara... wag ka gwapo yon" sabi naman niya

Nagreact naman na agad ang dalawang lalaki

"Mas gwapo ako don." sabay nilang sabi..

"Nakita mo na?" tanong ko kay Darren

"Hindi pa." baliw nga talaga to.

"Sige alis na kami.. enjoy your date.." isa pang baliw tong si Mel ee ..

Pag kaalis nong dalawa... hinawakan ni Darren kamay ko.. nagulat naman ako..

"Bakit?" tanong ko

"Darren game na natin kaya tara na." sabi ni Rence

"Tara..." hinila niya ako..

---

Habang papunta kami sa gym daming nakatingin saamin.. Holding hands daw ba naman...

Nakita ko Si Lex .. Pero bakit parang umiiyak siya?Tatawagin ko sana pero biglang tumakbo..

"Hey .. dito ka lang huh?" sabi niya saakin..

"San pa nga ba ako pupunta?"

Ngumiti nalang siya... aalis na sana siya ng hinawakan ko ang kamay niya at hiyakap siya

"Pag natalo kayo hindi kita papansinin ng 1 week pero pag nanalo kayo may isa ka pang wish na maidadagdag.."

pag ka tapos ko sabihin yon kumalas na ako sa yakap ..

"I will... mananalo ulit ako"

---

"Ok ka lang?" tanong ko sakanya..

Tumango lang siya saakin bilang sagot

"Hey.. I know your not.." tumingin lang siya saakin...

Kanina pa kasi siya tahimik ..

"Pasok ka na" sabi niya..

Oo nasa bahay na kami.. hinatid niya ako..

"Hey... tell me.."

"Nakakainis kasi eh.. Isa nalang eh isa nalang pero wala.. hindi mo ako papansinin ng 1 week" sabi niya..

Natawa naman ako... yon lang ? Baliw na talaga siya..

"Hahaha... joke lang yong 1 week na yon" tanong ko sakanya habang tumatawa parin..

"Ano bang nakakatawa.?" hala nagtampo pa..

"Basta... hinsi ko naman magagawang hindi ka pansinin eh.. " sabi ko..

"Kanina may naisip ako nong niyakap mo ako sa may gym... mas maganda pala yong ikaw mismo ang yumakap saakin .. Yong alam mong niyakap ka ng mahal mo.. mas maganda sa pakiramdam eh.. "

Napatigil naman ako sa sinabi niya..

"Darren..." bigla ko nalang siyang niyakap.. "Wag kang mawawala saakin huh?" niyakap rin niya ako

"Hinding hindi ako mawawala sayo... " sabi niya

Napangiti ako sa sinabi niya..

"Nilalanggap na ang asin" huh? Kumalas naman ako sa yakap niya para tignan ang nagsalita...

0_____o

---

(A/N: may new character po tayo..

Vote please)

Don't go (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon