Darren's POV
Ang boring ng Christmas party namin. Iklaklaro ko lang boring kasi wala si Tinkerbell.. hahahahaha.
Pero teka diba si PeterPan ay kay Wendy? eh bakit sabi niya siya si Tinkerbell?
Ay ewan. Baka gusto lang niyang magpauso. Pero ok lang naman si Peter Pan at Tinkerbell.
"Darren!!" napatingin naman ako sa nagsalita.. si Lex lang pala. mula nong inaway niya si Fionna naging cold na ako sakanya. "Tara sali tayo sa game" yaya niya
"Ikaw nalang"
"Bakit ba ayaw mo?"
"Wala ako sa mood"
"Halika na ah kasi!" pilit niya at hinihila hila pa niya ako..
"ANO BA?! SABING AYAW KO EH!!" sa sobrang inis ko nasigawan ko siya..
Bigla naman nalungkot yong mukha niya..
Umalis nalang ako don. pumunta nalang ako sa canteen kahit walang tao doon.
Matawagan nga si Fionna
[hello?]
"Hey" tamlay na sabi ko sakanya
[anong problema?] tanong niya.. alam agad?
"Pinipilit kasi ako ni Lex na sumali sa game eh wala ako sa mood kaya Nasigawan ko siya kanina. naguilty nga ako"
Natahimik naman siya
"Fionna andyan ka pa?"
[ah,..sorry. Bakit ba kasi ayaw mo sumali sa game?] bakit ganon boses niya? bakit parang umiiyak siya?
"Umiiyak ka ba?"
[bat naman ako iiyak?] alam ko sa boses niya na umiiyak siya. ano bang problema niya?
"Alam ko umiiyak ka"
[Ah kasi Darren andito na sila lolo kailangan ko ng ibaba to]
"Ah sige... i lo..." hindi ko na natapos dahil bigla nalang niyang binaba.. ang weird ata niya.
"DARREN!!" napatingin naman ako sa tumawag saakin..
"Oh Kenberly bakit nandito ka? diba susundoin niyo ang lolo niyo?"
"Dumaan lang ako.. May gusto kasi sana akong tanungin sayo"
"Tara don sa tambayan namin mas malamig kasi don"
"Wag na hindi rin kasi ako pwedeng magtagal."
"Ano bang sasabihin mo?"
"Kasi kahapon. pagkauwi namin nong hinatid namin yong mga regalo bigla nalang nag-iba si Fionna"
"What do you mean na nag-iba?"
"Hindi siya nagsasalita. nakatunganga lang siya at nagkulong sa kwarto niya.. kanina lang siya lumabas nong sunduin namin si lolo pero hindi naman nagsasalita. Nong nakita niya si Gail bigla nalang niya itong niyakap at umiyak siya."
"Tinawagan ko siya kanina. ok naman siya hanggang sa nakwento ko 'yong kay Lex bigla nalang nag-iba ang boses niya"
"Ano bang nangyayari?"
"Teka.. sinong last na pinuntahan niyo kahapon?"
"Kila Lex"
"Si Lex ang kasalanan" inis na sabi ko.
Tumayo ako para sna puntahan si Lex ng pigilan niya ako ni Kenberly
"Sama ako" sabi niya at tumayo na rin
Pinuntahan ko si Lex at si Kenberly naman naghintay sa likod ng gym
Nong nakarating ako sa hall nakita ko agad si Lex kaya hinila ko siya.
"Aray! Darren ano ba nasasaktan ako"
Hindi ko siya pinansin. nong nakarating kami sa likod ng gym binitawan ko na siya
"Kenberly? Anong ginagawa mo dito?"
"May gusto sana akong itanong sayo" sabi ni kenberly
"Anong ginawa mo kay Fionna?" galit na tanong ko sakanya
"Wala.. wala akong ginagawa sakanya"
"Ah Darren kailangan ko ng umalis" sabi ni Kenberly. "Lex kung may away kayo please kausapin mo siya. Magkakasakit siya sa ginagawa niya eh"
Pagkasabi ni Kenberly yon naglakad na siya
Tinignan ko lang naman ng masama si Lex.
"Sinabi ko lang naman na hiwalayan ka niya"
"What?! bakit mo sinabi yon?"
"Kasi mahal kita" nong sinabi niya yon parang may tinignan siya sa likod ko.
Titignan ko sana nong hinalikan ako ni Lex..
Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko siya nagawang itulak.
Humiwalay naman siya agad
Bigla namang may sumampal sakanya
"Fionna?" takang tanong ko
Hindi niya ako pinansin at naglakad na palayo..
----
BINABASA MO ANG
Don't go (completed)
JugendliteraturPaano kung nalaman mong mahal ng kaibigan mo ang taong nagbibigay sau ng saya.. Magpaparaya ka ba para sa kaibigan o ipaglalaban mo ang pag mamahalan niyo ?