(Months later .. august na po)
Fionna's POV
"Fionna gising na.. may bisita ka" paggising ni ate saakin
Ano ba yan ang aga aga... "Sino ba yon?" tanong ko sakanya
"Boyfriend mo" sabi ni ate saakin
Grabe namin si Harry ang aga aga..
"Labas ka na.. magbibihis na ako.."
Kaya ayan nagbihis na ako
--
"Grabe Harry .. ang a..." 0____o .. Anong ginagawa niya dito?
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya
"Masama bang sumabay ?" tanong niya?
"Anong sumabay eh mas malapit kaya sa school ang bahay niyo." sabi ko
"Teka... pano mo nalaman bahay namin?" tanong niya saakin..
Patay na.. anong sasabihin ko?
"Aaaa... nalaman ko kila Lex." sabi ko.. sana tumalab...
"Ay akala ko pa naman inalam mo talaga" sabi niya.. tss kung alam mo lang
"Tss.. Baliw..haha" sabi ko sakanya at ngumiti..
"Fionna? ngumiti ka?" Tanong niya saakin..
"Hello ? Tao kaya ako Darren.. Malamang ngumingiti ako" sabi ko sakanya..
"Tinawag mo akong Darren?" tanong niya ulit... Mahilig pala magtanong to...
"Eh Darren naman talaga pangalan mo diba?" tanong ko ulit sakanya..
"Oo nga naman... sige tara na?" yaya niya saakin at lumabas na kami ng bahay..
Habang naglalakad kami papuntang school ang tahimik namin... ngayon ko na ba sasabihin?? siguro nga
"Darren...." sabi ko.. napatigil naman siya at tumingin saakin
"I... I just want to.. to say sorry sa mga pagsusungit ko sayo ha... sana mapatawad mo ako.." sana mapatawad niya ako
Pagtingin ko sakanya nakatunganga lang siya at parang hindi makapaniwala...
"Ako nga dapat mas sorry sayo.." sabi niya saakin.. " sa pang aasar ko sayo.. sa pang iinis ko.. " dagdag niya pa..
"So friends?" tanong niya saakin.. napangiti naman ako at tinanggap ang kamay niya
"Friends.. Tara na nga malate pa tayo"
---
"Girlfriend san ka ba nagpunta?" salubung na tanong saakin ni Harry..
"Huh?!" hindi ko kasi siya maintindihan..
"Kasama mo ba si Darren?" tanong naman ni Jacob...
"Bakit hindi kayo pumasok sa first class?" tanong ulit ni Harry
"San kayo pumunta?" tanong naman ni Riel
"Boyfriend mo na ba siya?" tanong naman ni Lex..
Ano bang nangyayari sakanila? .
"Pwede isa isa lang?" tanong ko sakanila.. nag nod lang sila bilang sagot..
"Ok.. Oo magkasama kami ni Darren.. Punta pa kasi kaming jollibee... Kumain kaya at nagkwentuhan tapos nakita na namin yong time 08:30 na pala eh 8:00 nag iistart ang class natin kaya hindi kami pumasok ... at anong pinagsasabi niyong boyfriend ko siya.. mga baliw hindi aa." sagot ko sakanila..
"Baliw ba kayo.. eh 8:35 dumating ang teacher.." sabi ni Jacob... tss nabaliw pa kami..
"Ba.. alam ba namin.. may nagtext ba sainyo? Wala naman diba..?" sagot ko naman..
"Eh kung hindi mo boyfriend si Darren bakit kayo magkasama?" Tanong ni Lex.. bakit ito mga tinatanong niya?
"Kasi nga kaibigan ko siya.." Sagot ko sakanila..
"KAIBIGAN?! KAILAN PA KAYO NAGING MAGKAIBIGAN?!" tanong nilang lahat..
Makasigaw naman sila kala mo naman...
May nagbukas ng door.. titignan ko sana kung sino pero bigla akong niyakap ni Harry..
"Akala ko kung ano ng nangyari sayo.. pinag alala mo ako." sabi niya
"Aheem" ?? huh?
"Oh Yats nandyan ka na pala.." si yats pala yong pumasok
"Ahh...oh ito tubig.." sabay abot nong water.. bait naman pala nito..
"Salamat yats .." sabi ko sakanya at inabot yong water
"Wala yon Pats .. ikaw pa.." sabay ngiti... gwapo nang Yats ko... huh? May nasabi ba akong yats ko? iba iba... yats lang pala yon..
"YATS? PATS? 0_______0 " bat ang hilig nila sumigaw?
"Proper seats ... " Sabi nong teacher
"Exam niyo na next week kaya kailangan nyong mag review ok.." sabi ulit niya..
Exam na naman.. nakakatamad kaya..
"And pagkatapos ng exam... 2weeks later siguro intrams niyo... at after intrams kailangan niyong matulog dito sa school for 1week at kayong 4th year lang.. magkakaroon din kayo ng mga activity.. Tent ang gagamitin ok.. By the way malayo pa yan kaya exam muna ang isipin niyo.. and wala pala kayong pasok ngayon dahil meeting.. You can go now.. Walang mag iistay dito sa room ok? " Ang haba naman ata ng sinabi niya..
"Pats nakinig ka sa sinabi niya?" tanong niya saakin
"Huh?! hindi.. basta alam ko exam na next week kaya kailangang magreview" sabi ko naman sakanya
---
"Bye Yats .. salamat sa paghatid.." sabi ko sakanya..
"Wala yon Pats.. basta ikaw.. kita nalang tayo bukas.." sabi niya
"Hmm ok.. sige pasok na ako." sabi ko at umalis na rin siya..
Mabait pala siya.. gwapo rin at sweet..
"Yats? pats? ano princess magkaka lovelife ka na." baliw talaga tong si Britney unnie..
---
BINABASA MO ANG
Don't go (completed)
Teen FictionPaano kung nalaman mong mahal ng kaibigan mo ang taong nagbibigay sau ng saya.. Magpaparaya ka ba para sa kaibigan o ipaglalaban mo ang pag mamahalan niyo ?
