Mariel's Pov
"May... May Heart Disease ako..May... May Heart Disease ako".. Paulit ulit ko yang naririnig habang palabas ako ng shop..
"MARIEL!" Tawag saakin ni Fionna
Napaupo nalang ako sa sahig.. nanghihina ako.. oo galit ako sakanya pero kahit ganon mahal ko parin siya..
Lumapit naman saakin si Fionna... niyakap lang niya ako
"Tahan na" sabi niya habang hinahaplos ang likod ko...
"Fio.. ang sakit eh ang sakit sakait..bakit siya pa.. Oo alam ko may pagkamaldita siya minsan pero kahit ganon naging mabuti siyang kapatid at anak .."
"I know... kahit hindi kami ok ngayon kaibigan ko parin siya.. naging mabait siyang kaibigan.." sabi niya " pero wala tayong magagawa kundi ibigay lahat ng kailangan niya para gumaling siya."
"Thanks Fionna. you're always here for me and for my sister"sabi ko sakanya..
"We're friends" sabi niya.. Hinanap naman niya ang phone niya dahil may nagtxt ata.. "Oh shoot.."
Tinignan naman niya ako..
"Ang meron?" tanong ko sakanya.. hindi niya ako agad nakasagot.. Kinakabahan ako sa reAction ni Fionna
"Dinala ni unnie si Lex sa hospital.. Pinapasunod niya tayo don" sabi niya..hindi ko alam kung anong gagawn ko...
may tumigil na taxi sa harap namin kaya sumakay na kami
"Kuya **** hospital po" sabi ni Fionna sa driver
Pinaandar naman na nong Driver ung taxi..
Habang papunta kami hindi ko alam kung anong gagawin.. iyak nalang ako ng iyak ..
Nong nakarating kami sa Hospital agad namang nagtanong si Fionna sa nurse station.. Ako? Nakatunganga lang ako dito hindi ko alam ang gagawin ko...
"Riel dito.." hinila naman ako niya.. nanghihina ako kaya nagpahila nalang ako...
Nong nakating kami don nakita ko agad si Kenberly.. kita mo sakanya na nag aaalala siya para kay Lex... napatingin naman siya saamin or saakin lang.. bigla siyang lumapit saakin at sinampal ako... hindi ko alam kung naiiyak ba ako dahil sa sampal niya o dahil sa nangyari kay Lex..
"Unnie!" awat sakanya ni Fionna
"Umalis siya ng bahay niyo dahil ayaw niyang malanan niyo na may sakit siya..ayaw niyang mag alala kayo sakanya.. ayaw niyang maging malungkot kayo.. Ayaw niyang makitang nag aalala kayo sakanya" sabi ni Ken...
"Hin...hindi ko alam" yan nalang ang nasabi ko... natawa naman si Ken..
"Hindi mo alam?! nong sinabi niya sainyo na may sakit siya anong reaction mo?! diba hindi ka naniwala? Sinabihan mo pa nga siya ng sinungaling diba?" totoo lahat ng sinabi ni Ken.. "Nong umalis ka ng shop iyak siya ng iyak at ang sabi niya ayaw na niyang mabuhay pa"
Sasagot sana ako ng biglang lumabas ung doctor na tumitingin kay Lex
"Who's the family of Alexandra?" Tanong ng doctor
"A..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Ken
"Ako po.." sabi niya napatingin naman kaming dalawa ni Fionna sakanya "ako po tumatayong kapatid niya dahil walang pakialam ang ate niya sakanya" natahimik nalang ako dahil sa sinabi ni Ken,.. hinarap naman siya ng Doctor
"She's fine now.. Payo ko lang sainyo.. wag niyo syang bibigyan ng problema... masyado ng mahina ang puso niya " natahimik nalang kaming lahat..
"Doc can I talk to her now?" tanong ko sa doctor..
BINABASA MO ANG
Don't go (completed)
Teen FictionPaano kung nalaman mong mahal ng kaibigan mo ang taong nagbibigay sau ng saya.. Magpaparaya ka ba para sa kaibigan o ipaglalaban mo ang pag mamahalan niyo ?