Fionna's POV
"Foinna.. bangon na.. papasok ka ba?.." Tanong ni mom
"Po? anong oras na po ba?"
"7:00 na.."
"Mom wala bang tao sa baba?"
"Wala naman..bakit?"
Nakakapanibago naman.. wala? eh akala ko ba sabay kaming papuntang school? Ay ewan
"Sige po magbibihis na po ako"
"Ok.. Bilisan mo huh?.. hatid na kayo ni Britney papuntang school"
"Sige po.."
Bumangon na ako sa kama ko at naligo na..
---
Pagdating namin sa school .. parang may kakaiba
"Take care ok?" sabi ni Unnie
Ngumiti lang ako at si Gail..wala ako sa mood ngayon
.. Pagpasok namin ng room.. si Darren agad ang hinanap ko pero wala siya.
Nandito na si Jacob pero wala parin siya?
"Morning Fio.." bati ni Riel
"Morning Riel... morning Lex"
Tumingin lang saakin si Lex... bakit parang galit siya saakin.. may nagawa ba ako?
Kakausapin ko sana siya pero biglang pumasok yong teacher namin..
"Ma'am wala po si Darren" sabi ni Jacob
"Sige.."
---
Natapos ang araw na ito na wala siya... ang lungkot lang
Hindi rin ako pinapansin ni Lex.. may nagawa ba ako sakanya? sabihin niyo naman..
"Riel..." tawag ko sakanya nong palabas siya ng gate.. hindi niya kasama si Lex...
"Bakit?"
"Galit ba saakin si Lex?"
"Huh?! ahh.. ewan ko.. Siya nalang kausapin mo."
Bakit parang may tinatago sila saakin.. ano ba talagang nagawa ko?
"Fio.. andyan na si mom.." tawag saakin ni Gail..
Napatingin naman ako sa car na nasa harap namin..
Sumakay narin ako sa likod.. kasama ko dito si Gail..
Habang busy si mom sa pagdradrive ..
"Fio ok ka lang?" tanong saakin ni Gail.. mahina lang ang pagkakasabi niya...
Ngumiti lang ako sakanya..
binalin ko nalang ang paningin ko sa labas...
"We're here... " Pagkasabi ni mom yon bumaba na ako ng car at umakyat na ng room
Andon lang ako nakahiga... ewan .. nawawalan ako ng sigla ngayon..
Tinignan ko ang oras 8:35 na pala..
"Fio kain na" sabi ni Gail
"Mauna na kayo... wala akong gana"
"Hey... " lumapit siya sa bed ko at umupo
"Alam ko may problema ka"
"Gail... masama ba ako?"
"Bakit mo naman natanong yan?"
"Kasi hindi ako pinapansin ni Lex... may nagawa ba akong mali sakanya?"
"Kausapin mo kaya siya.."
"Umiiwas siya.. kanina pa ako nag tratry na kausapin siya."
"Maayos rin yan... hindi masisira ng hindi pagkakaunawaan ang pagkakaibigan niyo" sabi niya saakin
"Sabagay"
"Miss mo na siya noh?"
"Hindi ko siya miss.. naiinis lang ako dahil hindi man lang niya sinabi saakin na mawawala pala siya.."
"Hahaha.. sige na.. pahinga ka na.."
Lumabas na rin siya ng room ko ...
Itutulog ko nalang to..
---
(1 week later)1week na.. 1 week muna nong umalis siya..1 week na rin siyang hindi nagpaparamdam.. at higit sa lahat
1week na kaming hindi naguusap ni Lex..
"Lex... pwede ba tayong mag usap..?" Sabi ko nong nakarating ako sa room.. hindi ko nga alam kung sino ang mga tao sa room
Pumunta kami sa isang room na sira sira.. dito ko siya dinala dahil wala masyadong taong dumadaan
"Ano bang problema Lex?" tanong ko sakanya
Hindi niya ako sinagot
"Sabihin mo nga saakin.. mahal mo ba si Darren?"
"Pano nasali si..."
"JUST ANSWER MY QUESTION FIONNA!" sigaw niya..
Nagulat ako sa inaasal niya ..
"Ma...mahal ko na siya.. oo mahal ko na... ano bang kinalaman ng pagmamahal ko sakanya sa problema mo saakin?"
Sa halip na sagutin niya ako.. sinampal lang niya ako..
"Ano ba talagang problema mo saakin?"
"Mula ngayon kalimutan mo ng magkaibigan tayo"
Aalis na sana siya ng hawakan ko ang braso niya..
"Sabihin mo saakin ano bang problema mo? "
Hinarap niya ako
"Problema ko?! ang problema ko ay ikaw... sana hindi nalang kita nakilala sana hindi nalang kita naging kaibigan sana wala ka nalang sa buhay ko"
Nagulat ako sa mga sinabi niya at tumulo na ang mga luha ko..
Umalis na siya at ako? naiwan lang akong nakatayo ron..
"Its ok.. Im here for you.." hindi ko nakita yong lalaking nagsalita pero alam ko.. alam kong siya yon..
Niyakap niya ako
"Ano bang nagawa ko?"
---
(A/N :masisira na ba ang pagkakaibigan nila?Vote please)
BINABASA MO ANG
Don't go (completed)
Teen FictionPaano kung nalaman mong mahal ng kaibigan mo ang taong nagbibigay sau ng saya.. Magpaparaya ka ba para sa kaibigan o ipaglalaban mo ang pag mamahalan niyo ?