Ranz's POV
Ully: Bro,sure ka okay ka lang?
Owy: Oo nga. Pero ano,mukha namang hindi e.
Ranz: Oo okay lang ako. Chill lang kayo.
Oliver: Sus. Basta wag kang iiyak ah.
Nagtawanan pa mga lokong 'to.
Cav: Ano ba kayo,wag niyo nga pagtripan yan. Mamaya dito pa yan umiyak e. Diba bro?
Ranz: Pektusan kita diyan. Kala ko pa naman kakampi kita.
Biboy: So bro,ako na lang natitira mong pwedeng kakampi.
Ranz: Oh?
Biboy: Wala lang... Sinasabi ko lang,Bro..
Pero oyy,alam ko masakit pero kailangan tanggapin. YOOOOOY!
Halos lahat sila trip na trip ako asarin ngayong araw na 'to. Palibhasa hindi sila ang maiiwan. Tsss.
Speaking of MAIIWAN. Ako na naman yun. Aish. Palagi na lang bang ganito?? Ako na lang palagi yung naiiwan? Kailan kaya yung ako naman ang mangiiwan? Ano ba pakiramdam nun? Halos buong buhay ko ganito na lang ang role ko. Ang MAIWAN. Nakakapagod din naman pero,wala e. Tadhana ang nagdidikta. Sino ba naman ako? Oo nga. Sino ako? HAHA. Ako nga pala si Ranz Kyle Viniel E. Ongsee. Isang simpleng junior student sa mata ng mga kaibigan ko. Pero isang lalaking kinababaliwan ng marami. (Paki turn off ng electric fan. Ang hangin naman, No. 5 yata e. LOL) Basta ako yung tipo ng lalaking laging naiiwanan at nasasaktan. Pero kahit ganun,hindi ko pinapakitang mahina ako.
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa pagsasayaw. Ngayon may grupo kami na kung tawagin ay "CHICSER" kasama ko ang mga kaibigan ko,sina Ully,Owy,CAV,Oliver at Biboy. Sumisikat na DAW kami,pero hindi naman mahalaga yun. Basta nakakapagpasaya kami ng ibang tao. Sila ang kadamay ko simula nung naghigh school ako. Kahit hindi naman nila alam na may pinagdadaanan ako. Well,ang alam ko isang tao lang ang makakapagpagaan ng loob ko at makakaintindi sakin.
Nandito kami ng mga kabarkada ko sa van papuntang airport. Ayan na naman,maiiwan na naman. BAKIT? OH BAKIT? Okay. Ang drama ko na yata e. Ano bang purpose ni God kung bakit ako laging naiiwan? Ang gulo naman kasi. Akala ko natagpuan ko na ang totoong magmamahal at nandiyan para sakin pero bakit ganito? Adjust na naman ang kailangan.
Owy: Lapit na tayo Bro,ayan naaa. HAHAHAHA. Tulala ka na naman.
Oliver: Kung ako sayo,maghahanap na lang ako ng iba.
Ranz: Alam naman natin na hindi ganung kadali yun. Atska ano ba,ako na lang ba pagtritripan niyo? Pwede namang si Ully. *inis kong sabi sa kanila*
Cav: Inis na mga Bro. *sabay parang zinipper yung bibig niya*
Hayyyyyy. BUHAAAAY!
Bigla nang nagstop ang van. Sabay bukas ng pinto at baba ni Biboy.
Biboy: Welcome to Ninoy Aquino International Airport,kung saan masisilayan ang maladramang pagpapaalam ni Nicole! HAHAHA. *sabay batok naman ni Ully kay biboy. Isa isa na silang nagbabaan*
Ully: Lul ka Bro,manahimik na nga.
Natatawa na lang ako sa inaasal ng mga 'to. Puro kalokohan e.
Girl1: Ommygosh! CHICSER!!!!!!!!!!!!!!!!!
Girl2: TOTOO NGA NA NANDITO SILA! EMEGEHD!
Girl3: TARA GIRLS!
Hindi namin 'to inaasahan. Alam namin biglaan ang lahat at walang masyadong nakakaalam na dito ang lakad namin ngayon. Inentertain namin yung tatlong girls siyempre dapat lang. Nageffort sila na magpunta dito e. Pagkatapos ng picturan at autograph sumunod na kami kay Nicole sa loob para naman maayos akong makapag paalam.
Sino si Nicole? Siya ang girlfriend ko. Pero hindi na YATA ngayon. Hindi ko alam ang mangyayari sa amin,aalis siya kasi magpapagamot siya sa US. Gusto ko siya samahan pero ayaw niya. Ayaw niya daw na makita ko siyang naghihirap. Antayin ko na lang daw siya. Kaya ko pa kaya?
Pumasok na kami sa loob ng airport,inaantay niya kami. Nilapitan ko siya sabay hawak sa kamay niya.
Ranz: Magiingat ka ha. Ipangako mo sakin na magpapagaling ka.
Nicole: Oo. Pangako ko yan. Ikaw ang magiingat. Dapat kayanin mo.
Ranz: Sabi mo e. *I hug her*
Nicole: I love you. Lagi mong tatandaan yan.
Ranz: I love you too.
Cav: Aww. *nagform ng parang nakayakap silang lima*
Nicole: Makapang asar na naman kayo! Aalis na nga ako e. If I know ginisa niyo na naman sa pangaasar si Ranz kanina.
Ully: Hindi naman masyado. Basta mamimiss ka namin Nics.
Owy: Magpagaling ka! Dapat sabay sabay tayong gagraduate!
Biboy: Oo nga naman! Wag mong iwang luhaan ang isang bata diyan. HAHAHAHAHA.
Ranz: TAMAAAA NAAAA.
Nagtawanan na lang sila sa inasal ko. Ehhhh kasi naman e.
Nicole: Oh paano ba yan,malapit na time ng flight ko. Basta magiingat lagi kayo. Sabay sabay tayong gagraduate. Basta wag na lang mawawalan ng communication. Sige.. *She hug me again. Tapos sunod sunod na kami ng mga kagroup ko*
Nagtataka kayo kung bakit kami lang ang naghatid sa kanya? Yung ibang mga girls kasi before magvacation nagbonding na sila kasi may sarisarili silang lakad. Basta malilinawan kayo in the next chapter.
Haay. Pinapanuod ko na lang papalayo si Nicole. Mahirap isipin na aalis siya. Pero kailangan e. Paano na ako magsisimula ngayon? JUNIOR YEAR na namin. Wala siya sa tabi ko. :(
-------------------------------------------------------------------------------
Hello! Eto muna sa ngayon. Christmas Party na bukas e. Bawal magpuyat. Reserve energy! AHAHAHA. Sana magustuhan niyo.
VOTEEEEE! COMMENT! VOTE!
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
FanfictionThis is only a fiction about Chicser. Lahat ito ay kathang isip ko lamang, Hahaha. Sana magustuhan niyo :))