Rain's POV
After almost seven years.. GOOD TO BE BACK.. Philippines,im back.. Halos ilang taon din akong parang pinatay simula nung nagmigrate kami sa London. Dahil dun,madaming nagbago sa buhay at pagkatao ko. Mahirap kasi iwan ang kinagisnan kong buhay e. Ngayong nagbalik na ako,ibang RAIN na ang makikita nila.. Ayoko nang maalala pa ang nakaraang pumatay sa dating ako. Isang bagay lang ang gusto kong balikan.. By the way,Ako nga pala si Rain Acejas. Isang simpleng babaeng biglang nagbago ang buhay sa isang iglap dahil lang sa biglaang desisyon ng magulang ko na lisanin ang Pilipinas. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba o hindi. Dahil dun,nagbago ako. Masyadong mahirap iwan ang buhay ko dito.. Kailangan kong magbago kasi iba na ang tatahakin kong landas dun. Ngayon nandito na kami sa village kung saan ako lumaki.. pitong taon akong nawala kaya ang daming nagbago dito.. Habang nasa kotse ako,nakatingin lang ako sa bintana,tulala.. Gusto ko sanang maglakad lakad pagkadating ko pero pagabi na din e,baka kung ano pa ang mangyari sakin. Pagkababa namin ng car sinalubong agad ako ng pinsan ko.. si Mary. Mag-isa nga lang pala ako umuwi dito,kasi may napagusapan kami ng parents ko. Haay speaking of Mary.. Kasing edad ko nga lang pala siya,at ibig sabihin magiging magkabatch kami or magkaklase sa school.. Dito ko na ipagpapatuloy ang buhay ko,ayoko nang bumalik sa London.
Desiree: Cous! I really miss you!
Rain: I miss you too!
Desiree: Grabe ka! Pitong taon kang nawala! Minsan ka lang magparamdam!
Rain: Sorry cous.! Lalo ko lang kasi namimiss ang Pinas e.
Desiree: Pa-hug nga!
Hayy namiss ko to ah. Baliw din to ee.
Desiree: Daliii! Tara na sa loob! Alam kong namiss mo ang bahay niyo..
Hinila niya ako papasok ng bahay. Sa village namin madaming nagbago,pero sa bahay namin para namang wala. Umakyat ako sa kwarto ko,parang nung huli ko 'tong iniwan,ganito pa din..Pero malinis naman. Haay,namiss ko 'to sobra..
Desiree: Hoy Cous! After mo magmuni muni diyan,bumaba ka ah at kakain pa tayo..
Rain: Oo cous! Salamat ah. Bababa na lang ako mamaya.
Hayy. Ano ba kasing plano ng Diyos sa buhay ko? Ang hirap na e. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayon. Sa bagong buhay at bagong Ako. Ni hindi ko na nga matandaan kung anong nangyari bago ako pumunta sa London sa sobrang sabik ko makauwi ulit. Pero isang bagay lang ang tumatak sa akin. tsss,ayoko ng balikan pa. Bahala na.. Basta masaya ako at nakabalik na ako dito. Tiningnan ko yung mga laruan ko na naiwan ko.. Nakakatuwang isipin na ganito pala mga nilalaro ko noon. Bumabalik ako sa pagkabata. Masaya naman ang buhay namin dito noon e,hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit kelangan pang magmigrate sa London. Sabi ni Nanay dahil daw sa negosyo nila. Eh ano naman kinalaman ko dun? Pwede naman akong iwanan dito e. Pero hindi daw pwede kasi gusto nila matuto din ako habang bata pa sa business namin. Wala naman sa bokabularyo ng buhay ko na magpapatakbo ako ng isang business,iba ang gusto ko at yun ang ipinaglalaban ko.
Tita Daina: Rain hija,bumaba ka na dito at kakain na.
Rain: Opo tita. Susunod na po.
Siya si tita daina,ang mommy ni Desiree. Kapatid siya ng Nanay ko. Sa kanila pinagkatiwala ni nanay at tatay ang bahay namin. Well,parang kanila na nga lang yun.. Eh kasi wala na naman yatang balak bumalik nang pilipinas ang magulang ko. Tss. Bumaba na lang ako para di na sila masyado maghantay.
Desiree: Oh Cous! Tara kain na!
Tita Daina: Hija,maupo ka na. Kumain ka muna bago ka magpahinga. Alam kong pagod ka.
Ngumiti na lang ako at naupo sa tabi ni Desiree. Kumain na lang kami habang nagkukwentuhan.
Tito Romy: Hija,kamusta ka naman at ang nanay at tatay mo?
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
FanfictionThis is only a fiction about Chicser. Lahat ito ay kathang isip ko lamang, Hahaha. Sana magustuhan niyo :))