Chapter 12.1

35 0 1
                                    

Ranz's POV

Eto ako ngayon,naglalakad papalayo sa room. Kahit ano talaga ang gawin ko,malapit pa rin ako sa kanya. Ano gagawin ko? Bahala na. Hindi ako sumama sa meeting na yun kasi alam ko naman na magpapakilala lang sila sa isa't isa. Para saan pa ang paglimot ko sa kanya kung uulit lang lahat sa una. Ano ba kasi talaga? Kinalimutan niya na ba ako o sadyang di niya lang ako makilala. Well parang pansin ko interesado siya makilala ako. She tried na kausapin ako pero ano ba naman yung parang walang pinagsamahan.. Akala ko ba tapos na at magmomove on na ako sa nakaraan ko? Eh bakit di ko pa din maiwasan? Sadya bang wala nang paraan kasi palagi na siyang nandyan? :/

Haaay. Kakalayo ko,sa playground na naman ng Elementary Department ako napunta. Bahala na. Dito sigurado akong di nila ako mahahanap. Medyo malayo e. Umupo ako sa may bench malapit dito. Madaming batang naglalaro,break time kasi e.

Ranz: Subukan ko kaya na tanungin siya? Ay hindi hindi. Dapat siya unang makakilala sakin. *sabi ko habang nakatingin sa grass at nilalaro ko ito gamit ng paa ko.*

Bata: Kuya baliw ka ba?

Napatingin naman ako. May batang babae na biglang sumulpot.

Ranz: Ha?

Bata: Eh nagsasalita ka kasi mag-isa. May sapak ka ba sa utak? Naka-shabu ka?

o___o <----- yan na lang naging reaction ko. Nakakagulat. Batang bata ang daming alam na kabalbalan na salita. Haha. Umupo siya sa tabi ko

Bata: Di bagay sayo yang ganyang reaction kuya,feeling mo naman may mata ka. Ako nga pala si Kim.

Ranz: Oh. Hi Kim! Bakit ang daldal mo?

Kim: Wala akong magagawa. Ganyan ako. Ikaw anong pangalan mo?

Ranz: Ako si Ranz.

Kim: Pwede ba kita maging kuya?

Ranz: Wala ka bang Kuya?

Kim: Meron kaso mukha laging may period. Saksakan ng kasungitan e.

Ranz: Baka naman akala mo lang. Anong grade mo na?

Kim: Grade 3.

Ranz: Bata bata mo pa,kung ano ano na nalalaman mo.

Kim: Matanda ka na kasi kaya di mo ako maintindihan.

Ranz: Hoy anong matanda!

Kim: Ikaw. 

Ranz: Hindi ah.

Kim: Eh kasi kapag nakikita kita lagi kang nakasimangot kung hindi nakasimangot nakakunot yung noo.

Ranz: Lagi mo akong nakikita?

Kim: Hindi naman. Second pa lang kita nakita. Yung isa kahapon lang.

Ranz: Talaga? Paano?

Kim: Eh kasi kahapon nadapa ako tapos nitulungan ako ng bestfriend ko na pumunta sa clinic. Nakita kita,nakasalubong nga e.

Ranz: Ah.

Kim: Yun bestfriend ko oh! *sabay turo sa batang lalaking naglalaro*

Ranz: Ahhh.

Kim: Alam mo kuya.... *di na siya nagsalita*

Ranz: Ano yun?

Kim: Ah wala kuya.

Ranz: Sus nahiya pa.

Kim: Alam mo sana katulad ka ng Kuya ko.

Ranz: Sino ba kuya mo?

Kim: Ka-year mo yata siya kasi RED ang case ng ID mo e. Diba pang Junior yan.

Ranz: Ahh. Sino nga?

Kim: Si..

*Krriiiiiing!*

Kim: Hala kuya! Bell na. Balik ka na,malayo pa lalakadin mo.

Ranz: Ah sige. Bye Kim. Ingat ka. *Nagsmile ako*

Kim: Yan! Smile ka na lang palagi! Mas bagay sayo. Sige Bye. *umalis na siya*

Nagsimula naman din ako maglakad palayo. Makulit na bata yun,parang si Zaica lang.. haha. So may bestfriend siya? Oh well. Ayoko na isipin pa. Naiinggit ako. -___- Binilisan ko na paglakad ko. Baka harangin pa ako dito. Hahahaha.

Rain's POV

Kakabell pa lang. Eto kami ngayon,papunta sa washroom ng girls. Tumambay kasi kami sa garden. hahaha

Dianne: Oyy ah,desiree ang swerte mo. Katabi mo pa ang Labs mo!

Desiree: Katabi nga,OLATS pa din naman. Haha

Dianne: Yie,nilapitan ka naman kanina diba diba? Hahaha

Desiree: Si Cous. kasi e.

Rain: Buti nga may napala e! hahaha

Ay! Nagkaaminan na nga pala! Hahahaha. Kaya eto lagi na lang asaran yung dalawa.

Nandito kami sa washroom.

Dianne: Anong gagawin mo Desiree kapag nanligaw siya sayo?

Desiree: Lul! Asaness!

Dianne: Bakit naman?

Desiree: Malay mo may GF na siya.

Dianne: Oo.

Desiree: Ha?!

Dianne: Oo. Ikaw! Hahahaha.

Rain: Huy! Wag nga kayo maingay! Hahaha. Mukha tayong mga shunga dito.

Mukha kaming ewan dito. Nasa magkakasunod na cubicle kasi kami. Kwentuhan pa din. Di nga namin alam kung may tao pang iba at naririnig kami e. Haha

Dianne: Basta! Wag ka ng kokontra! Para kahit sa ganitong sitwasyon,maging kayo naman kahit papano! Ang torpe mo kasi Des!

Desiree: Aba! At ako pa talaga!

Ni-flush na namin at lumabas na kami sa cubicle. Sabay sabay pa talaga. Hahaha.

Paglabas namin....

Nandun si Mary,Bianca at Jamelle.

Jamelle: Sino yun Desiree?

Mary: Share niyo naman.

Desiree: Ha? Ah.. Ehhh.. Hihi.

Bianca: If you all don't mind. Pwede niyo ba kami maging kaibigan din? Yeah,nagmeeting na tayo kanina,pero parang di pa tayo sanay na magkakasama diba?

Rain: Oh sure naman!

Dianne: Why not?!

Mary: Okay lang ba sayo Desiree?

Desiree: Ha. Ah. Oo naman!

Jamelle: Hahaha. Ayos!

----------------------------------------------------------------------------------------------------

 Eto muna sa ngayon! :))) Yay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Thousand YearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon