PROLOGUE
Ano kaya ang pakiramdam ng LOVE AT FIRST SIGHT? Kahit ang tagal bago pa ulit kayo magkita? Yung pakiramdam na,una mo pa lang siyang nakita alam mo na sa sarili mo na siya na. Kasi bawat pagkilos niya alam mo nang karapat dapat siyang mahalin..
True love can wait. Kahit gaano pa ito katagal. Kahit akala mo ang nararamdaman mong pagmamahal ay napalitan ng galit,hindi mo pa din maiiwasan na kapag nasa tamang oras na ang lahat.. Babalik at babalik ang mga ala ala ng nakaraan..
Kung mahal mo ang isang tao,matuto kang ipaglaban ito.. Huwag mong pangibabawin ang takot na maulit ang nangyari noon. Marahil may mga rason kung bakit kailangan tayong mang-iwan at maiwan. Masakit pero kailangan nating tanggapin,kailangan nating magpakatatag para kung bigyan pa ng isang pagkakataon,mas magiging maayos ang lahat.
Everybody deserves a second chance,kung nagkamali noon.. Dapat pagbigyan nating patunayan ngayon. Dito natin malalaman kung kayo ba ang itinadhana at masusukat ang pagmamahal para sa isa't isa.
"Mahirap magpatawad kung iniwan ka ng walang sinasabing dahilan.." -Ranz
"Kahit gaano pa katagal tayong nagkalayo,hindi ka nawala sa isip ko. Hinihintay ko pa din ang araw na magkikita tayo at sana mapatawad mo ako.." -Rain
Love is sweeter the second time around. Huwag natin hayaan na madown tayo ng galit dala ng mga sakit galing sa nakaraan. Lahat ng bagay at pangyayari ay may rason. Malay natin may mas maganda talagang plano si God para sa buhay natin. Huwag nating ipilit ang mga bagay sa maling oras dahil tayo pa din ang masasaktan.
Sa istoryang ito,masakit man ang nangyari sa nakaraan nila at pinaghiwalay sila ng tadhana... Sa tamang oras,maaayos ang lahat kahit dumaan pa sa maraming problema bago makamit ang kaligayahang inaasam nila,gagawin nila ang lahat mapatunayan lang na totoo ang nararamdaman nila kahit ang isa ay sumusuko na sa simula pa lang..
BINABASA MO ANG
A Thousand Years
Hayran KurguThis is only a fiction about Chicser. Lahat ito ay kathang isip ko lamang, Hahaha. Sana magustuhan niyo :))