CHAPTER 23-SUNSET

248 5 0
                                    

ENRIQUE'S POV

Ambilis ng panahon, two years na kami ni Liza. pati si Daniel at Kathryn, parang 2-3mos. advance lang ata kami sakanila. And im excited, kasi 1 year na lang din gagraduate na kami.

"tol. musta?" tanong sakin ni Seth habang naglalakad kami, namasyal kasi sila dito.

"pogi parin. as always" sagot ko.

"kapaaaal" sabay sabay na sabi ng mga mokong haha.

"Lintik naman na ibon toh oh. Tumae sa polo ko" reklamo ni Katsumi na ipinapakita ang Polo nito.

"ay wait tol. kuha lang ako ng tissue paper" anyaya ni Lester.

"wag na! pano mo pupunasan yung pwet nun? eh nakalipad na" pigil ni Katsumi.

"alam mo sayang naman kagwapuhan mo. utak nalang sana binigay sayo" -Seth

"grabe ka naman. perfect ka?"

"haha hindi. pero - ay wag na nga baka mahurt ka pa" -Seth

"wow nahiya pa kayo. lagi niyo nga akong sinasaktan eh sus"

at kunwari pang umiiyak si Katsi adik talaga toh.

"wala pa ba si dj?" tanong ni Liza. Nandito na kasi kami ngayon sa resto. Napag usapan kasi naming magsabay sabay sa lunch.

"wala pa babe eh, sinundo niya pa si Kathryn" Tumango naman si Liza.

"wala ata kayong dota ngayon?" pahabol pang tanong ni Liza, niyakap ko lang siya at nagpacute.

"grabe ka naman babe. ayaw mo bang nandito ako?" tanong ko at nagsmirk naman siya.

"hindi naman. nasanay lang ako na lagi kayong wala ni DJ. you know" at nagkibit balikat pa siya.

"who-goaaaaat" asar ni Lester

"may pinanggagalingan eh haha" gatong pa nitong si Katsumi.

Honestly, oo totoo nga na madalas naming pag awayan ni Liza yung pagdodota namin. Pati si Kath at DJ, yun rin. Dahil madalas kaming maglaro ni Daniel, meron pa nga dati. Nakalimutan kong monthsary namin ni Liza dahil sa kaiisip ko sa dota. Pati si Daniel, habang naghihintay kami sa out nila Kathryn at Liza sa subjects nila, nagDOTA muna kami. At di namalayan ang oras. Kaya away nanaman.

KATHRYN'S POV

"Tara?" tanong ni DJ at humawak naman ako sa kamay niya. Sumakay na kami sa kotse niya papuntang resto. Tahimik lang kami, tinitignan ko kasi yung video sa ipad ko.

"ano yan bal?" tanong ni DJ.

"ah. video"

"Kath, alam kong video, naririnig ko at nakikita ko. Pero ano nga yan?"

"highblood ? haha. video ng couple, short film. anlungkot nga lang eh. Kasi nanonood sila ng sunset. Lagi, mula nung malaman nilang may cancer yung babae. Yun ang hiniling nya sa fiancé niya. Ang maglakad sila palagi sa gilid ng dagat tuwing hapon, tapos panonoorin nila ang paglubog ng araw" naiiyak kong sabi. Nakakatouch kasi eh.

"oh bakit?" tanong ni DJ. na parang nagtataka kung bakit ganun din ako kalungkot.

"kasi DJ. nung ginawa nila to, di na makalakad yung babae. pero gustong tuparin ng boy yung gusto ng babae kaya binuhat niya yung girl. papunta sa seaside. Magkayakap sila, kasabay ng pag lubog ng araw. ay ang pagkawala ng babae"

DANIEL's POV.

Nakita ko yung lungkot kay Kathryn habang nagkukwento siya kaya itinigil ko yung kotse at hinawakan yung magkabilang pisngi niya.

"why kath?" tanong ko diretso sa mga mata niya.

"w-wala dj. Carried away lang, it's just that . bakit sila pa ? napakaraming binibigyan ng pagkakataong gumawa ng happy ending pero sinasayang. Bakit hindi nalang sakanila binigay yun ? bat kelangan pang sakanila ?"

I dont know what to say, kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit at hinalikan sa noo niya.

"maybe it's just because.. They defined forever, in a short time"

Hindi na siya umimik. Yumuko nalang siya.

"hey bal. 4 ang last subject mo bukas diba?"

"yup. why ?" tanong nito.

"I'll fetch you later. May pupuntahan tayo"

"okay"

......

KATHRYN's POV.

Naglunch kami kanina kasama si Liza, Quen at ang Parking5. Kulang yung oras pero okay lang because we've enjoyed naman.

Hinihintay ko nalang si Daniel ngayon dito sa labas. Busy kami this week, hindi kami masyadong nakakalabas na kaming dalawa lang kaya excited ako ngayon.

Nakita kong naglalakad lang si DJ papunta saakin.

"bally. di mo dinala kotse mo?"

"hindi eh. sinadya ko talagang hindi dalhin. commute muna tayo. okay lang ba ?"

"oo naman" sabi ko at naglakad na kami, nagcommute nga kami gaya ng sabi niya. Hawak niya lang ang kamay ko sa biyahe.

"padills, san tayo?"

"basta" maikling sagot niya. Hinayaan ko nalang at sumunod. Pumunta kami sa isang beach. Umupo kami sa buhanginan.

"bakit tayo nandito?" tanong ko pero umakbay lang siya saakin.

"Kath. I wanna watch the sunset with you."

Napangiti naman ako sa sinabi niya, ang ganda nito. Nakatingin lang kami sa araw na lumulubog. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, kasama ko yung taong mahal ko. Yung araw, yung sobrang tahimik, yung ang ganda ng view. Humahaplos yung hangin saamin. Yung alon lang ang naririnig ko.

"ang ganda noh?" sabi ko.

"sobrang ganda" bulong ni DJ pero nakatingin siya saakin.

"siraulo ka haha. pero DJ. mahal mo ba ako?" out of nowhere, naitanong ko sakanya yun. Kumunot ang noo nito.

"anong klaseng tanong ba naman yan Kath. syempre oo. mahal kita" sabi nito at hinalikan pa ang noo ko.

"weh ? sige nga kung mahal mo ako. Isigaw mo sa buong mundo kung gaano mo ko kamahal" hamon ko sakanya.

"yan ba gusto mo?" tanong pa nito ulit. Tumango naman ako.

Ngumiti siya at nilapit ang mukha niya sa tainga ko.

"mahal kita Kathryn. Mahal na mahal" bulong nito saakin.

"wait DJ. diba sabi ko sabihin mo sa buong mundo kung gano mo ko kamahal?"

"oo nga. sinabi ko sayo. Dahil ikaw ang mundo ko Kathryn" -Daniel.

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon