CHAPTER 4-GROW OLD WITH YOU

471 11 0
                                    

Sa paglipas ng mga araw, mas naging close pa sila Daniel at Kathryn. Pati narin si Enrique at Liza, madalas magkakasabay sila sa pagkain, sa pag-uwi at magkakatabi na sa upuan tuwing magbabangga ang mga klase nila.

KATHRYN'S POV

Nasa bahay kami ngayon nila Liza, nakikikain lang ako. Haha.

"Hey Kath. Would you  mind telling me something?" Liza teasingly asked me.

I gave her a glare.

"huh? tell you what? ano bang sinasabi mo?"

"eh kasi lately, sobrang close nyo na talaga ni Daniel. Napansin namin yun ni Quen, na oo nga magkakasama tayo pero it seems like you have your own world. It looks like may sarili kayong language na kayo lang ang nakakaintindi" sabi sakin ni Liza.

"ha? hindi naman"

"oo kaya kath, hindi kaya. Gusto ka na rin niya?"

"h-ha ? w-wag kang ganyan Liza. Baka maniwala ako. Marupok pa naman ako haha" biro ko sakanya

"oh my God! Kath. Kung ganyan naman kagwapo ang magiging first boyfriend mo, naku! Sulit! Worth the wait ang paghihintay mo ng sobrang tagal" Kinikilig na sabi ni Liza

"sus. Napakaimposible naman. Tignan mo naman ako, si Daniel magkakagusto saakin ? duhhh ! imposible. Kasi hindi naman yun pwede mangyari, langit sya lupa ako"

"ang korni mo! laos na yang mga linyang yan"

"maganda ang tipo niya" pagdidiin ko

"ok lang. Di ka naman pangit. Di ka nga lang din maganda"

Tinignan ko siya ng masama at nagtawanan lang kami. HAHA

"Kath, okay lang naman kahit maganda yung tipo niya, basta malandi ka . Panalo ka promise" haha asar ni Liza. Bwisit toh

Pero paano kaya ? paano nga kaya kung totoo ? paano kung may gusto na talaga saakin si Daniel. Paano nga kaya kung nagugugstuhan niya na ako. Posible kayang mangyari yun ? Mahirap man mangyari, mahirap man paniwalaan. Suntok man sa buwan ang ganun, may kauntingpag asa sa puso ko, sa isip ko na gustong maniwala. Na gustong umasa na totoo yun, na MAAARI NIYA AKONG MAGUSTUHAN.

DANIEL'S POV

Coz it's Saturday night, Jamming night muna kami. Nandito kasi sa bahay namin ngayon ang banda ko. Ang Parking5, dahil sa weekend namasyal sila saamin. Sa Baguio kasi sila nag s-stay eh

"Hey bro" bati saakin ni Lester

"Pakain ka naman bro" sabi ni Katsumi, ang patay gutom kong kaibigan haha

"pagkain nanaman ? oh mamaya ! nagluluto pa si manang Fe eh." tugon ko

Napatingin si Katsumi sa kusina at nanlisik ang mga mata niya, dinilaan ang lower lip at nagsalita

"oh tukso! Lapit pa" sbi ni Kats, nagtawanan naman ang barkada.

Nagjam lang kaming lahat. Nag-gitara, kumanta.

Nang napagod kami, umupo muna kami at nagmerienda. Kasalukuyan kong nilalaro yung gitara ko ng lumapit saakin si Lester.

"oy bro, sino toh?" tanong ni Lester na hawak hawak ang laptop niya.

Tinignan ko naman ito para silipin.

"Ah, Si Kath" tipid kong sagot at nilaro ulit yung gitara.

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon