CHAPTER 29- MR. AND MRS. PADILLA

283 2 0
                                    

Reception ..

DANIEL's POV

Tapos narin sa wakas ang kasal namin ni Kathryn. Masaya ako, oo masaya ako dahil sa wakas. Nakaraos. Dahil kanina, sa totoo lang hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko nung hinihintay ko si Kath sa altar.

Binulungan pa nga ako ni JC, na best man ko. Na kumalma raw ako. Dahil habang isa isa nang naglalakad ang lahat sa guests, ay mas lalo akong kinakabahan. Pati habang naglalakad ako sa gitna ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang mas madali pa atang rumampa sa mga runway, sa mga events kaysa yung maglalakad ka dahil sa ikakasal ka na.

Nung nakasara pa yung pinto ay ng simbahan at doon lang atensyon ng lahat ay halo halo na ang naramdaman ko. Tuwa, saya. Kaba, nerbyos. Para akong naiinitan pero pinagpapawisan ng malamig. Para akong nahihilo. Para akong naiihi. Para akong natatae. Hindi ko talaga maipaliwanag. Pero pagkabukas ng pinto at nakita ko si Kathryn... na siyang mapapangasawa ko.

Parang nawala lahat ng tao sa paningin ko. Parang nabingi yung mga tenga ko dahil hindi ko na naririnig yung mga palakpakan ng tao kanina. Tanging yung kanta nalang ang naririg ko.At ang lakas ng tibok ng puso ko. Si Kathryn nalang ang nakikita ko.

She's the most beautiful bride I've ever seen. Parang bumagal ang oras.

Nandito naman na kami ngayon sa reception namin. Ang saya. Hindi lang dahil sa kasalan namin, pero dahil narin sa mala-reunion na event namin. Ngayon, winter naman ang theme na ginawa ng organizer. Blue, white at silver ang motif. May mga mala-snow na design kahit saan.

Kanya kanyang upo na ang mga tao. Narito kami ngayon ni Kath sa backstage.

"and now. Let's welcome the newly wed. Mister and Mrs. Padilla"

Sigaw ng Emcee kaya nagsitayuan at nagpalakpakan naman ang mga tao saamin. Ngumiti lang kami at tumayo sa gitna, na siyang table narin namin.

"Thankyou po sa pagpunta" bati ni Kathryn. Pero sumigaw lang ang mga tao ng Kiiiissss at tinagaktak nila ang mga baso nila. Halatang nahihiya si Kathryn pero wala eh PADILLA ako haha

"Bibiguin ba natin sila?" tanong ko kaya tumawa rin siya. Binigyan ko siya ng isang mabilis na halik.

"yeaaaaaah" sigaw ng mga kabarkada ko.

"Okay. any speech?" tanong naman ng emcee kaya iniabot nito ang mic kay Kath.

"Ehem. Una, syempre masaya ako dahil nakarating kayo dito. Alam kong yung iba sainyo. maraming ginagawa, nanggaling pa ang iba sa malayong lugar. But still you did coming. Were thankful for that. To our friends, family. Thankyou"

Naluluhang sabi ni Kathryn. Niyakap naman siya ng papa niya na lumuluha narin.

"Nak, masaya ako sayo. Para sainyo" sabi ng tatay nito at tinapik pa ko sa balikat. "Di ako mag aalangan, dahil alam kong kaya kang alagaan ni DJ. Dahil naalagaan niya ang mga babaeng kapatid niya. Ang mama niya. Kaya hindi ka nya sasaktan" Tumango naman ako bilang pagsagot.

"Papa. Thankyou po" umiiyak na sabi ni Kathryn. Na siyang dahilan ng pagiyak ng iba na nandoon. Tears of Joy malamang. "Pa. You treated me like a princess all my Life. And I may found my Prince now, but I promise, you'll always be my King"

"awwww" rinig kong sabi ng mga tao.

"I would like to take this chance to thank all of you guys" dagdag pa ni Kath at tumingin sa Emcee.

"Go on" -emcee.

"Tita Karla, thank you for giving me DJ. This prince beside me treats me as his lady. And i know it's because he was raised in the arms of the Queen" Ang sweet naman ng linyang yun. Oo naman. Pinalaki ako ni mama na ituring na prinsesa ang mga babae eh.

"and ma. Thankyou po sa lahat. sa Lahat lahat. You're the best ma. You'll always be"

"naku. umiiyak na lahat dito. Haha eh Mrs.Padilla, kay DJ may gusto ka pa bang sabihin ?" patawa ng emcee. Kaya humarap naman saakin si Kathryn at bahagyang natawa.

"naku hahaha. Eh nag exchange of vows na nga kami ng ilang beses kanina eh. Mamaya iwan nya na ako, ayaw na ko makasama niyan" biro ko. Tumawa lang naman ang mga tao pati narin si Kath at pinalo ako sa braso.

"Adik ka talaga haha. Hmmm Deej, hindi ako magsasawang ulit ulitin toh. Pero If you're asking me if i want to be with you, the answer is forever. If you're asking me if i want to leave you, the answer is never. If you'll ask me what I value the most, the answer is YOU. And if you're asking me if I love you, the answer is I do"

Napangiti nalang ako at sumigaw "Ang swerte ko sa asawa ko" at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Eh ikaw Mr. Padilla, Any words for her?" tanong ng Emcee at iniabot ang mic saakin.

"Andami na nating pinagdaanan Kath. Tignan mo, noon crush mo lang ako. Ngayon asawa na haha" Natatawa kong sabi "ngayon ikaw palang ang babaeng mahal ko, sooner. Marami na kayo"

Sinamaan niya naman ako ng tingin kaya kinurot ko siya sa pisngi.

"syempre diba ? yung mga cheerleaders ng basketball team natin" sabi ko at nagtawanan ang mga tao. Halata namang nahihiya at nagulat tong si Kath dahil sa pamumula ng mukha niya.

"HAHAHA. pervert po pala kayo Mr.Padilla" pagloloko ng emcee. Gago to ah. Haha naka mic niya pang sinabi eh.

"Haha osge na nga. seryoso na toh" Sabi ko at hinawakan ang mga kamay niya.

"Kath. I admit that sometimes, i wonder what my life would be like if we never met. Would it be simplier ? yes! better ? maybe! But then I realized that it also would have been complete. So thankyou for coming into my Life" maikling sabi ko at hinalikan siya.

Habang yakap ko siya ay bumulong ako..

"Ready for honeymoon Mrs.Padilla?" mapanukso kong tanong.

"manyak ka talaga. HAHA eh wait lang. diba nga? 1week muna, para maayos yung leave ko?"

Oo. usapan kasi naming babalik kami ng Baguio for honeymoon. Kasi doon naman talaga nangyari yung mga espesyal na bagay saamin. Kaya gusto namin balikan yun :) Pero kailangan pa magleave ni Kath kaya tumango muna ako.

"Ang sweet naman. Okay. Let's give this for their First dance as husband and wife"

And as the emcee said that, nag dim na ang lahat ng ilaw at tumugtog yung Grow Old With you.

Yes. This song speaks perfectly kung ano ang gusto kong sabihin. Kung ano talaga yung gusto kong mangyari. I wanna Grow old with this girl. A girl named Kathryn Chandria Bernardo-Padilla ;)

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon