ENRIQUE'S POV
Klase na namin ngayon ng Ethics, wala pa si Kath. Bakit kaya ? Lately napapansin ko na wala siyang ganang pumasok. Lagi siyang late these past days. Tapos haggard siya, mabigat yung problema niya. Alam ko sa sarili ko kung anong dahilan, nagka ganyan lang naman siya mula nung nangyari yung confession ni Daniel. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. From the confession of feelings, biglang courtship. Hays!
Napatingin ako nung magsalita si Kath.
"Good Morning miss. Im sorry im late" sabi niya nang nakayuko, napatingin siya saakin kaso iniwas niya rin yung tingin niya. At kahit pa bakante yung parehong upuan sa tabi ko, hindi niya ako tinabihan. Dumiretso siya sa isang upuang bakante sa gilid malapit sa window. Lumingon ako saglit kay Daniel at Liza na magkatabi sa middle seat.
Nakita kong nakatingin rin si Daniel sa nakatalikod nang si Kathryn, at si Liza nakatingin naman kay Miss Cathy.Ang hirap ng ganito, na dahil lang sa isang pangyayari nagbago na ang lahat. Si Kath at Liza na dating magbestfriend akala mo kung strangers ngayon, sabi nga saakin ni Tita Min hindi na talaga sila nag uusap. Kahit magkapit bahay sila, wala. Hindi na nagsasabay mag-uwi, at magsabay sa pagpasok ng school. Si Kath, diretso uwi, si Liza at Daniel ewan ko lang ! Wala eh,Wrong move.
DANIEL'S POV
Napatingin ako nung pumasok si Kath, late nanaman siya. Ang hirap na ng sitwasyon namin. Yung mga taong madalas kong kausap noon, madalas kong kasama noon, parang mga hindi ko na kakilala ngayon.
Kahit na sa communication wala, text ? chat ? wala. Kami nalang ni Liza ang nagkakasama. Pero sila Enrique at Kath is with another circle of friends.Namimiss ko na si Kath, i miss her a lot. Yung hindi ko na siya pwedeng kulitin, mayakap, makausap.Hanggang tingin nalang ako sakanya. Minsan naisip ko nga, paano kaya kung di ko nakilala si Liza ? Pwedeng si Kath kaya ang maging girlfriend ko ? Siya ang nililigawan ko ngayon ? Ah hindi ! Hindi dapat, dahil dapat kong panindigan toh. Mula naman umpisa si LIza talaga. Si Liza, si Liza at hindi si Kath.
KATHRYN'S POV
It's been almost 1 and a half month since then. Mula nung umamin si Daniel kay Liza at niligawan siya. Mula nung hindi na kami nagkakausap usap. I miss them, feeling ko wala nang dahilan para pumasok ako. Dahil yung dahilan ng pagpasok kong si Daniel, wala na. Yung dahilan ng paglipat ko sa university na to na si Liza, wala na. Hindi lang isa ang nawala saakin, kundi tatlo. Si Daniel, Si Liza at si Quen.
Ang saklap lang isiping yung dati mong bestfriend, kakilala mo nalang yun. Hays! Absakit isipin, umalis na ko at naglalakad sa hallway. Papunta na sana sa canteen nang ..
"sino ba ?"
"ewan ko pero ang swerte nung girl"
"sobra"
"tara na nga! tignan na natin."
Sabi ng mga nagmamadaling babaeng naglalakad. Out of curiosity, sumunod ako sakanila. At bumulantang saakin ang nagkukumpulang mga tao sa school grounds.
"anong meron?" sabi ko sa isip ko. Nakita kong bulung bulungan ang mga tao, nasa stage yung mga magagaling kumanta sa school. Nandoon sila Khalil Ramos. Anopo bang meron talaga ? Inikot ko nang tingin ko at nakita kong may mga roses at balloons sa stage.
"wow ayos ah. Ginaya nila yung ginawa noon ni Daniel para kay Liza" bulong ko sa sarili ko. At tumalikod na ko para umalis. Nakaka ampalaya eh.
"Miss Liza Soberano. This song is for you" Sabi ng isang boses na sobrang pamilyar saakin. Isang boses na nakapagpalakas ng tibok ng puso ko, nakapag pasikip ng paghinga ko. Ang boses na napaka tagal ko nang hindi narinig. Pero kasabay nun ang pagdurog sa puso ko. Napapikit ako, at naramdaman kong may likidong dumadaloy na sa pisngi ko mula sa mga mata ko. Kahit na matagal na, masakit parin saakin. Bumabalik lahat ng mga pangyayari. Ang sakit. Napakasakit.
BINABASA MO ANG
S(HE) BE(LIE)VED
FanfictionIt all started when Kathryn bernardo transferred to her new shool which happened to be the same school of her Long time crush named Daniel Padilla. As they were in that four corners of the university, what will happen next ? Would they make their OW...