CHAPTER 24-THE GIFT

209 3 0
                                    

DANIEL's POV.

Kanina ko pa nakikita si Kathryn na tumitingin saakin. Napapansin niya narin sigurong may kakaiba sa mga kinikilos ko. Busy kasi akong kausapin yung mga staff dito eh. Para sa gift ko kay Kathryn, at sana lang. Hindi to sumablay. Dahil sa totoo lang, sugal toh.

Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa regalo ko. Either it can make everything. Or break everything. Do or die kumbaga.

"DJ. okay na. ready ka na ba?" sigaw ni Ate sa backstage. Tumingin naman ako kay mama na lumuluha sa gilid. Ang emosyonal talaga nitong si mama eh.

Tumingin din ako kay Tita Min at Tito Ted na ngumiti naman at nag thumbs up. Kaya ko toh :)

Unti unting nag dim yung mga ilaw sa lugar, at sinabi ng emcee na maupo muna para sa isang importanteng announcement. Narinig ko ang mga bulung bulungan sa paligid na nagpakaba lalo saakin.

Namatay na lahat ng ilaw dito sa venue. Na halatang ikinagulat naman ng mga tao. Nafocus ang isang spotlight kay Kathryn. Halatang gulat at nahihiya pa ito. Tinanong pa niya si Liza at Julia sa nangyayari pero nagkibit balikat lang ang mga ito dahil wala rin silang alam sa mga nagaganap ngayon.

"Miss Kathryn Chandria Bernardo" sabi ko at lumabas na sa stage. Ifinocus rin saakin yung isang spotlight kaya naman kaming dalawa na ang nakikita ng mga tao ngayon. Huminga ako ng malalim dahil parang hinahabol ko na yung paghinga ko sa sobrang nerbyos.

Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Alam kong malamig yung mga kamay ko at nanginginig pa ang mga ito. Pero init na init naman ang buong katawan ko.

"Kath. alam kong nagtataka ka kung bakit di kita nilalapitan ngayon, kung bakit di ako dumidikit sayo. Kath.." pauna ko. Kasabay noon ang paglabas ng mga pictures namin sa monitor. Mukang naramdaman na ata ng mga tao yung mangyayari dahil may mga tumitili na. Kasama na doon si Liza at Julia.

Nakangiti naman yung mga tropa ko. Isang ngiti na parang nagsasabi na Nice one bro, masaya kami para sayo.

Nakita ko ring naluluha na si Kathryn. Pero diretso parin ang tingin niya saakin. Napapakagat labi, ibig sabihin kinakabahan siya.

"Sometimes, i might not just be there for you. But perhaps, i might actually be.. not seeing me doesn't mean that Im not with you. It only means that it's not my body who stands at your side.. But my heart" marahang sabi ko. Pakiramdam ko tutulo narin yung luha ko anytime kaya nilapitan ko siya at pumunta sa stage.

"bally. ano ba toh?" tanong ni Kath na halatang naguguluhan pero nginitian ko lang siya.

KATHRYN'S POV

Hindi ko na alak kung ano ba yung ginagawa ni DJ. Naguguluhan na ako, tapos isinama niya pa ako sa stage. Nasa amin ang ilaw, kaya sentro rin kami ng atensyon ng lahat ng mga tao na nandito.

"Bal. I've always asked for something special to happen in my life. But, i was blind to see. Too deaf to hear. And too numb to feel, that the day I met you was exactly the same day my prayer was answered" Sabi ni Dj saakin habang hawak ang mga kamay ko at tinititigan ako sa mata. Lumuha ako, tuloy tuloy yung pag-agos ng mga luha ko.

Nagflash back lahat ng mga nangyari noon saamin, hindi dahil sa mga pictures namin na nagfa flashback sa screen. Kundi kusang nagreplay lahat ng nangyari samin.

Mula sa pagiging ultimate crush ko siya, nung araw na una kaming nagkatabi sa isang subject.

Nung unang pagkikilala namin. Yung unang pag-uusap, yung araw na inannounce niya sa party na may gusto siya.

Nung nakatulog ako sa balikat niya at naglalaway ako, Yung panahon na naging close kami, pero si Liza ang niligawan niya.

Yung ako ang tumulong at gumawa ng paraan para maging sila ni Liza. Na nagawa kong isakripisyo ang kasiyahan ko para sa kagustuhan niya.

Nung magbakasyon kami sa Baguio at tadhana na ang gumawa ng paraan para sa pangarap ko noon.

Hanggang sa mahalin ako ni Daniel, at heto kami ngayon, we've been together for this long. Hindi ko inaasahang mangyayari tong mga toh.

Pinunasan niya yung mga luha ko gamit yung thumb niya. At nakita kong lumuluha si mama katabi si papa. Pati sila Julia at Liza nakita kong umiiyak at nakangiti saamin.

I've waited for him. I've waited for this.

"Bal.ito yung gusto kong maging regalo sayo. Yung pangako ko na ikaw ang mamahalin ko habambuhay. yung ikaw at ako lang" Lumuhod na siya at binuksan ang isang maliit na box na may ring.

"Alam ko kagagraduate lang natin, hindi naman ako nagmamadaling makasal tayo. Gusto ko lang na magkaroon tayo ng pangako. Ng assurance. Kaya kong maghintay" natawa pa nitong sabi.

"Kathryn Chandria Bernardo. Will you marry me?"

Doon bumuhos ang luha ko at nagsalita.

"Grabe padills. Di-di ko a-alam na d-darating tayo dito" lumuluha ko paring sabi. "Sinong mag aakala na y-yung dating c-crush ko lang n-noon naging b-boyfriend k-ko. And now, m-magiging asawa k-ko pa. Kaya syempre YES."

"YES. Mr. Daniel John Ford Padilla. I'll marry you. I will spend my lifetime with you"

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon