CHAPTER 10-IT WAS STILL YOU

334 10 8
                                    

a/n: As I promised po sa mga naki-participate, heto na po yung Next chapter pasensya medyo natagalan xD

Nandyan na rin po yung FIRST BATCH ng mga napili kong maisama sa characters :) Comment nalang po yung mga gusto rin mapasali sa next chapters :) Thankyou guys :*

KATHRYN’S POV

3MOST PAINFUL THINGS:

-Trying to hide what you really feel.

-Loving someone who loves another., and ..

-Taking risks to fall inlove again.

Sobrang nahihirapan ako. Sa pagkakatanda ko, pagmu-move on ang ipinunta ko ditto. Hindi para muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Tsk! Naglakad na ko pababa sa terrace ng Makita ko si Gerlene Qtqt, Geraldine Talon at RubyAnn Abad. Mga estudyante sa tabi ng bahay nila Julia.

oh Kath. Gising ka nap ala, maagang umalis si Julia eh” Sabi ni Gerlene

“ha? Ganun ba ? iniwan ako?”

“nagmamadali, kasama siya nung mga lalaki” dagdag naman ni Geraldine.

“ah ee kayo ? san lakad nyo?” tanong ko sakanila.

“papasok na sa school, trisem kasi kami. Kaya late din ang sembreak haha” natatawang sabi ni RubyAnn.

“ay ganun, buti pa kami.” Proud ko naming sabi.

“haha oo nga buti pa talaga kayo”- Geraldine

“oh sya tama na tsikahan tara na. Mali-late na tayo” sigaw ni Marife Hererra, isa rin sa mga kaibigan ni Julia dito.

Nagwave na ako, at umalis na sila. Hay ! Kawawa naman ako, pumasok na ko ulit ng bahay.

“Goodmorning” bati saakin ni Daniel.

oh hi, uhm nasaan sila? Si Julia nasaan ?” tanong ko.

“umalis. Iniwan nga ako eh. Tinanghali ka narin ng gising kaya iniwan ka na nila.”

“ha? Saan daw sila pumunta?” Loko talaga yung Julia na yun, kala ko ba tutulungan niya ko mag-move on ? Akala ko ba tutulungan niya kong makalimot ? Pero iniwan niya ako dito ? My Goddd!

“Nag-iwan lang ng note saakin yung mga mokong Sinundo daw nila si Quen” Pagpapaliwang ni Daniel at pinakita ang isang note na nagsasabing HOY PANDA! HAHA SUNDUIN LANG NAMIN SI QUEN, PUYAT ATA KAYO NI KATH. PANONG NANGYARI ? HAHA.

Natawa naman tuloy ako sa note nay un, panda talaga ? Sabagay anlaki ng eyebags ni DJ. Pero pogi parin HAHA. Uso pala sa mga lalaki ang notes ? dib a pwedeng itext nalang ? haha.xD

“Quen ? Nandito na si Enrique?”

“oo, kaninang umaga daw dumating. Tara breakfast” yaya ni DJ.

“No thanks. Im full” pagtanggi ko at dumiretso sa terrace. Hindi naman siya sumunod, hindi niya talaga ako sinundan. At bakit naman kasi niya ko susundan diba ? TANGA ko haha. Nakatingin lang ako sa view dito sa Baguio, ang ganda talaga, nakikita mo yung mga bundok. Ang lamig ng hangin na humahaplos sa mukha ko. Para akong hinahalikan ng fog. Pumikit ako, dinama kong mabuti ang sarap ng hangin. Pero..

Brrrrrrr …

“Shet gutom na ko” bulong ko sa sarili ko. Pero hindi naman ako pwedeng pumunta dun sa  kusina. Baka nandoon si Daniel, nakakahiya. Pero bakit naman ako mahihiya diba ? Ish! Tiniis ko ng panandalian ang gutom ko, pero habang tumatagal mas lumalala yung gutom ko kaya naman tumayo na ako.

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon