CHAPTER 21-I MISS YOU BAL

322 7 0
                                    

KATHRYN'S POV

Today is the day. Grabe kinakabahan ako! Ngayon na kasi ang araw ng Fashion show namin. Paniguradong marami nanaman ang magtatanong ng estado namin ni DJ. Pero mas kinakabahan ako dahil alam kong magkikita nanaman kami ni Daniel.

"kaya mo yan kath" bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa venue. Nag ayos na ako, nasa kabilang room naman si Daniel. Sumilip ako sa backstage at mas lalo akong kinabahan dahil sa dami ng mga taong nandoon.

Nag umpisa na ang Fashion show, sobrang kabado ako dahil partner ko si Daniel at magsasalubong kami sa gitna. Ginawa na namin yun at nung nasa gitna na kami ay nagulat ako sa hindi ko ineexpect na gagawin niya.

Nagmagic siya at nagpalabas ng isang rosas. Na dahilan ng pagtili ng mga tao, ngumiti nalang ako para di kami mahalata na hindi okay.

Rumampa uli kaming dalawa, ako to the right side of the stage at siya naman sa Left side. Then ngumiti uli siya saakin at ..

"bal. namiss kita" Nang sinabi niya yun ay ang naging dahilan ng kasiyahan ko, parang nawala lahat ng sama ng loob ko sakanya. Ngumiti lang ako.

"payakap nga" sabi nito at niyakap niya ako. Sa mga yakap na yun naramdaman kong namiss niya ako, at miss na miss ko rin siya, sobraaaaa! I missed this man so much.

Narinig naming nagsisigawan lahat ng tao sa labas pagkapasok namin sa backstage. Pati yung mga kasama namin, napapangiti saamin. Magkatabi lang kami sa likod hanggang sa matapos ang show. Dahil lang doon, parang nawala lahat. Nakalimutan na namin ang lahat.

"Hatid na kita pauwi bal" yaya ni DJ at tumango naman ako, habang nasa loob kami ng sasakyan niya ay hawak niya ang kamay ko. Bibitaw lang siya satwing magchi change brake siya.

"Kath" sabi ni Daniel at huminga ng malalim.

"im sorry for that--" magsasalita pa sana si DJ. But i cut him,

"okay na. let's just leave it behind okay?"

"sige pero Kath. I wanna show you something"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito.Pero Tumango nalang ako. Ano naman kaya yun?

...

Tumigil kami sa tapat ng isang bahay dito sa isang subdivision. Ngumiti si Daniel at bumuba na ng sasakyan, agad niya rin naman akong pinagbuksan ng pinto ng sasakyan.

"kaninong bahay to?" tanong ko at unakbay lang si DJ saakin.

"nagustuhan mo ba?"

At tumango rin naman ako.

"mabuti naman. dahil balang araw, dito ka na titira. Kasama yung ibang babaeng mahal ko" aniya.

"ha? ako titira dyan?"

"oo. ayaw mo ba?" tanong pa nito.

"at teka teka, patitirahin mo ko dyan kasama yung mga babaeng mahal mo?" reklamo ko pa.

"oo"

"wow ang kapal mo rin" bwisit na sabi ko at tulak sakanya palayo.

"teka teka nga lang Kath. Ayaw mo ba nun ? Kasama mong titira dyan yung mga prinsesa ko"

"sinong babae ang matutuwang kasama ang ibang mahal ng mahal niya sa iisang bubong aber?"

"ikaw ang reyna ko, kaya yung mga prinsesang tinutukoy ko ay yung mga maliliit na batang kamukha mo at tatawagin kang mama"

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon