CHAPTER 30- IM SORRY

521 6 0
                                    

kATHRYN's POV.

Nandito ako ngayon sa trabaho ko nang magtext ako kay DJ. Mula nang ikasal kami, di na niya ako masyado sinusurprise. Siguro, dahil narin sa pagiging busy. Pero ngayon. Monthsary namin. Pero mukang di niya naalala. Nasa bahay daw sila DJ, Enrique. Naglalaro ng DOTA. You know. Boys will be boys.

"haaaay" sabi ko kasabay ng paghinga ng malalim at nangalumbaba sa tapat ng computer ko.

"iniisip mo nanaman si DJ?" tanong ni Liza na kararating lang at ipinatong ang isang Frappe sa mesa ko.

"Uh thanks Liza. Hmmm oo. nakakainis eh" sagot ko habang umiinom sa ibinigay niyang inumin.

"Bakit naman?"

"Liza. It's our monthsary. And I guess di niya naalala. Kasi pagkaalis ko ng bahay kanina. Di man lang nya ako binati, mas excited pa siya kanina sa pagdating nila Quen" naiinis kong kwento.

"Isa pa, noon pa man. Di pa man kami mag asawa. Ugali na nya yan, sakit na nila yang lintik na Dota yan. Diba ?" Dagdag ko pa.

"ha ? eh baka namimiss nya lang kasi yung boys. Lam mo naman ngayon lang uli sila magkakasama. At malay mo? may surprise sya sayo. Ano ka ba ?"

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nang sinabi yun ni Liza. Oo Kathryn. Think positive. si Daniel Padilla kaya ang asawa mo :) Isusurprise ka nun.

DANIEL's POV.

Busy kaming naglalaro ng Dota dito sa bahay namin. Ipinaalam ko naman to kay Kath na papasyal tong mga mokong dito.

Toot toot ..
*1message Received..

From: Mrs.Padilla
Bal. Sunduin mo ko later ? 9:30 kasi out ko.

Pagtingin ko ay 3:45PM ang text na yun. At ang Date? It's 26. Shocks! Monthsary namin. Hindi ko man lang yun naalala.

Dibale maaga pa naman. may almost 6hours pa ako. Ididate ko nalang siya mamaya pagkasundo ko sakanya.

Naenjoy pa namin ang paglalaro. 7pm na pero di kasi namin maitigil ang paglalaro. Nauna nang umuwi si Lester at Seth. Kaya ako, si Quen, si JC at Kats nalang ang nandito.

Nakalapag sa tabi ng keyboard ko ang phone ko. Pero tunog ito ng tunog, vibrate ng vibrate. Natatalo na kami nila Quen kaya nakakainis na talaga. Nakakainit ng ulo. Pati sila napapa trash talk na.

"Ano ba yan Deejay kanina pa tunog ng tunog yang cellphone mo" iritang sabi ni Katsumi.

"Oo nga tol. Sagutin mo nga muna nakakabwisit eh. Di kami maka concentrate" gatong pa ni Quen.

Kinuha ko yung phone ko at nakita kong naka 62missed calls na si kath. At 14messages. Napakunot ako ng noo at tumingin sa orasan. 8:20 palang. Eh 9:30 pa out niya. Mabilis akong nagreply.

To: Mrs.Padilla
Bal. I'll fetch you later pag out mo na. Loveyou!

SEND.

At pinatay ko na nga yung cellphone ko at patuloy na naglaro. Naglaro ng naglaro. Nang napatingin ako sa orasan.

F*ck! It'S 10:30PM alreadyy ? Late na ko!

"Bro. it's Late. Kailangan kong sunduin si Kathryn. Sorry" Sabi ko at dali daling tumayo at kinuha ang jacket ko na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto namin.

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon