CHAPTER 16- PADILLA

337 7 1
                                    

DANIEL'S POV

1 and a half week narin kaming nagbabakasyon dito sa Baguio. At nasasanay na ako sakanila, sa company ng bawat isa. Yung barkada ko, yung banda ko, Si Kath.

Masaya nga ako at kinalimutan narin ng mga kasama ko yung past namin ni Liza. Knowing my bandmates ? mapang asar yung mga yun. Pero natutuwa naman ako at hindi nila yun ginawa, nandoon parin yung respeto nila.

"kuya nareceive mo na ba text ni mama?" tanong saakin ni JC.

"oo. panu yan?"

"kung gusto mo, mauna nalang muna ako. Kailangan ko pa kasi daanan sila ate Roanna"

"ayaw mo bang yayain sila?"

"Gusto ko nga sana. Pero sasama kaya?"

Naguusap kaming magkapatid nang dumating si Lester at Julia.

"oh saan ?" tanong ni Lester.

"Sa Tagaytay, nagyayaya kasi si mama. Vacation daw sana, reunion narin namin. At tsaka birthday kasi ni ate Roanna.Di pwedeng wala kami dun. Tatanong sana namin kung gusto niyo sumama" pagiimbita ko.

"I wanna join" Excited na sabi ni Julia.

"Sigurado namang sasama ang lahat diyan. So go na tayo" sabi ni Lester.

-

Tacloban ..

KATHRYN'S POV.

Kumpleto kaming lahat dito ngayon sa sasakyan. Di ko namamalayan na nandito na pala kami, ginising nalang nila ako sa mahabang pagkakatulog ko eh. Iniisip ko nga, reunion ito ng buong angkan nila DJ.

Inilahad naman agad ni Daniel yung kamay niya saakin pababa ng sasakyan, para alalayan ako.

"Hello mga anak! Halika na. Pasok kayo." yaya saamin ni Tita Karla. At nginitian ang bawat isa saamin. Nakita ko ang Pamilyang Padilla na nakangiti, ang dami nila and they still smiled to us even though they are so busy with their own things.

Nakita ko si Tito Robin at Tita Mariel na nag eenjoy mag ihaw ihaw sa gilid at kumaway saamin. Marami ring mga batang nagsisitakbuhan, may mga nagkakantahan, nakita ko rin si JC na may mga kasamang lalaking umaakyat ng hagdan na nagsasabit ng mga palamuti.

Honestly, hindi ito ang ineexpect kong dadatnan ko. Knowing na it's a PADILLA reunion. Kala ko sobrang sosyal. Oo, sosyal parin naman. Pero parang ang theme nila ay parang isang piyesta sa baranggay.

"mukang napagod ata kayo sa biyahe ah. kumain muna kayo bago magpahinga sakto mainit pa yung mga pagkain" alok ni Tita Karla saamin.

"naku tita. sinabi mo pa! sobrang pagod talaga kami. Gutom na gutom pa. Hay naku! Haaay grabe lang talaga" sabi ni Katsumi at umarte pang namimilipit ang tiyan.

"ikaw talagang bata ka. haha" natatawang sabi ni Tita Karla at dumiretso na nga kami sa kainan.

Kumain kami ng kumain, napansin ko ring iba na si Liza kay Quen. Ang sweet nilang dalawa, sobra! Para silang mag jowa. Pinanonood ko rin si Julia at Lester na nagsi share pa sa iisang plato gayong marami namang plato haha. Pag ibig nga naman!

"ang gu gwapo at ang gaganda naman ng bisita ng pamangkin ko" bati ni Tito Robin saamin.

"kain po" yaya ni Liza at tumango lang naman ito. Napansin niya rin siguro ang kasweetan ng bawat pares saamin.

"naku. may ginawa pa man ding pasayaw si Roanna para mamayang gabi. Kaso mukang wala naman ng single sainyo" biro ni Tito Robin.

"Talaga? Eh kala ko ba birthday to. Eh mukang kasalan ata. HAHA may pasayaw pa ng gabi" humahalakhak na sabi ni Seth.

"oo nga eh. Ewan ko ba kay Roanna. Sila ni Kylie ang may gusto nun" depensa naman ni Tito. "pero mageenjoy parin naman kayo. Diba DJ. isayaw mo nalang ang girlfriend mo, pati narin kayo Pogi" sabi ni Tito Robin at ngumiti kay Enrique.

"Pogi? Edi wow haha" asar ni Lester kay Quen kaya humagalpak nanaman ang tatlong lalaki sa tawa.

"naku tito eh hindi ko naman po kasi boyfriend si Quen." sabi ni Liza

"hindi ba?" tanong uli nito.

"hindi pa po... maybe soon. nanliligaw palang" nakangiting sabi ni Liza. Nagkatinginan naman kaming bigla ni Julia. Nagulat kasi kami sa pahayag ni Liza, seriously ? wow haha. at nakita rin naming namula si Quen sa sinabi ni Liza at nakaawang nalang ang labi ni Quen.

"bagay kayo" maikling sabi ni Tito at bumaling ang tingin kay Daniel. "Eh ikaw DJ. wag mong sabihing hindi mo rin girlfriend si Kathryn ?di ganyan ang isang Padilla" napalunok naman ako sa sinabi ni Tito Robin.

Tumawa si Daniel at naramdaman kong umakbay siya saakin.

"opo tito. Hindi ko pa nga siya girlfriend. Dahil hindi rin ugali ng isang Padilla ang pagmamadali. Hihintayin ko muna si Kathryn. Hanggang sa maging ready sya. Kasi tito, ngayon ko palang siya liligawan"

Naramdaman ko ang init ng mukha ko at ng buong sistema ko nung sinabi yun ni Daniel. Naramdaman ko rin yung pagsipa ni Julia sa paa ko sa ilalim ng mesa at ang bahagyang pagtili ni Liza na pinipigilan niya. Shiz Daniel John Ford Padilla. Why you're doing this to me ?

Sa kwarto ..

Nag aayos na kami ni Liza at Julia dito sa kwarto nang salita ng salita si Liza at Julia. Pero wala akong naiintindihan, dahil sa totoo lang hanggang ngayon ay lutang parin ang utak ko. Wala parin ako sa sarili ko, hindi parin nagsi sink in sa utak ko yung mga sinabi ni DJ kanina kay Tito Robin.

Totoo kaya yun ?

"hay naku Kathryn. lutang ka parin" asar ni Liza na kasalukuyang kinukulot ang buhok.

"wag ka ng magtaka. Lumalablayp ee haha" isa pa tong si Julia.

"che ! magtigil nga kayong dalawa. iniisip ko lang naman yun eh." sabi ko at nangalumbaba sa bintana.

"ang alin? yung sinabi ni DJ ? Oo totoo yun. halata naman eh" sabi ni Liza.

"eh pano naman kayo nakakasiguro dun ? eh umaasa nga tayo sa wala. baka sinabi niya lang yun para di sya magmukang mahina sa harap ng tito niya. You know. Padilla" naiinis kong sabi.

"oh eh bakit ganyan ka mag react ? let's say na di nga totoo. so bakit ganyan ka ? naiinis ka! ibig sabihin there's a part of you na umaasang sana totoo nga yung sinabi ni DJ na gusto ka niya. Tama ba ?" diretsong sabi sakin ni Juls na para bang niloloko pa ako.

"hindi ah" pagkukunwari ko. pero oo. sa totoo lang .. there's a part of me saying na sana nga.

sana gusto niya talaga ako. na sana ligawan niya na ako. na sana yung chance, kahit konti. gusto niya talaga ako.

"You know what Kath ? Seriously speaking. I've been with DJ. I've known him even in a short span of time. I've been once her girl" natatawang sabi ni Liza "and You know that I admitted to him, that i think he likes you. When we two broke up. Im not really sure if I did the right thing, if my insight was true., that he likes you. But now, I can say that i have no regrets at all. Oo siguro noon, medyo nagsisisi ako dahil sa nawala sakin. Pero no, nanibago lang siguro ako nun cause im used to him. Pero now, looking at him. Looking on how he looks at you, how he stares at you. He never did that to me.. The smile you can put to his face effortless. Your presence make him smile. No doubts. Kath, im sure he is in love with you."

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon