CHAPTER 19-OFFICIAL

232 7 0
                                    

KATHRYN'S POV

"GoodMorning my Queen" bati saakin ni Daniel sa text. Yun ang unang una kong nakita sa inbox ko. Ang sweet niya talaga. Konti nalang DJ. sasagutin na kita.

Naglalakad ako sa hallway ng school nang nakita ko si Liza. Ngiting ngiting nakaupo isa sa mga bench.

"pst!" tawag ko rito at kumaway naman siya kaya nilapitan ko siya.

"ngiting ngiti ka ah haha" asar ko dito.

"oo naman. masaya kasi ako" sabi nitong nakangiti parin. Hindi ko na tatanungin, dahil alam ko naman na ang dahilan. Kasi sinagot niya na si Enrique, ang sweet nga nilang dalawa eh nakakainggit.

Ang sarap balik balikan ng nangyari sakanila Two months ago. Yes, two months na ang lumipas nung sinagot niya si Quen. At si DJ ? nanliligaw parin hehe. Di ako maka timing eh.

FLASHBACK ....

Nakasimangot si Liza at hindi umiimik. Lagi siyang lumilingon at laging chini check ang cellphone niya. Umupo kami sa may bleachers. It was 6pm, may program daw kasi sa school. At kailangang pumunta ng lahat.

"you okay?" tanong ko.

"hindi. naiinis kasi ako kay Quen. kahapon pa siya di nagpapakita, kahapon pa siya di nagpaparamdam. Ni blank message di man lang makapagtext" galit na sabi nito.

"baka busy"

"yes he is! and I dont even know why he's so busy. " padabog niyang sagot.

"eh kala ko ba tinext ka niya kanina?" tanong ko habang kumakain ng chips.

"oo. ang sabi nya lang. SEE YOU LATER SA SCHOOL. oh diba ? President na president ng school ang dating ? Syempre dahil sa siya nag organize ng event na toh! nakakainis! Tsk. alam niyang madilim, alam niyang gabi. Di man lang niya ako tinanong kung pwede niya ko sunduin" Mas nakita ko ang inis sa mukha niya.

Di nalang ako umimik at nakatitig kami sa may open grounds ng school. Maraming tao doon. Mukang busy lahat. Nakita ko rin si DJ doon at kumaway naman saakin.

Biglang nag dim ang ilaw ng school. Siguro nga mag sstart na yung event. Kaya umayos ako ng upo.

"miss me Liza?" sabi ng isang boses na galing sa kung saan. Nakita kong nagulat si Liza. Oo hindi lang siya ang Liza dito pero sa boses nung nagsalita. Parang si Enrique yun.

At biglang tumugtog ang Forevermore ni Juris sa buong campus.

Halatang kinakabahan na si Liza dahil kinukurot niya pa ako. Isa isang may lumapit sakanyang school mate namin. Si Marco, may mga dalang tatlong red roses.

Kasabay nun ang pagliwanag ng mga kandila sa paligid. Camdle in a glass naman ang hawak ng mga nasa paligid namin. Unti unting nabubuo ang heart shaped sa gitna. Ang ganda ganda. May mga lumipad rin na Lighted lanterns sa langit. Na may nakasabit na "L I Z A"

Narinig ko ang mga bulung bulungan.
"Liza ? wow ang swerte naman"

"Uy grabe toh ah. Kahit sino kikiligin"

"ang swerte swerte naman ni Liza"

"yes she is. Lahat ata ng nagigong boyfriend ni Liza ay ganyan, mahilig siguro sa surprises"

"i know right. Edi ba ganyan din ang ginawa sakanya noon ni DJ"

Yan yung mga bulungang naririnig ko sa mga babaeng nasa likuran ko, oo nga. Tama sila, napakaswerte ni Liza, dahil sa mga natatanggap niya. At oo, ganito rin yung ginawa noon ni DJ sakanya, ang pagkakaiba lang ay kanta yung kay DJ.

Nakita naming sumasayaw na si Enrique sa gitna. Naka pink siya na polo at sobrang gwapo niya sa brush up hair look niya. Forevermore interpretative dance.

"oh ano ? okay ka na?" bulong ko kay Liza.

"grabe Kathryn. I didn't expect this" sagot naman nito habang nakangiting pinanonood si Quen.

"Guys. Im sorry for disturbing you for this event. I know some of you have more important things to do. Maybe some of you thinks that this was just nonsense" panimula ni Quen "but for me, this will be the most special day" Dagdag niya at kasunod nun ang pagtutok ng spotlight kay Liza, medyo lumayo ako. Baka maging sapaw eh haha.

"Liza, Alam ko naiinis ka sakin kasi di ako nagpaparamdam. Siyempre alam kong mamimiss mo ko haha. But Liza, we've started as strangers, we've become friends and naging secret admirer pa kita" Biro ni Enrique at nagtatawanan ang mga tao. Pero mas maraming kinikilig. Tinabihan din ako ni Daniel.

"Liza. Tinanong mo ako nung isang gabi, kung gano ka ba kaespesyal saakin ? Hindi kita nasagot, dahil ako mismo. Hindi ko alam kung gaano. There's no word to express my feelings for you. Gusto ko kasing maramdaman mo, at ikaw mismo ang makasagot sa tanong mo. I love you and I wanna start our forever. Can you be my Happy ever after?" Tanong ni Quen at lumuhod pa.

"adik ka. may paluhod luhod ka pa. Akala mo naman kung ikakasal tayo ngayon" biro ni Liza.

"oo naman. doon din naman kasi ang tuloy natin diba?"

"ikaw ha? ginawa mo siguro to para hindi ako makatanggi sa proposal mo. kasi nasa harap tayo ng mga tao"

"grabe ka! hoy hindi ah. For your information miss Elizabeth Hope Soberano. I just want to make you feel special, and still-- It's up to you kung anong decision. I can wait"

"waaaaahhhh"

"grabe lang. ang sweet ni Quenito"

"awtsu. She's a lucky girl"

"sagutin na yaaaaan"

"pag di sinagot ni Liza yan, ako na ang aagaw kay Enrique"

yan yung mga reaksyon ng tao sa paligid. Nakakatuwa.

"Quen. Yes"

Sagot ni Liza at mukhang nagulat si Enrique dahil nanlaki ang mga mata nito.

"yes? as in ? yes talaga?"

"oo nga haha. ayaw mo ata"

"so girlfriend na kita?"

at tumango naman si Liza. Nakita kong sobrang saya ni Enrique dahil tumalon talon pa ito.

"guys it's a Yes. It's official! Girlfriend ko na siya" sigaw ni Quen at yumakap kay Liza. Kasabay naman nun ay ang pagpalakpak ng mga tao.

"grabe ang sweet nila. ang ganda ng Lovestory nila, nakakainggit naman" sabi ko. At naramdaman kong yumakap si Daniel mula sa likuran ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"wag kang maiinggit sa Lovestory nila. Dahil mararanasan mo rin yan pag naging tayo na" -Daniel.

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon