CHAPTER 28- SEALED WITH A KISS

248 2 0
                                    

Here comes the day. Busy na ang lahat sa pagpiprepare. Nandito na ang lahat sa isang hotel na malapit sa venue ng kasal. Busy sa pagmi make up ang mga babae, at busy ang lalaki sa pagpapapogi syempre.

May umiikot na cameraman para sa coverage ng video ng ikakasal na si Kathryn at Daniel. Hindi pa sila nagkikitang dalawa mula kagabi. Sa simbahan na uli sila magkikita mamaya. Halo halo ang emosyon ni Kath at DJ. Saya, Kaba, at Excitement.

Nasa isang kwarto ang mga babae at magkakasama rin ang mga lalaki sa isang kwarto para sa mas madaling pag-aayos nila.

" Enrique. Pogi ah" bati ni JC na kararating lang mula sa CR at nagpupunas pa ng twalya ng buhok nitong basa.

"syempre. masaya eh. masaya ako sa buhay ko. contented man" sabi nito Habang nakaharap sa salamin at inaayos pa ang buhok at kilay.

"wow. akala mo naman kung ikaw ang ikakasal ah" basag ni Lester.

"haha. oo masaya ako sa mga asawa ko eh" pagyayabang pa nito. Kumunot naman ang mga noo nila Seth. Isa ay dahil sa sinabi niyang ASAWA. Pero dahil narin sa sinabing MGA asawa. Halatang nagtataka ang mga nandoon, pati ang mga tao na busy kanina sa kani kanilang gawain ay halatang nagulat at nakay Enrique na ang atensyon. Lumapit agad yung isang cameraman kay Quen.

"Sir Enrique. Bakit ilan po ba asawa niyo?" tanong ng cameraman.

"hmmm. bale 16 po" natatawang sabi nito. Binatukan naman kaagad ni Lester yun.

"tol. may video oh. Lagot ka kay Liza" asar ni Katsumi.

"hahaha oo nga. bakit ba kasi" pagdidiin pa ni Quen na parang walang pakialam.

"Eh sir bakit po ang dami niyong asawa?" tanong uli nito.

"mangangako kasi ako nang 4 richer. 4 better. 4poorer and For worst. Kumpleto yaaaan" sabi nito at kumindat pa sa camera kaya tumawa nalang ang mga tao doon.

Sa simbahan ..

Maganda ang set-up ng simbahan. Napuno ng mga puti at dilaw na bulaklak. May mga crystals rin na nakasabit na dahilan para maging elegante ang dating.

May arko rin ng mga dilaw na rosas sa unahan ng aisle. Yellow kasi ang paborito ni Kathryn kaya yun ang ginawang motif ng kasal.

Isa isa nang naglakad sa aisle ang mga abay. ninong at ninang. Mga flowergirl. At ang mga kasama sa kasal, Naroon narin si Daniel sa dulo ng altar na halatang kabadong naghihintay.

Inimbitahan rin nila si Yeng Constantino para umawit pag naglakad na sa red carpet si Kath. Nang matapos ang paglalakad nila ay nakaabang na ang lahat ng tao sa pagbubukas ng malaking pinto ng simbahan na siyang magiging entrance ng bride na si Kathryn.

Bumukas na ito at nagpalakpakan ang lahat. Nakita na ang babaeng nakasuot ng napakahabang gown kasama ang nanay at tatay na nakatayo sa magkabilang gilid nito.

Nag umpisa na rin ang tugtog.

***A/N: Guys. Pakinood po yung video :) It's the video of the Kathniel Wedding. Mas okay pag makita niyo yun, para mas ramdam pag binabasa :) Thanks. ENJOY. ***

Sa pagpatak ng bawat oras ay ikaw
Ang iniisip isip ko, hindi na mahinto pintig ng puso
Ikaw ang pinangarap ngarap ko
Simula nang matanto na balang araw iibig ang puso

Nagumpisa ng maglakad mg marahan si Kathryn. Nakikita sa likod ng mga belo nito ay ang umiiyak na babae. Dulot ng kasiyahan. Na alam niyang sa dulo ay naghihintay ang lalaking mahal niya.

S(HE) BE(LIE)VEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon