Chapter 15: The Winner!

75 12 0
                                    

@@@Shin Lee@@@@@

Sa bawat suntok na tumatama kay Ate Naffy ay naiinis ako, na parang gusto ko siyang hilain sa ring at palitan siya pero ng makita ko ang mga mata niya ay bigla nawala ang inis ko, ang mata niyang nasisiyahan sa bawat suntok na tumatama sa kanya.

Pero bakit? Bakit lagi niyang tinatanggap ang mga suntok ni Keithlyn?.

Alam kong hindi madaling malapitan si Keithlyn dahil bilis ng mga galaw nito at dahil na rin sa mga natamong suntok ni Ate Naffy ay alam kong mahihirapan itong bumawi, pero bigla na lang sumugod si Ate Naffy at Sinuntok si Keithlyn, at sapol siya sa mukha!

Dahil nakasuntok si Ate Naffy ay nabuhayan ang mga Prince na icheer siya at ang mga Princess naman ay natahimik.

"Go Naffy! Tama yan! Ganyan nga"

" ipakita mo sa mga Princess na mas malakas tayo!"

"Go Naffy, go Naffy!"

"Para sa Prince Academy Naffy!"

Ayan ang mga sigaw nila, si Lim naman ay hindi makapagsalita sa nakita. Alam kong napansin rin nito na mabilis kumilos si Ate Naffy, na parang hindi ito bugbug sARAdo, na parang wala lang sa kanya ang mga pasa niya, dahil kahit ako ay hindi makapaniwala, na ang Ate ko ay malakas. Ang ate ko na akala ko ay isang lampa ay isang palang malakas.

"mukhang mas lalong umiinit ang labanan" wika ni Keon habang nakangiti.

"oo nga, tignan niyo si President Keithlyn, na kanina ay paeasy easy lang at Ngayon naman mukha na siyang mabagsik na hayop na gustong lapain si Naffy " wika naman ni Zyler.

Tama ang mga ito. Kung kanina ay nakakangiti pa si Keithlyn, ngayon ay hindi na.Dahil siguro sa lakas ng pagkakasuntok ni Ate Naffy sa kanya at dahil sa pagputok nang labi nito.

Siguradong seseryosohin na nito ang laban nila, hindi na ito magiging easy kay Ate Naffy, siguradong ibibigay na nito ang lahat ng makakaya niya.

Si Ate Naffy ay parang pagod na, pero kung titignan mong mabuti ay hindi pa, mukha lang siyang pagod pero hindi talaga siya pagod.

@@@@Keithlyn@@@@

Round 3 na kaya dapat mapatumba ko na siya. Hindi ako papayag na matalo niya ako, Ibibigay ko na ang lahat para mapatumba kona siya ngayong round 3.

Inunahan ko na siyang sumugod bago niya ko masugod, pero ng susuntokin ko na siya ay bigla niyang nailagan at sa pag- ilag niya ay sabay ng pagkawala nito ng suntok dahilan upang hindi ko ma ilagan.

Napaupo ako sa sakit, susugurin pa sana niya ako ng pigilan siya ng referee.

"kaya mo pa ba?" tanong ng referee at tumango ako.

Bigla ulit nagsign ang referee na tuloy ulit ang laban.

Susugod na ulit sana ako sa kanya ng may ibinulong siya sa akin.

"hindi pa yan malakas Keithlyn,pero mukhang matatalo ka sa mahinang suntok ko lang" wika nito sa boses babae na ikinabigla ko.

Ang boses na iyon, ang boses na iyon ang kinakatakotan ko sa lahat, pero paanong?........

Bigla niya akong sinuntok at unti unting lumabo ang mga paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

Naflyn Lee...

@@@@NAFFY Suarez/LEE@@

Hindi ko na pinatapos ang oras sa round 3 at pinatulog ko na siya dahil medyo nafefeel ko na rin ang pain sa mga pasa ko.

Nang sinabi ng referee na nanalo ako ay biglang nagsisigawan ang mga Prince at ang mga Princess naman ay umiiyak.

Bumababa ako ng ring at sinalobong ako sina Shin, Lim, Keon at Zyler.

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon