Chapter 18: Allergy

155 18 10
                                    

***NAFLYN***

"Doon ka na lang sa pangbabae kasi puno na rito" ani kuya sa akin.

Ayos! Swerte ko naman oh. Okey! Sa cr ng mga babae! hheeheh.

Palabas na sana ako ng cr ng biglang pumasok si Lim.

"Oh naiihi ka rin?" tanong ko rito ng makalapit ako rito.

"hindi..s-samahan mo nga ako sa kwarto namin ni Shin.." wika nito at ngayon ko lang napansin na namumula pala ang mukha nito at kanina pa ito kamot ng kamot.

"bakit?"

"May allergy ako sa maanghang eh" wika nito habang nagkakamot pa rin.

Anak ka ng pating naman Lim oh! Kinaen mo kasi iyong pizza ko. eh maanghang yon.

"oh tara na bilis, para maagapan yang allergy mo..may gamot ka ba roon?" tumango tango naman ito.

Pagdating namin sa kwarto nila ay agad kong pinuntahan iyong kinaroroonan ng gamot niya.

"Oh ito inumin mo na agad para matanggal na yang kati mo" wika ko rito ng mahanap ko iyong gamot niya.

Tinanggap naman nito at agad na ininom.

Ahmpft cute rin pala si Lim kapag medyo magulogulo ang buhok niya at kapag medyo namumula^¬_^.

Pagkatapos nitong inumin iyong gamot niya ay humiga na ito at ako naman ay kumuha ng maligamgam na tubig at pinunasan siya.

Ahmpft ganito ba talaga to pag naaallergy ?? parang nilalagnat..ang init kasi ng noo niya at pinagpapawisan pa.

"HMmmmm" ungol nito habang pinupunasan ko iyong kamay niya..

"hindi pa ba umaapekto yong gamot sayo?"

Umiling-iling lang ito at umupo sa pagkakahiga.

Grabe naman kasi..kanina niya pa ininom yong gamot pero hindi parin tumatalab..hindi pa rin nababawasan yong pula pula sa katawan niya. Parang kumakalat pa nga eh tsk.

Tsaka bakit ako ang nag-aalaga sa mukong na to? Nasaan na ba iyong mga kaibigan niya haist.

"Kailangan ko ng halik" wika nito sa mahinang boses.

"Halik?!" gulat kong tanong. Ano siya cinderilla na namatay at kailangan ng halik para mabuhay ulit? Upakan ko kaya to.pinagluluko yata ako eh..may allergy na nga eh

"isang halik ng babae" wika ulit nito.

"ganyan ka ba talaga kapag na-aallergy Lim? Namamanyak?"

"kapag hindi tumalab ang gamot ko..kailangan ko ng isang halik ng babae" wika nito na halatang nanghihina na.

Pakshet naman Lim! Ibang klase naman yang allergy mo! Saan ako kukuha ng babae rito?? Eh wala rito ang mga princess at nasa Princess Hotel sila!..Hindi naman ako makalabas para kumuha ng babae nuh..dahil malakas pa rin ang ulan!

Ano nga bang gagawin ko?..Ahmpft baka mamatay pa si Lim, kasalanan ko pa!...Oh Lord sabihin niyo sa akin..saan ako kukuha ng babae? Sabihin niyo sa akin..

"Lim" wika ko rito at tinitigan ko siya.

"hmmmmm" wika niya habang nakatingin rin sa akin.

"Ako na lang ang hahalik sayo" seryoso kong suggest sa kanya.

Eh babae rin naman ako di ba? No choice na ako..wala ng ibang babae rito sa Prince Hotel Maliban sa akin

.

Malapit ko na siyang mahalikan ng bigla niya akong itulak ng malakas kaya naman nahulog ako sa sahig.

"Sabi ko babae..hindi lalakE!" sigaw nito sa akin habang patayo ako.

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon