Chapter 14: Boxing

79 11 3
                                    

@@@@SHiN LEE@@@@@

“Anong naisipan mo at si Naffy ang inilaban mo kay President Keithlyn? Baka matalo tayo niyan tol? Lampa yan eh.” Wika ni Lim.

“Bakit?” tumingin ako sa kanya. “kaya mo bang suntokin ang isang babae?Si Naffy kasi kaya niya, eh ikaw?” tanong ko sa kanya.

Boxing kasi ang huling palaro namin, at dapat ako ang kalaban ni Keithlyn pero siya ang nagvolunteer na siya na lang daw ang lalaban kay keithlyn kaya wala akong nagawa. Gaya pa rin dati, siya pa rin ang laging nasusunod sa aming dalawa at kahit na ayaw ko man na siya ang lumaban ay wala akong magagawa dahil gusto nitong labanan si Keithlyn, wah! Ano ba yan! Paulit ulit ulit lang ang sinasabi ko tsk basta pag gusto niya, gusto niya kaya wala akong magagawa.

Hindi ako sigurado kung tama ba ang desisyon ko na pabayaan si ate Naffy na lang ang lumaban kay Keithlyn. Pero sana hindi, tinignan ko iyong binigay niya sa akin kanina, hindi pa rin ako makapaniwala na binigyan niya ako ng ganito, kaya siguro pinayagan ko siyang siya na lang lumaban kay Keithlyn dahil rito.

“nope, pero siguro naman sina Ace or Lesly kaya nila”

“wala sila rito, may pinuntahan sila”

“huh?saan naman sila pumunta?”

“ Kay Mr. Lance Abrogar, may sasabihin lang daw siyang importante kaya nauna na silang bumalik sa Academy.”

“ah ok, pero nan dyan pa sina Keon at Zyler ah” sabay turo nito kina Keon at Zyler na parehong hinihintay na magstart ang laban nina Ate Naffy at Keithlyn.

Bigla naman napalingon ang dalawa ng marinig ang sinabi ni Lim.

“Hindi ko kayang pumatol sa babae” ani Zyler.

“ako rin, pero kaya ko silang patulan sa kama.” Nakangisi namang wika ni Keon.

“Manuod ka na lang Lim, magtiwala ka na lang kay Naffy”. Wika ko naman

“Ano pa nga bang magagawa ko? Eh andyan na eh” sabay tingin nito kina Naffy at Keithlyn na magsisimula ng maglaban.

@@NAFFy SUarez/LEE@@@

pinayagan din ako sa wakas ni Shin na lumaban.

3 Rounds lang ang laro kaya dapat sa pangalawang round pa lang ay dapat mahina na ang kalaban mo para sigurado na ang panalo mo.

Kung matatalo man  ako ay magiging kahiyahiya ako sa lahat at syempre pati ang  Prince Academy.

Si President Keithlyn ang makakalaban ko kaya alam kong masaya ito. Alam kong malakas siya sa lahat ng Princess.

“Mas malakas ka ba sa President niyo at ikaw ang makakalaban ko?” tanong sa akin ni President Keithlyn ng nasa ring na kami.

“Maybe yes maybe no” sabay smirk ko.

Nagsmirk lang din ito then biglang sumugod sa akin ng mabilis at nailagan ko naman ito.

   Sa pangatlong suntok niya ay natira niya ako at sunod sunod na ng mga suntok ang  nakukuha ko sa kanya na hindi ko nasasangga.

“you're weak” dinig kong wika nito habang sumusontok. 

Natapos ang 1st round na hindi ako nakasuntok sa kanya at puro suntok sa mukha ang nakuha ko sa kanya.

“Putcha! Ang lampa talaga niya!” wika ni Lim na narinig ko.

“Naffy! Lagot ka sa amin pag natalo ka!” wika naman ng mga Prince.

Alam kong naiinis na ang mga Prince sa akin dahil hindi man lang ako nakasuntok sa kalaban sa  1st round at isa na roon si Lim na sobra  ng galit sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kong magagalit siya sa akin^^.

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon