@@@SHIN LEE@@@
Hindi pA rin akong makapaniwalang magaling si ate Naffy na kumanta at kahit na boses lalake ito ay kayang kaya niya itong abotin na parang sisiw lang sa kanya.
Saan kaya ito nagmana? Parang wala naman kasi akong kakilala sa pamilya namin na marunong kumanta at kahit nga ako ay hindi marunong kumanta eh.
“Grabe tol! Ang ganda ng boses ng kaibigan mo” wika ni Lesly na kanina pa nito bukambibig si ate Naffy simula ng umalis kami sa Music Club. “Sabihin mo naman sa kanya na turuan niya ako oh, gusto rin kasing gumanda ang boses ko” wika pa nito at nagsimula itong kumanta, iyong kinanta ni Ate Naffy kanina. Kung si Ate Naffy, ang ganda ng boses, si Lesly naman ay kabaliktaran. Para kasi itong kinakatay na manok tsk.
“Lumayo layo ka nga sa akin Lesly! Tsaka pwede ba” sabay lingon ko sa kanya “huwag kang kakanta?”
Huminto naman ito sa kakanta at umalis sa tabi ko, pero sina Lim, Zyler, at Ace naman ang kinukulit nito haist. Wala na talaga itong pag-asa.
Dada pa rin ng dada si Lesly pero ang mga kinakausap naman nito ay hindi nagsasalita o nagrereact man lang sa mga sinasabi niya at kahit hanggang sa makarating kami sa next subject namin ay dada pa rin ito ng dada kahit na wala itong natatanggap na response. Haist sabi ko sa inyo eh, wala na siyang pag-asa.
Ang next subject namin ay music. Kaya kanya kanya kaming mga dala na instrument.
Ang gamit kung instrument ay Flute, magaling ako sa air instrument at ang pinakagusto ay ang flute. At dahil hindi nga ako marunong kumanta ay dito naman ako bumabawi. Sabi nga nila Magaling ako pagdating sa flute.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ng music room namin ay agad kong pinatugtug ang instrument ko. Sa music subject kasi namin ay puro instrument talaga ang priority nila.
Nag-umpisa na rin tumugtog ang mga kasama ko, Si Lim- guitar..si Keon – violen..si Lesly—Drum..si Zyler—guitar..si Ace—Piano..
Magagling rin ang mga iyan at kami ang number 1 sa klase namin sa subject na Music.
Habang nag prapractice kami ay biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito si Ate Naffy kaya napahinto kami sa pagpapatugtug ng instrument.
“bakit ka nanaman nandito?” tanong ni Lim.
“Dito rin kasi ang next subject ko eh” wika nito.
Ano ba naman to, magiging classmate ko pa pala ito sa Music.
“kung dito ka, bakit wala kang dalang instrument, tsaka ano naman ang alam mong patugtugin.”—Lim.
“iyon oh” sabay turo nito sa Piano at violen na nasa gilid. “akin ang mga yan” wika ni Ate Naffy.
“Dalawa ang instrument mo?” tanong ni Lesly sabay lapit kay Ate Naffy.
“oo eh, pero syempre isa lang ang kayang kong patugtogin at a time”
“turuan mo naman ako oh, lalo na sa pagkanta” sabay kanta nanaman nito, ang kulit talaga nito, sabing huwag kakanta eh. Napapatingin tuloy ang mga classmate namin sa kanya.
“Wala ng pag-asa yang boses mo Lesly kaya tumahimik ka na pwede ba?” wika ni Keon na ikinasimangot ni Lesly.
Lumapit na si Ate Naffy sa mga instrument niya at nagsimula na itong magpatugtug.
BINABASA MO ANG
The Prince is a Princess
AléatoireIm a new student in Prince Academy... A school that all students are men... No girl's allowed... And only riches people could enter in this Academy... But im a girl.. A girl who want's to study at the boy's school.. I have a reason...a reason to stu...