Chapter 16 : exchange

68 8 0
                                    

>>>>>NAFFY<<<<

Anong oras na at malapit ng magdilim, ito na ang last night namin rito sa Baguio at ang balita ay may gaganaping party bago umalis.

Nakasandal ako sa puno ng biglang magsalita si Keithlyn sa harap namin gamit ang microphone.

"guys salamat at naging successful ang naging palaro natin at kahit na natalo kami,ng mga Princess ay natutuwa ako sa naging resulta, masaya kami ni President Shin Lee na nagsaya kayo sa palarong ito...." wika niya ".. at Dahil last day na natin ay magpapaparty tayo! At kakaibang party to dahil ang mga Prince ay magsusuot ng mga gown then ang mga Princess naman ay magsusuot ng panglalaki like toxido and Americana..Iyan lang ang masasabi ko sa inyo kaya iprepare niyo na ang isusuot niyo mamaya, No KJ's allowed, may punishment ang hindi sasali, salamat" pagtatapos nito then umalis na ito sa harap namin.

Bigla nag bulongan ang mga studyante at maya maya ay may sari sarili na silang mundo.

"Ano ba naman yan, magsusuot ako mamaya ng pangbabae" wika ni Lim

"ikaw lang ba? eh lahat naman tayo ah" ani naman ni Zyler

"oo nga, wala tayong magagawa, ang hindi raw kasi sasama ay may punishment" saad ni Lesly sabay nagpose ito na parang nilalamig .

"Bakit? " tanong ko sa kanya.

"mahirap kasing magbigay ng punishment yang si Shin na yan, masyado siyang brutal pagdating sa amin kaya ayaw naming maparusahan at dahil ayaw naming maparusahan ay kailangan na talaga namin maghanap ng masusuot para mamaya, kaya mauna na kami sa iyo" sabay alis ng mga ito.

Ahmpft nakakaexcite naman ito. Makikita kong magsusuot ng gown ang mga Prince hehhehe, Sa akin naman ay walang big deal dahil sanay akong magdamit babae, kasi nga babae ako remember? Ahmpft parang wala ring big deal kung magsusuot ng panglalaki ang mga princess di ba? Sa mga Prince ang may malaking problema dahil magsusuot sila ng high heels and dress hehhehe.Sayang nga lang at wala sina Ace at Lesly.

Kailangan kong paghandahan ang isusuot kong damit mamaya para masaya, may pagtatawanan pa ko mamaya.

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon