Chapter 5 :SAVIOUR

124 15 1
                                    

         ++(NAFFY POV)++

   Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ay makasalubong ko si Ace… kilala ko na lahat ang barkada ni Shin^^..classmate ko kasi sila sa Music, Remember?..except kay Lim kasi naman puro Lim ang tawag sa kanya..Eh Kuji pala ang name niya.

            Napatingin ito sa akin at nagsmile naman ako rito..alam niyo ba ginawa niya??..inisnob lang naman niya ako at nagpatuloy sa paglalakad.

            Snobber naman nun tsk.

Kasunod ko namang nakasalubong si Keon..

“Hello” bati niya sa akin at nagstop sa paglalakad. Buti pa to hindi snobber.

“Hi” balik bati ko rito.

“Wala ka ng klase?” tanong nito.

“yup..wala na”

            3 p.m palang kasi pero wala na kong klase at iyong ibang estudyante nagklaklase pa

“Tara tambay tayo roon” sabay turo nito sa canteen. Oh di ba, feeling close lang….

“oh sige tara”

            Pagkapasok namin sa canteen ay nag-order na rin kami ng makakaen namin. Bali hindi ako ang nagbayad ng kakaenin ko kasi siya ang nagbayad..ayaw ko sanang magpalibre, kaya lang mapilit eh.

“matagal na ba kayong magbabarkada ni Shin?” tanong ko rito.

“oo..since ng maging magkaclassmate kami..ahmpft mga 5 years na rin siguro” sagot nito habang umuiinom ako ng softdrinks.

“Eh kayo?”tanong nito

“Kami?..ah ano..childhood friend ko siya”

Tumango tango naman ito. “Ilang years din kayong hindi nagkita?” tanong nanaman nito.

“7 years”

“7 years? Ang tagal na rin pala…kaya ka siguro hindi nakilala ni Shin agad nung una kayong nagkita”

“oo nga eh..”

“pero bakit parang hindi kayo nagpapansinan?”

“Ah..ano kasi..alam mo na, matagal na rin kaming hindi nagkita kaya medyo may ilangan pa kami sa isa’t isa. “

            Hindi nga kami nagpapansinan ni Shin kasi naman snobber ito..hindi man lang ako kinakausap.

“sabagay, 7 years din naman” sabay kagat nito sa burger nito.

“matagal na bang president si Shin rito?” tanong ko rito.

“Ah oo, nung unang pasok niya palang rito eh siya na agad ang pinili na president ng Academy..kaya nga bilib ako sa kanya eh”

            For your information guys, ang mga studyante po ang nagvovote kung sino po ang magiging president ng Prince Academy..pero..ang may ari pa rin ng school ang nagdedecide kung sino ang gusto niyang magiging president ng Prince Academy..malabo po ba???..pakiintindi na lang..hindi ako marunong mag-explain eh^^.

            Basta, kapag sino nanalo doon sa vinote ng mga studyante ng Prince Academy ay dapat sang-ayon din iyong may ari ng Academy ,gets niyo na po ba..bahala na kayo dyan umintindi^^.

“Talaga?..bakit siya ang napili nila?”

“Kasi naman masipag siyang mag-aral, tapos malakas siya..kaya naman takot sa kanya ang mga studyante.”

“takot pala ang mga studyante sa kanya eh..di dapat madaming nagagalit sa kanya at hindi siya ang pipiliin nilang president”

            Make sense naman di ba? takot daw sila sa kanya, di malamang maraming galit rito..at kung maraming galit rito, bakit pa nila ito ibubuto as a president?..

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon