Naffy
After ilang minutes, nandito na kami sa mines view. Wew ang danda talaga ^_~..
"Uy papicture tayo don sa aso! Ang cute cute oh, ang laki laki" wika ko sa mga bata at sabay turo don sa asong malaki. 3 dogs.
"para ka namang bata" ani Park.
"uy, bata man o matanda, pwede magpapicture don. Tignan mo nga yang mga matatandang yan oh" sabay tingin ko don sa mga grupo ng matatanda na nagpapapicture sa aso.
Kaya hayon, nagpapicture kaming tatlo sa cute dogs. Tas tag-isa kami ng copy ^^ may remembrance na kami :0.
"Ano palang sasalihan nyo mamaya?" tanong ko kay Shaun na nagpipicture ng view.
"sa basketball kaming dalawa ni Jason, eh ikaw?"
"ah ewan ko pa, tsaka wala naman kasing sinasabi sa akin si President Lee kung may sasalihan ako >.
Eh sa hindi ko pa nga alam kung pasasalihan ako ni Shin, kasi naman wala man lang syang nabanggit sa akin kung isasali niya ako, unlike sa mga barkada nya at kina Shaun at Park, na alam na nila kung saan sila nakatuka hmp.
"Di sabihin mo sa kanya, yung sa amin kasi, automatic na...kasama kasi talaga kami sa Prince Academy Basketball team"
"Ah kung alam ko lang sana na ganito, sana pala sa umpisa palang naghanap na ako ng club na sasalihan ko para automatic rin na makakalaro ako ngayon" biro ko rito at ngumiti lang ito.
"Tara na, anong oras...malilate na tayo" ani Park, tinignan ko naman ang relo at 8:30 na.
"Okey" sabay naming wika ni Shaun at umalis na nga kami ^_^.
Napansin nyo ba? di na poker face si panda boy ^_^. Smiling face na sya, di na sya supladong tignan at hindi na rin nya binabanggit yung tungkol sa nangyari nung nabugbog sya ? :')
> Kuji Lim >
Yosh! Start na ng palaro, at kaming dalawa ni Lesly ang sasalang. At syempre may 3 pa kaming kasama. Bali 10 kaming tatakbo.
Hindi ko alam kung kakabahan ako o magrerelax, dahil mga babae ang kalaban namin.
Pero ang sabi kasi ni Shin, Seryosohin ko raw kasi hindi namin alam kung gaano kalakas ang mga princess.
Kung titignan lang naman kasi ang mga hitsura ng mga princess ay parang mahina ang mga ito, kumbaga parang pangpaganda lang ang alam nila at walang alam sa mga sports. Lalo na yung president nila, mukha syang anghel, pero may pagkadevil sa loob, tulad ni Shin hihihi.
"Hi Lim, first pala kayo ni Lesly na mag lalaro" ani Naffy ng makalapit ito sa akin.
"Ngayon?"
"good luck" sabay ngiti nito.
Hindi ko mawari kong naggugood luck nga ito o nang-iinis lang, sa mukha nya kasi ngayon, parang ewan. Parang may mali sa kanya, parang nakakaloko ba. Pero tinignan ko lang sya at hindi sumagot sa sinabi nya.
"Tumawag pala si Doc Kim, at pinapasabi nyang 'good luck kuji! Huwag kang matatalo huh, kasi pag natalo ka, may gift ka sa akin, sampung kiss Kuji'" wika nito habang ginagaya yung pananalita ni Doc Kim at napangiwi naman ako . "Pag nanalo ka naman, asahan mo, babawasan ko na ang pang-aasar sayo. :* muah good luck Kuji hihihi para sa Prince Academy" tuloy pa nito.
"Ako ba pinagloloko mo?"
"Hindi ah, actually kakatapos lang naming mag-usap nung nakita kita, kung gusto mo pa nga tawagan ko sya at tanungin mo kung nagsisinungaling lang ako o hindi eh" sabay pakita nya sa akin ng cellphone nya.
BINABASA MO ANG
The Prince is a Princess
RandomIm a new student in Prince Academy... A school that all students are men... No girl's allowed... And only riches people could enter in this Academy... But im a girl.. A girl who want's to study at the boy's school.. I have a reason...a reason to stu...