Chapter 6: Flirt!

78 11 0
                                    

###Doc Kim####

            May ginagawa akong something ng biglang may nagdoorbell.

Oh sina Lim, Naffy at isang boylet ang nagdoorbell.

“Tuloy mga boys” wika ko  sa mga ito.

            Ahmpft saan naman galing ang tatlong ito at parang nakigira..

Itong Naffy to, nakikipag-away na, eh kabagobago pa lang tsk

“oy, anong tinitingin tingin mo dyan” tanong ni Naffy sa akin ng mapansin niyang nakatotok ang paningin ko sa kanya. umiwas naman ako.

“Hoy, ano pang tinutunganga mo dyan? Gamotin mo na ang isang to” utos ni Lim.

“Okey my dear” wika ko rito sabay flying kiss ko rito.

            Inuna kong ginamot iyong lalake, tapos  si Naffy..tas last si Kuji.

“ano bang nangyari sa inyo Kuji?” wika ko kay Kuji habang ginagamot ko iyong braso niya.

“Wala ka na don” wika nito. Tsk kahit kailan talaga suplado nito tsk.

“Anong sabing nangyari eh?” sabay diin ko sa braso niya na may pasa.

“ARAY! Ano ba?!”

            Tinignan ko si Naffy na nakahiga dahil masakit raw ang likod nito. Si Naffy sana ang tatanungin ko, kaya lang hindi naman yan sasagot ng matino kahit na anong gawin dyan eh tsk.

“sasabihin mo oh hindi?” tinignan ko to ng masama at hinigpitan ko yong kamay ko sa braso niya.

            Sorry Kuji, kahit na type kita..kailangan ko pa rin tong gawin sayo para magsalita ka ^^ tsismosa ako eh^^.

“oo na! sasabihin na”

            Sasabihin rin naman pala eh^_^.

“Ganito kasi ang nangyari, naglalakad ako ng mapansin kong may tao doon sa likod ng building kaya naman tinignan ko kung sinong naroon at ayon nga, nakita ko ang mga to” sabay turo nito sa dalawang nakahiga. “at sakto ang pagdating ko dahil hahampasin na sila, kaya naman tumakbo ako agad papunta sa kanila at sinangga ko iyong ipapalo sana sa kanila gamit ang braso ko then ng makita ng pumalo sa akin ang mukha ko ay bigla na itong tumakbo tas sumunod iyong mga kasama niya..iyon ang nangyari..oh ano masaya ka na?..alam mo na ang nangyari”     

“Oh ayan tapos na” wika ko naman sa kanya ng matapos kong gamutin iyong braso niya..tumayo ako papunta kay Naffy pero bago ako pumunta kay Naffy ay huminto muna ako side ni Kuji at ibinulong ko sa kanya ang “hindi pa ako masaya, pero alam mo kung ano ang magpapasaya sa akin” sabay blow ko sa tenga niya.

            Napaatras naman ito sa akin at tinignan ako ng masama.

“lumayo ka nga sa akin” wika nito.

“Bakit ba ayaw mo sa akin Kuji? Maganda naman ako, sexy” sabay kawit ko ng kamay ko sa leeg niya tapos medyo nilapit ko iyong mukha ko sa kanya. “malaki naman ang boobs ko” sabay tingin ko sa boobs ko na kita ang cleavage at napalingon din ito roon at napaiwas agad. Ahahaha blush si Lim, how cute?..

“lubayan mo nga ako!” sabay tanggal nito sa kamay ko na nakalawit sa leeg nito. Tapos umatras ito palayo sa akin.

“Dyan ka lang” turo nito sa akin ng humakbang ako palapit sa kanya.

“Bakit ayaw mo sa akin Kuji?” tanong ko ulit rito gamit ang seducing voice ko^^. “dahil ba bakla ako?”sabay hakbang ko ulit papunta sa kanya.

“Sabing dyan ka lang eh!, gusto mo yatang mabugbug?!” sabay atras ulit nito.

“mabugbug??..sige ba..bugbugin mo ako sa halik mo..muawh” sabay lapit ko ulit sa kanya at malapit na talaga ako sa kanya.

“EW!” sabay karipas nito ng takbo papunta sa pinto at agad na lumabas ng clinic.

            Ahahahh ganda talaga niyang asarin..kaya gustong gusto ko siya eh.

Lumapit ako kay Naffy na natutulog at tinapik ko iyong likod niya na masakit  raw. Bali nkahilata ito

“Aray naman Kim!” sigaw nito.

“Kung makaaray wagas tsk”

“Natutulog ako kaya huwag kang magulo”

Pinalo ko ulit ito sa likod.

“ano ba?” wika ulit nito.

“umalis ka na dyan, pwede ba?” sabay hampas ko ulit sa likod niya

“ganyan ka ba mag-asikaso ng pasyente mo? Minumurder mo?”

“ayaw mo talagang umalis ah”  hinawakan ko iyong kamay niya at hinila ko, kaya ayon nahulog siya sa kama hehehe.

“problema mo ba?” wika nito habang tumatayo. “masakit pa ang likod ko!”

“masakit?” lumapit ako ulit rito at tinapik ng malakas iyong likod niya. Then bigla siyang napasobsob sa sahig hehehe. Ay mali, ako pala ahaha^^ ako ang napasobsob sa sahig kasi pagkatapos kong tapikin yong likod niya eh bigla niya akong sinuntok.

“Naffy! Ang mukha ko! sinisira mo!” sabay tayo ko at sumugod rito. Umilag naman ito

“Hanggang dyan ka na lang” wika nito sa akin ng susugod nanaman sana ako sa kanya. “eh?” wika ko

“aalis na ko gaga” tumingin naman ito don sa lalaking natutulog “ikaw na bahala dyan sa boylet” tapos umalis na ito sa clinic.

            Tinignan ko naman yong boylet, ang himbing ng tulog..ahmpft masiyasat nga ahahaha..

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon