Chapter 8 :the secret has been discovered

94 13 1
                                    

>>>>>>Naffy+++

Pagkapasok na pagkapasok ko sa Gym ay agad kong napansin na may pinagkakaguluhan ang mga prince. Kaya naman lumapit ako at nakisiksikan sa mga ito para makitsismis na rin.

Guest What and, Guest who ang pinapalibutan ng lahat readers!....Si bakla! My bestfriend doc Kim, nakatayo sa gitna ng mga prince at may kaharap na isang  prince. And mukhang may ginawang di maganda si Baklita para magmukhang mabangis yung anyo nung guy, while pangisi ngisi pa sya.

Nu kayang nangyari? Chikaminute time!

   “Huwag mo kong subukan bata, baka hindi mo magustohan ang magawa ko sayo” ani Doc Kim.

Anla! Mukhang mabigat ang kasalanan nung prince para pagsabihan sya ni baklita ng ganun.

“Tinatakot mo ba ako?” wika naman nung guy tas nagclosefist.

Mukhang magsusuntokan pa yata ang mga to ah.

Panibagong record to kung nagkataon :D doctor ng paaralan nakikipag-away ba naman sa estudyante xD.

“Hindi kita tinatakot, sinasabi ko lang sayo kung ano ang kaya kong gawin” sabay smirk ni baklush.

Pero bat kaya nang-aaway si bakla, and take note! Madaming nakapapanuod at nakakarinig ng away nila!

“Ano ba sayo kung mabunyag man ang identity nya?” wika ulit nung guy.

Mabunyag? Ang Identity? Sino kaya? Di lang pala ako rito ang nagtatago ng identity dito sa Prince Academy. Kawawa naman yong taong yun kung sakaling mabunyag man yung totoong identity nya ahmp

“ah oo nga pala, bestfriend mo sya” wika nanaman nung prince sabay smirk.

Bestfriend? Ni Doc Kim? May bestfriend pa bang iba si bakla, maliban sa akin? Bat hindi ko yata alam yan? Ahmpft humanda kang bakla ka mamaya.

“If I knock you now, will you shut up?.” Ani bakla sa seryosong mukha. Then bigla namang napaatras yung isang paa nung guy. Patay kang bata ka, seryoso na mukha ni Kim.

“Pag ba napatulog kita sa isang suntok lang as a warning, ititikom mo na ba yang bibig mo?” dugtong pa ni Kim.

Bigla namang pumorma yung guy na susuntokin si Kim sabay sabing

“Kung kaya mo” Then sinuntok si Kim, kaya lang  sinapo lang ni Kim yung kamay nung guy. Bali hawak ni bakla yung kamao nung guy.

“malayo ka pa sa akin” ani Doc Kim then nakita kong ginalaw ni bakla yung isang kamay nya para suntukin yung bata.

Naawa naman ako doon sa guy, kaya naman agad kong pinigila si bakla. Hinawakan ko kaagad yung braso nya na ipangsusuntok nya. Hindi nya pa masyadong naitaas yung kamay nya kaya hindi pa masyadong nahalatang susuntokin nya na sana yung guy kung di ko sya nahawakan.

Binitawan nya ang kamao nung guy.

“Ano bang ginagawa mo? Nakakalimutan mo na bang Doctor ka dito? Bakit ka nakikipag-away sa isang estudyante?” bulong ko rito.

“inaayos ko lang ang dapat maayos” bulong din nito at lumapit ito kay guy at may binulong.

“Pasalamat ka Mr. Park at dumating si Naffy, dahil kung hindi, baka tulog ka na ngayon tsk” sabay alis nito.

Nagsialisan na rin ang mga princes, hindi na sila kumpol kumpol. Tinignan naman ko naman yung guy at nakatingin rin ito sa akin habang nakasimangot .

“Ano bang ginagawa mo rito?” wika nya sa akin at umalis sa harapan ko.

“Ano bang ginagawa mo rito?” ulit ko sa sinabi nya, ang weird naman ng tanong nya.

Pero di bali na, kailangan ko pang makausap si baklush..

Tumakbo ako kung saan pumunta si bakla. Then after 2 mins ay naabutan ko sya.

“Saandali lang Kim!” lumingon ito sa akin at tumigil sa paglalakad.

“Ano bang ibig mong sabihin na  inaayos mo lang ang dapat maayos?” agad kong tanong.

Feeling ko kasi, napakaseryoso nun para maging seryoso si Kim kanina, kahit na napapaligiran sya ng princes. Siguro, hindi lang yun ordinaryong problema.

“Naffy…” wika nya tas yung mga mata nya. Gosh! Teary eye!

(O_O)

“sORry”… teary eye pa rin sya. Di ko sya gets. Bat sya naiiyak and bat sya nagsosorry  sa akin? Ala naman syang kasalanan sa akin ah. “…Narinig nya eh…alam nyang babae ka”

--______-- ????

Ansabe? May sinabi ba sya?

“Sorry tlaga best!” sabay hawak nya sa kamay ko. Ako nakatanga lang, kasi hindi pa rin nagsisink sa utak ko yung sinabi nya. “nakalimutan ko kasing may pasyente pala ako nung nag-usap tayo sa clinic, and narinig nya lahat…alam nyang babae ka…alam nyang di ka boy…at gusto nyang sabihin sa lahat na babae ka best!”

(o_O) anla

(O_O)patay ako nito.

Kaya pala! Sinabi nya sa aking “Ano bang ginagawa mo dito?” so yun pala ang dahilan.

Tinignan ko si Kim, pumatak na yung luha nya. “Bakit ka umiiyak? Hindi ka ba nahihiya na baka may makakita sayong prince na umiiyak?” naiira kong wika dito.

“Eh kasi naman eh…” sabay hila nya pababa yung kamay ko. “baka parusahan mo ko, baka suntokin mo nanaman ang beautiful face ko huhuhu T_T”

“Tumahimik ka nga bakla! Baka di kita matansya at totohanin ko yang sinasabi mo” tinignan ko sya ng masama. Wala ako sa mode ei.

“Ito naman!” sabay bitaw nya sa kamay ko.

“Dyan ka na, may aayusin pa ako” wika ko dito sabay takbo ulit papunta kay Mr. Park. Mahirap na at baka kinakalat nya ng babae ako at hindi totoong lalaki.

****************************-*

AUTHOR: oh ano? Comment ka nman..

basta be updated puh! Tnx

La akong masabi eh >.< yn lng muna

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon