Chapter 1: NAFFY SUAREZ (a new student)

333 21 2
                                    

Narito ako ngayon sa harap ng gate ng bago kong School, ang Prince Academy.

4th year na ako sa taong ito at nag transfeer ako rito dahil gusto ko^^.

Sa Prince Academy ay puro mga lalake ang mga estudyante at puro may kaya, pero ako? Hindi. isa lang akong scholar.

Jokeliling lang po..Mayaman din po ako iyon ngalang at may scholar pa rin ako di tulad ng iba dyan na binabayaran lang ang grade..hehehe

Napansin ko rin na puro sila may hitsura, pero syempre padadaig ba naman ako? No way, kung hitsura lang din naman ang pag uusapan hindi ako pahuhuli heheh yabang no? pero totoo^^.

"He's cute and I think he's a new student of Prince Academy" sabi ng isang babaeng foreigner sa mga kasama nito at sa tingin ko ay ako ang tinutukoy nito.

See? May hitsura ako sabi ko sa inyo eh. Cute ko daw oh ahahhaa.

Kung nagtataka kayo kung bakit may babae, kasi nasa harap pa naman ako ng gate ng Prince Acamedy di ba? So it means pwede ang mga babae sa labas pero bawal sa loob ng Academy.

Nakapasok na ako ng Prince Academy ng biglang may kumalabit sa akin.

"Excuse me, pero bago ka lang ba rito?" tanong ng lalaki sa akin at tumango naman ako

"so same lang pala tayong dalawa, tara sabay na tayong kunin yong uniform sa Prince office ." yaya nito.

Ang totoo nyan kasi ay sa Prince office na din ako patungo dahil may kumuha na ng mga bagahi ko pagkapasok ko pa lang sa gate at sinabihan akong kunin ko na raw ang uniform ko bago pumunta sa kwarto ko.

Binigyan naman ako ng susi nong manong na kumuha ng mga bahagi ko at ito raw yong susi ng magiging kwarto ko. Sinabi na rin niya kong saang banda iyon.

Dahil mukha namang mabait tong lalaki ay pumayag na rin akong sabay kaming pumunta sa office at dahil nagmagandang loob naman itong magsabay kami ..and at least may kasama na ako.

Hindi pa kami nakakarating sa Prince office nang may humarang sa aming mga lalake.

"Siya ba iyong bago Lim?" tanong nong may kulay na buhok sa kasama ko at tumango naman ito bilang sagot.

Hindi po bawal sa Prince Academy ang kulay ng buhok, mahaba ang koko, kung ano anong style ng damit, etc. basta ba malinis kang tignan at syempre dapat bagay sayo dahil kung hindi at nakita ka ng may ari ng Prince Academy at ng President or Vice President ng Prince Academy ay sisitahin ka nila at may punishment.

So Lim pala siya...pero bakit may kakilala na siya? Kala ko ba bago lang din siya?

Oh yeah, kahit 10 minutes ko na siyang kasama ay hindi ko pa tinanong ang name niya at hindi man lang nito nabanggit at syempre pati ako hindi ko sinabi ang name ko sa kanya ..kaya fair lang yon.

"Na check mo na ba iyong Background niya?" tanong naman nong Emo.

"Naffy Suarez ang name niya" sagot ng kasama ko.

"Ay wait lang, bakit mo alam ang name ko? Hindi ko naman sinabi ang name ko sayo ah tapos anong pinagsasabi ng emo na yan na nacheck mo na ba ang background ko huh?"

Naguguluhan kong tanong.

"Tapos?" tanong nung lalaking may kulay ang buhok na hindi man lang pinansin ang tanong ko.

"Wala na, iyan lang ang nahanap nilang info about sa kanya" sagot ulit ni Lim.

Abat,inignore ang presence ko..ano ako dito hangin? Tsk

" pangalan lang? walang address, kung saang school galing, ilang taon, family business...mga ganyan, wala?" tanong naman nong pangalawang emo.

"yup.."sabay kamot ni Lim sa batok nito " wala talaga silang mahanap na info sa kanya eh except his name lang."

Buti nga sa inyo ahahaha..

"Anong klaseng imbestigator yang kinuha mo Lim? Wala man lang nakuhang Info about sa kanya" sabay turo sa akin ni Long hair.

"tatlo na ang binayadan kong nag imbestiga sa kanya pero wala talaga, puro name lang niya ang sinasabi nila at wala ng iba."

"ganun ba?" sabay hawak nung lalakeng may kulay sa buhok sa baba nito na parang nag-iisip.

Maya maya ay bigla itong lumapit sa akin at tinignan ako ng masama.

" Ilang taon ka na? saan ka nakatira? Sino mga magulang mo?anong business nila?saang school ka galing ?" non stop na tanong nito bigla sa akin.

"easy lang tol, mahina ang kalaban" sabay taas ko ng kamay ko na nagsasabing hinay hinay lang. "tsaka it's none of your business" dugtong ko tapos nag smirk.

"abat inuubos mo ang pasensiya ko ah"

Akmang susuntukin niya na ako ng mag salita iyong lalaki na nakasandal sa may puno na hindi ko napansin na may tao pala roon.

"Wala kang mapapala kahit suntukin mo siya Lesly" wika ng lalakeng nakasandal sa puno.

"Shin" wika ng lalakeng susuntokin na sana ako habang nakalingon don sa lalakeng tinawag niyang Shin.

Shin?..

" Shin! Ikaw nga si Shin!" sigaw ko habang papalit sa kanya at tinuro turo ko siya.

Ito naman ay parang nagugulohan at biglang kumunot ang noo nito samantalang ang mga kasama nito ay tumahimik.

"Ikaw nga si Sh---"

Biglang naputol iyong sasabihin ko dahil bigla niya akong sinikmurahan. Oo, sinuntok niya ako sa tiyan.

"S-shin" ulit ko sa pangalan niya habang namimilipit sa sakit.

"Tara na, huwag niyo ng alamin ang background niyan." Ani Shin after niya akong suntokin.

"Pero paano-----" magproprotesta pa sana si Lim ng magsalita ulit si Shin

" Kilala ko siya kaya huwag niyo ng alamin ang background niya" ani Shin

"Eh?" ----ani ng limang lalaki.

Sumunod ang mga ito kay Lim ng mag march na ito palayo sa kinaroroonan ko.

Parang si Shin ang Leader sa kanila ah...

@@SHIN LEE@@@

Shit, bakit nandito si ate Naffy?...

"Shin kaibigan mo ba talaga iyon?" tanong ni Lim.

"oo nga sabi eh"

"Sana pala sinabi mo na sa akin nong pinakita ko sa inyo iyong picture niya para hindi ko na pinacheck iyong background niya tska sayang iyong pinangbayad ko sa nagcheck ng background niya eh." Ani Lim

Chenicheck namin iyong background ng mga bago rito sa Prince Academy para alam namin kung kaya namin siyang pagtripan dahil baka mahirap na at baka mas mayaman ang magulang nila kaysa sa amin at baka mapatalsik pa kami kahit na ako pa ang president ng Prince Academy at kahit na puro matataas ang role ng mga tropa ko.

Mahirap kumalaban ng taong mas makapang yarihan sayo. Kahit na alam namin ang yaman ng aming sari sariling pamilya ay alam pa rin naming mag kakatropa na may mga mas mayayaman pa rin kesa sa amin ..kaya mas mabuti ng maging maingat.

"Eh sa hindi ko siya nakilala eh" sagot ko at humiwalay na ako sa kanila dahil alam kong maraming tanong ang sasapitin ko sa kanila pag hindi pa ako lumayo sa kanila.

"saan ka pupunta Shin?" tanong ni Lesly, iyong emo nung medyo nakalayo na ako sa kanila.

"Pupunta na ako sa kwarto ko, magpapahinga lang ako" sabay kaway ko sa kanila bilang paalam.

Nang nasa kwarto na ako ay humiga ako sa kama ko at inisip iyong nangyari kanina.

The Prince is a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon