Chapter 4

64 2 0
                                    

Heiden's POV

"Heiden?!"Si Zac.

"Oh saan ka galing? Bakit ngayon ka lang ha? Bakit hindi ka pumasok kanina?"Tuloy-tuloy kong tanong pero salubong lang yung kilay niya.

'Ano na naman ba problema ng ugok na 'to?'

"Mag-sorry ka"Seryoso niyang sabi na ikinakunot naman ng noo ko.

"Kanino naman ako magso-sorry?"Kunot noo kong tanong. "Alam mo naman na sila ang nagso-sorry sakin at hindi ako!"Inis na sabi ko sa kanya at saka ako napasandal sa upuan. Bumalik naman si Troy at nagulat naman siya ng makita si Zac.

"Oh Zac, ikaw pala"Nakangising sabi ni Troy pero tinignan lang siya ng matalim ni Zac kaya napatikom na lang siya ng bibig at umupo na lang.

"Tsk! Kumain ka na oh"Singhal ko naman na sabi kay Zac pero nakatayo pa rin siya at salubong na salubong ang kilay.

Napapikit naman ako dahil sa inis at hindi na lang siya pinansin at napansin ko na lang siya na umalis na siya sa tabi ko at nakita ko siyang lumapit kay Athena.

d-.-b

Napasingkit naman yung mata ko ng makitang ngumingiti si Zac kay Athena.

"Yan ang may taste tsk!"Rinig kong ngising sabi ni Troy kaya napatingin ako sa kanya habang nakakunot noo.

"Anong taste sinasabi mo diyan ha!? Tignan mo nga kungakangiti si Zac kay Athena parang type niya!"Inis na sabi ko pero ningisihan niya lang ako.

"Eh ano naman kung type niya si Athena? Maganda naman si Athena ah? Ikaw lang 'tong walang pinipili kahit babae na malandi pinapatulan mo! Eh mga obobs naman hahahaha! Look... si Athena maganda at matalino kay siguro naging type ni Zac atlis may taste siya haha"Sabi ni Troy na sinabayan pa ng malakas na tawa.

Napailing-iling na lang ako at hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ako.

Athena's POV

Nabubwesit ako sa Heiden na yon at kailan ba matatapos ang buhay ko ng kasama ko yung lalaki na yon?! Tsk! Kung magta-transfer siguro ako sa ibang school baka sumunod pa yun dahil ako lang naman lagi ang trip non sa buhay!

d>>__<<b

Naglalakad ako ngayon pabalik ng classroom namin at sa tuwing naiisip ko yung kalokohan na ginagawa sakin ni Heiden naiinis ako at mabuti na lang matino-tino pa si Zac kesa sa kanya! Si Troy naman okay naman din yung ugali niya pero ang nakakainis talaga dun ay si Heiden Montero!

Ang sarap niyang tirisin na parang kuto! Arghhhh! Nakakainis!
Napatigil naman ako sa paglalakad ng biglang may nagsalita sa speaker at si Miss Manansala.

"All students of Brentwood College University!? Please, go to the gymnasium"Anunsyo ni Miss Manansala.

'Bakit naman pinapapunta ni Miss Manansala ang lahat ng students ng Brentwood?'

Napabagsak na lang ako ng balikat at saka na lang ako nagpunta ng gymnasium at napansin ko naman yung mga ibang students na nagtatakbuhan papuntang gymnasium.

Nung nakapasok naman na ako sa gymnasium at mga nakatayo naman kami ngayon habang nakatayo naman si Miss Manansala sa may taas ng stage habang hawak ang mic.

"Kaya ko kayo pinatawag dahil may importante akong sasabihin blah blah blah"

Hindi ko na pinakinggan ang sinasabi ni Miss Manansala at iginala ko na lang ang mga mata ko para hanapin si Zac. Bigla ko kasi naalala na sinabi niya sakin na wag ko na lang pansinin si Heiden at wala lang daw talaga yun magawa sa buhay.

My badboy loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon