Athena's POV
Nasa rooftop kami ng school ngayon at malapit ng lumubog ang araw. Pinapanood namin pareho ang papalubog na araw ng magsalita si Heiden.
"Ilang linggo na lang diba tapos na ang pagpapanggap natin? Pero hindi na yon magtatagal pa dahil simula ngayon tapos na ang laro"Biglang seryoso niyang sabi dahilan ng pagkagulat ko.
Hindi ko siya nilingon at nakatingin lang ako sa araw na papalubog.
"Naalala mo naman siguro na kapag tapos na itong pagpapanggap natin wala ng pansinan diba? Huwag mo akong lalapitan at kakausapin. Lahat ng sinabi ko sayo walang katotohanan yon kaya sana wag mong seseryosuhin"Patuloy niya pa.
Parang bigla naman natusok ang puso ko sa huli niyang sinabi na walang katotohanan ang sinabi niya.
Pansin ko rin na seryoso na siya magsalita simula kanina pa lang pero mas pansin ko na parang naiinis siya sa akin.
"Lahat kalimutan mo na. Kalimutan mo rin na ako. Basta lahat ng sinabi ko walang katotohanan at hindi totoong gusto kita"Pagkatapos niyang sabihin yon hindi ko maramdaman ang sarili ko kung matutuwa ba ako dahil sa wakas tapos na rin itong pagpapanggap o malulungkot ba ako dahil hanggang dito na lang.
Sana laro na lang ito pang habang buhay dahil sa laro na 'to nararamdaman ko ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
Gusto ko rin umamin ng nararamdaman ko sa kanya pero wala ng pagkakataon para umamin dahil hindi naman pala totoo ang pagmamahal na pinapakita niya.
Hays! Bakit ba parang naiiyak ako? Wala naman kami kaya hindi ko kailangan umiyak!
Pinilit ko naman magsalita kaso walang lumalabas na salita.
"Hindi na kita ihahatid...mag-ingat ka na lang sa pag-uwi mo, aalis na ako"Paalam niya at saka na siya tumalikod. Hindi ko siya nilingon pero rinig ko ang mga yapak niya na unti-unting nawawala.
Napayuko na lang ako ng biglang may luhang tumulo sa mga mata ko kasabay non ay bigla na lang may pumapatak na tubig kaya napaangat ako ng ulo at umaambon pala.
Pinunasan ko na lang ang luha ko at umalis na lang din ako sa rooftop na yon at uuwi na lang ako. Sumakay naman ako ng bus. Isinandal ko naman ulo ko sa bintana ng bus ng biglang bumuhos ang malakas na ulan na parang sumasabay sa nararamdaman ko ngayon.
Alam kong hindi pa ako umaamin sa kanya pero ramdam ko na ang sakit.
Ilang saglit pa ay nandito na rin ako sa waiting shed ng village kaya tumayo na ako at akmang baba na sana ako ng maalala kong wala nga pala akong dalang payong.
Napahinga na lang ako ng malalim at sasalubungin ko na lang ang malakas na ulan.
Pagkababa ko ng bus ay agad akong tumakbo sa guard para makisilong.
Mga 20 minutes pa ang tinagal ng ulan at sobrang lakas pa rin ng buhos nito. Natulala naman ako bigla ng may pamilyar na kotse ang papasok ngayon at alam kong kay Heiden yon.
Napayuko naman ako at iniisip ko na lang na bigla niya akong mapapansin at isasabay kaso hindi yon nangyari dahil dumeretso lang yun pumasok at hindi manlang nagbusina o buksan ang bintana.
Ano pa ba ineexpect ko?
Alas-siyete na ako nakauwi sa bahay saka lang humina ang ulan at patak patak na lang. Pagkapasok ko naman sa bahay nakita ako ni mama na nanonood ng tv.
"Bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?"Nag-aalalang tanong ni mama. Ngumiti naman ako ng tipid.
"Kumain na po ako"Pagsisinungaling ko."Akyat na po ako"Paalam ko saka na ako umakyat at agad na nagkulong sa kwarto.
BINABASA MO ANG
My badboy lover
Genç KurguSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...