Chapter 10

56 1 0
                                        

Heiden's POV

"Heiden?! Heiden?! Nandito na sila!"

"Sinong sila? Teka paano mo nalaman na nandito ako?"Takang tanong ko kay Troy. Hays! Kahit malaki pa 'tong school makita't makikita ka pa rin! At saka alam ko naman na hindi ka lalayo pero alam mo ba na nandito yung mga ex mo at ang dami nila mukhang susugurin ka!"Sabi ni Troy at para siyang tanga na natatakot.

Napangiwi na lang ako at saka tumingin ako kay Athena kaso nakakunot noo siya.

"Iiwan ko na kayo dito"Seryoso niyang sabi at akmang pipigilan ko naman siya ng bigla na siyang umalis.

Nagulat naman ako ng bigla akong hilahin ni Troy."Alam mo ba si Zac parang tanga!"Bulong na sabi ni Troy.

'Bakit ba siya bumubulong diyan eh wala naman tao dito maliban samin dalawa!?'

"Bakit?"Kunot noo kong tanong.

"Eh paano ba naman ang sabi ko nakita ko yung mga ex mo pero alam mo kung ano ang sinagot niya?"

"Ano?"

"Huh? Mga ex ba ni Heiden yan? Bwahahahahaha! Yan yung sinabi niya tapos bigla siyang tumawa diba parang tanga?"Sabi ni Troy pero napakunot noo lang ako.

"Nasaan na ba si Zac?"Kunot noo kong tanong pero nagkibit balikat lang siya.

Napahinga na lang ako ng malalim."Hays! Tara na, lumabas na tayo..."Sabi ko na lang at nauna na akong naglakad. Naramdaman ko naman na sumunod sakin si Troy na lumabas ng library.

Iginala ko naman ang mga mata ko pero wala naman akong makita na mga ex ko kaya napatingin ako kay Troy.

"Nasaan yung mga ex ko na sinasabi mo?"Kunot noo kong tanong. Iginala niya rin yung paningin niya atsaka tmingin sakin.

"Ewan ko"Sagot niya. Napabuntong na lang ako at saka nagpatuloy na lang sa paglalakad. Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad ay biglang nagsalita si Troy.

"Bro, mauna ka na ah... mag-ccr lang ako"Paalam na sabi ni Troy kaya napatango na lang ako.

Umalis naman na si Troy para mag-cr at naglakad na ulit ako. Bigla naman ako napatigil sa paglalakad ng bigla kong nakita si Athena na nakatalikod at parang may inaantay dahilan bigla na lang ako napangisi at saka lumapit sa kanya.

"Ako ba yung inaantay mo?"Nakangisi kong tanong habang nakatalikod pa rin siya sakin. Napaharap naman siya at halatang nagulat sakin.

"At sino ka ba para antayin ko ha!? Wag ka ngang feeling diyan dahil si Zac yung inaantay ko!"Masungit na sabi niya dahilan bigla akong napasimangot dahil si Zac pala yung inaantay niya at hindi ako!

d>>__<<b

Teka? Ano bang pake ko!?

"Tsk! Edi sa kanya ka na lang! Bahala ka na nga sa buhay mo!"Inis na sabi ko at saka ko siya tinalikuran at akmang hahakbang na ako ng bigla siyang nagsalita.

"Hoy! Papasok ka na ba?"Rinig ko na tanong niya pero napapikit na lang ako at saka nagpatuloy na lang sa paghakbang kaso napatigil na lang ako bigla ng hawakan niya ako sa kamay at napatingin agad ako sa kanya pero...

SOBRANG LAPIT NG MUKHA NIYA SA MUKHA KO!

Bigla naman ako natulala ng matitigan ko yung mata niya.

'Ang ganda ng mga mata niya...'

"Sasabay na pala ako sayo"Sabi niya dahilan bigla akong natauhan.

"H-huh?"

"Ang sabi ko sasabay na ako sayo"Ulit niyang sabi pero natulala lang ako ng ngumiti pa siya na kita yung ngipin at ang ganda ng mga ngipin niya na pantay-pantay at maputi.

My badboy loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon