Chapter 24

27 2 0
                                    

"Athena!"

Napamulat naman ako ng mata ng marinig kong tawagin ako ni mama. Hindi pa ako bumabangon pero naririnig ko ulit ang malakas na tawag sakin ni mama hanggang sa marinig ko na lang ang mga yapak niya at pumasok sa kwarto ko.

"Athena? Kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka nasagot? Gising ka na pala pero bakit hindi ka pa tumayo?"Sunodsunod na tanong ni mama sakin pero hindi ko siya sinagot.

"Ma? Tuloy na po ba talaga ang pag-alis natin?"Tanong ko.

"Oo"Sagot ni mama."Baka pala mapabilis na ang paglipat natin ng bagong bahay dahil may nakabili na ng bahay. Baka sa isang linggo aalis na tayo dito"Sabi ni mama.

Napabangon naman ako saka tumingin kay mama.

"Sinong bumili ng bahay, ma?"Tanong ko.

"Hindi sakin pamilyar pero nagustuhan nila yung bahay"Sagot ni mama. Tumango-tango na lang ako.

"Tara na, kumain muna tayo saka pupuntahan natin yung bahay na bibilhin natin"Nakangiting sabi ni mama saka na siya tumalikod at lumabas ng kwarto.

Napabuntong na lang ulit ako saka tumayo na ako at nagtungo sa cr para maghilamos at pagkatapos non ay lumabas na ako sa kwarto saka nagtungo sa kusina para makapag-tanghalian na.

Pritong manok at giniling na baboy ang ulam namin ni mama ngayon kaya naman kumain na agad ako.

Habang kumakain naman kami ni mama bigla siyang nagsalita."Malaki ang bahay na binili ko saka maganda"Sabi ni mama dahilan para mapatigil ako sa pagkain at napatingin kay mama.

"Tayo lang naman dalawa titira doon ma eh, pero bakit malaking bahay?"Tanong ko.

"Eh kasi maganda ang malaking bahay para makakilos ka ng maayos diba?"Sagot naman ni mama. Napatango-tango na lang ako sa sinabi ni mama.

Sabagay tama naman si mama mas makakakilos ka mg maayos kapag malaki ang bahay.

Nagpatuloy naman na ulit ako sa pagkain at nung natapos naman na kaming kumain ni mama nagpaalam naman akong maliligo na ako habang si mama may aayusin muna daw na mga papeles saka maliligo na rin siya.

***

Kakatapos ko lang maligo at nakabihis na rin ako kaso pinapatuyo ko muna buhok ko sa blower at nag-apply din ako ng kaunting make-up sa mukha ko para naman magmukhang tao ako.

d>>__<<b

Nung natapos naman na akong mag-ayos sa sarili ko lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba. Nakita ko naman si mama na nasa salas at nakaayos na rin siya ngayon kaso may kausap lang siya sa phone niya.

Inantay ko naman matapos yung pag-uusap nila nung kausap niya sa phone saka na kami aalis.

"Tumawag sakin yung bibili ng bahay na 'to baka daw sa makalawa na nila bilhin 'tong bahay kaya kailangan makalipat na rin tayo bukas."Sabi ni mama.

Aalis na rin pala kami bukas...Ang bilis naman ng panahon!

"Tara na..."Dagdag na sabi ni mama at sabay kaming lumabas ng bahay.

Si mama ang nagda-drive habang ako nakaupo naman sa front seat. Habang nagda-drive naman si mama at papunta na kami ngayon sa sinasabi niyang lilipatan namin ng bahay.

Mayamaya pa ay nandito na kami sa...
Isang exclusive village at halos puro malalaking bahay ang nakikita ko at mapuno rin siya. Magandang village siya at sa tingin ko puro mayayaman ang nakatira dito. At mukhang malayo itong lilipatan namin ah.

Ilang saglit pa biglang huminto ang kotse kaya napatingin ako kay mama. Tumingin naman sakin si mama.

"Nandito na tayo"Nakangiting sabi ni mama at nauna na siyang bumaba ng kotse kaya naman bumaba na rin ako.

Napatingala naman ako sa laki ng bahay at brand new siyang bahay. Maganda nga siya dahil halos puro salamin style siya at siguro kapag binuksan mo ilaw sa gabi kitang kita ang liwanag niya sa loob.

"Tara, pumasok tayo sa loob para makita mo rin ang loob ng bahay"Rinig kong sabi ni mama at nagsimula naman na siyang humakbang kaya humakbang na rin ako at pumasok sa loob.

Halos mapanganga naman ako dahil sa labas palang kitang-kita na yung garden at parang may...

Swimming pool?

Napatingin naman ako kay mama."Ma? Bakit tayo nagkaroon ng ganitong kalaking bahay na may swimming pool?"Gulat at taka kong tanong. Natawa naman sakin si mama.

"Matagal kong pinag-ipunan 'tong bilhin para sa ating dalawa saka mas malapit ang work ko dito kaysa sa tinitirhan natin ngayon na mabibili na rin naman"Sagot ni mama.

Umiwas naman ako kay mama at napanganga ulit ako sa laki ng bahay na 'to.

Kung ako tatanungin kung saan ko gustong tumira siguro sa dati pa rin pero gusto ko rin dito kaso mas marami akong memories sa bahay namin ngayon kaso hanggang bukas na lang kami doon at aalis na kami.

Pumasok naman kami sa loob at halos sobrang luwag ng loob niya. Tatlo daw ang kwarto, dalawang salas at dalawa rin ang kusina.

May theater room din daw kaso maliit lang at may library at mini bar.

Yung totoo? Mansyon na ba 'to? Parang bahay na 'to ng artista ah!

"Kapag nakalipat na tayo dito bukas...magsisimula na tayo ng panibagong buhay at aasikasuhin mo na rin ang pag-aaral mo sa college at papa-artistahin rin kita."Rinig kong sabi ni mama kaya napalingon ako sa kanya.

"Po? Pa-aartistahin niyo ako? Wala naman po ako alam sa pag-arte eh"Sagot ko naman.

"Anak, lahat malalaman mo rin yan kapag naranasan mo na at kaya gusto kong pa-artistahin ka dahil doon ako nagta-trabaho bilang talent manager sa isang talent agency kaso hindi ko naman sinabi sayo yon at balak ko kapag nakalipat na tayo saka ko na lang sasabihin sayo. Malaki ang oportunidad na makuha ka dahil maganda ka at sigurado akong makukuha ka talaga dahil noon pa lang bata ka palang nakikita ko na minsan na tumutugtog ka sa piano at nag-gigitara. Siguro namana mo yon sa daddy mo noon na mahilig sa pagkanta at tumugtog ng gitara"Sabi ni mama.

Ibig sabihin may talent pala ako sa pag-gigita at piano noon? bakit hindi ko ata alam yon? at bakit parang hindi na ako marunong maggitara at piano ngayon?

"Pero ma? Wala na akong hilig sa pag-gigitara o piano"Sagot ko naman.

"Nak, imposible naman mawala ang hilig ko sa pag-gitara o pag-piano pero mababalik ulit yan kung sasanayin mo ulit na bumalik ka sa dati"Sabi ni mama at tinap niya ang balikat ko.

Hindi naman ako sumagot at napatango na lang ako.

"Tara na, umuwi na tayo para maihanda na natin ang mga gamit natin para bukas"Sabi ulit ni mama at umalis na kami sa bahay na yon.

Pagkadating naman namin sa bahay agad ko naman na inayos ang mga gamit ko para bukas isasakay na lang yon sa irerenta naming truck na paglalagyan ng mga gamit namin.

Nakaka excite na nakakalungkot pero mabuti na rin yon para nga makapagsimula na akong panibagong buhay.












Please don't forget to
VOTE. COMMENT & FOLLOW!

Thanks a lot!

d^^,b

My badboy loverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon