Athena's POV
7am
Kanina pa ako gising kaso tinatamad lang ako bumangon ngayon at bigla ko na lang din naisip yung pag-amin sakin ni Heiden kagabi kaya hindi talaga ako matulog at alas-kwatro na ata ako ng umaga nakatulog.
May pasok pa ako ngayon kaso tinatamad talaga akong bumangon kaya nakahiga lang ako ngayon sa kama ko habang tulalang nakatingin sa kisame ng biglang may kumatok sa pinto kaya napalingon ako ng biglang bumukas yon at tumambad si mama na nakatayo sa may pinto.
"Anak, hindi ka pa ba babangon?"Tanong ni mama at deretso na siyang pumasok sa loob ng kwarto ko,bumangon naman ako.
Kaya lang naman ayaw ko pang bumangon dahil kay Heiden at pangalawa parang tinatamad din akong pumasok ngayon.
"Ma? Nasa baba ba si Heiden?"Tanong ko.
"Oo, niyaya ko na siyang kumain at nasa kusina na siya saka ikaw na lang inaantay namin."Sagot naman ni mama kaya napatango na lang ako.
Wala naman na akong nagawa kaya tumayo na lang ako at saka nagsabi muna akong maghihilamos lang ako.
Pagkatapos ko naman maghilamos saka na ako sumabay kay mama bumaba at nagtungo sa kusina. Nakayuko naman ako hanggang sa nakaupo na ako.
Egg, bacon at sinangag rice yung breakfast namin kaya masasap talaga kumain kaso naiilang naman ako dahil kaharap ko lang si Heiden at hindi pa rin mawala sa isip ko yung pag-amin niya kagabi sakin.
Sa totoo lang gusto ko na rin siya at gusto ko rin umamin kaso bigla naman napapaatras ang dila ko lalo na kapag kaharap ko na siya.
d>>__<<b
Nagulat naman ako ng biglang hinawakan ni mama yung kamay ko kaya napatingin ako kay mama."Anak, mauuna na pala ako dahil may work pa ako. Maiiwan ko na kayo, kumain lang kayo"Paalam na sabi ko mama at akmang magsasalita naman ako para pigilan ko siya dahil sobrang naiilang talaga ako kay Heiden kaso bigla ng tumayo si mama at umalis.
Napayuko na lang ulit ako kaso bigla naman nagsalita si Heiden pero hindi ko siya tinignan."Gusto mong bacon?"Rinig kong tanong niya. Tumingin naman ako sa kanya saglit sabay yuko ulit.
"Sige"Sagot ko at nakita ko naman na nilagay niya yung bacon sa plato ko.
"Kain ka na..."Rinig ko pa na sabi niya at narinig ko naman na nagsisimula na siyang kumain.
Dahan-dahan naman akong napaangat ng tingin sa kanya at bigla na lang ako natulala habang kumakain siya. Bigla ko na lang naalala yung tinanong ko siya kagabi kung kailan matatapos ang pagpapanggap namin.
Nung gabi na yun nakaramdam ako ng saya dahil sa wakas matatapos na ang kalokohan na 'to at magiging malaya na ako sa pagpapanggap namin na sa totoo lang parang wala naman nangyayari dahil parang hindi naman nahahalata nila na nagpapanggap lang kami. Pero nakaramdam din ako ng lungkot dahil alam kong yun na yung wakas at hindi ko na siya makakasama.
Hays ang gulo!
Dati hate na hate mo siya tapos ngayon bigla ka na lang aamin sa sarili mo na gusto mo siya!
"Papasok ka ba ngayon?"Biglang rinig ko na tanong niya na naman kaya napabuntong nalang ako saka tumingin sa kanya.
"Hindi ko alam"
"Bakit hindi mo alam? Ah! Tinatamad kang pumasok 'no?"Takang tanong niya pero sa huli natawa din siya dahilan bigla akong natulala.
Ang cute niyang tumawa yung tipong hindi mo makikita mga mata niya.
"Kung hindi ka papasok edi hindi na rin ako papasok"Sabi niya dahilan para matauhan ako.
"Ha? Teka, diba nilalagnat ka kaya hindi ka talaga papasok? Ah eh papasok kasi ako"Sagot ko.
BINABASA MO ANG
My badboy lover
Novela JuvenilSimple lang ang buhay ng isang Athena Robles at halos lahat ay humahanga sa taglay niyang katalinuhan at kagandahan ngunit paano kung ang kilala mong mayabang at badboy sa campus niyo ay walang ginawa kundi pumasok lagi sa magulong mundo? pero kahit...